Chapter 6 (Part 1)

330 12 0
                                    

Rainie's POV

Nang sumigaw sa galit si Kaen, wala akong emosyon na nakita sa mukha ni Lenon. Wala din siyang kibo man o reaksyon.

"Sa tingin mo ba kalaban siya ha! Sa tingin mo?! Ano ba ang ginawa niya sayo na hindi mo siya pinapaniwalaan?! Kitang kita mo naman kaibigan siya ni master eh. Sinabi niya pa nga na childhood friend siya ni master. Since bata pa siya kilala ni master! Buksan mo ang utak mo ang makinig ka sa akin. Kaibigan siya ni master at hinding hindi siya kalaban!" Sigaw ni Kaen sa depensa ko na nanginginig na sa galit. Dumilim ang paningin niya na parang konti nalang at sasaktan niya na si Lenon.

Patingin tingin ako sa dalawang nag aaway na may takot. Ng tumingin ako sa ibang mga elites nakita ko na seryoso sila at hindi pinapakelaaman ang dalawa habang si Darwin naman ay nakatitig lang at hindi pipigilan ang away na parang may hinihintay na sagot. May nakikita din akong galit na directed kay Lenon sa mata niya.

Takot ako na sasaktan nila ang isa't isa talaga at na tatakot din ako sa boses ni Kaen. Sana naman na pumigil sila kasi ayaw ko mag away ang mga mag kaibigan. Bakit kaya ganoon ka agressive ang sagot ni Kaen? Alam ko na may chance na magaglit o maiirita siya dahil wala siyang tiwala sa akin pero sa opinion ko sobra naman ang reaksyon na ito. May galit kaya itong dalawa sa isa't isa? Ano kaya yun?

Mga ilang minuto pang pag sisigaw ni Kaen kay Lenon bago pinigilan ni Darwin ang away ng dalawa. Ng isasampal na sana ni Kaen si Lenon sa galit pinigilan ni Darwin by holding back her wrist. Tumingin din siya ng masama sa kanya na parang nag sasabi na subukan niya pa talaga at magagalit talaga siya. In response, pumigil si Kaen at nag step back.

"I'm sorry master." Pag hingi ng tawad ni Kaen kay Darwin at tumango lang siya na nag sasabi na napatawad niya na siya.

Tumingin naman si Darwin kay Lenon at sinimulan pagalitan na halata na galit na galit dahil inaccuse niya ako na kalaban. Si Lenon naman ng nakita ang galit ni Darwin ay natakot at nag crack ng konti ang poker face niya kanina.

"Lenon." Simula niya na parang pinipigilan niya lang ang sarili niya na hindi siya sumigaw.

"Rainie is a friend, I assure you. Do you trust me?" Tanong niya kay Lenon.

"Yes master, with my entire being." Sagot niya naman with conviction and without a single doubt or a sign of hesitance.

"Then I want you to trust my judgement. I want you to believe in me. I trust Rainie with my life and I've known her since we were mere children in elementary school. I confirm that. She will never betray us. She will never let us out to die. Do you understand?" Tanong niya na nakatingin sa mata ng kinakausap niya.

"Yes master." Sagot ni Lenon.

"So if you dare question her loyalty. If you dare question her judgement. If you dare her hurt her. If you even dare to look at her wrong, I will kill you, I will torture and I will rip you to shreds. That is a promise I intend to keep. This goes for all of you." Sabi ni Darwin ng seryoso tapos tumingin siya sa iba pang elites ng sinabi niya yung last part. Lahat sila ay napalunok sa takot sa promise ng kanilang master.

Alam siguro nila na ang mga promises ni Darwin ay hindi basta basta. Lahat ng pripromise niya ay talagang gagawin niya. I guess naging importante siya nung nag promise kami na magiging leader kami ng mga tribe namin. Kaya ngayon leader na siya ng shinigamis tapos ako naman ang mga leader ng mga senshin. Mahalaga sa amin ang mga pangako. Katulad ko rin si Darwin na tinutupad ko talaga ang mga pinapangako ko.

"Let's go back to business to the reason I called Rainie here." Simula ni Darwin na nakatingin sa akin habang naka ayos na ulit ang lahat ng elites. Naka tayo sila ng ayos, walang emosyon at walang galaw.

"Humingi ako ng tulong sa iyo dahil may problema kaming nararanasan ngayon tungkol sa mga originals. Ang mga ito ay yung mga dating shinigami na hindi sang ayon sa rebellion, alliance or lack of unreasonable killing ngayon. I guess you could say na sila yung mga rebels ngayon habang kami naman yung kinakalaban nila for the reason na ayaw nila sa mga binago namin. Parang lang siya katulad namin na ayaw ang mga ways nang dating royals." Explain ni Darwin sa akin.

"Bakit niyo kailangan ng tulong ko, don't get me wrong tutulungan ko kayo kung humingi kayo ng support sa amin pero bakit ako specifically lang ang pinatawag mo? Sabi mo pa sa akin na umalis ako in secrecy at sigurado na wala ang may alam sa totoong reason kung bakit ako nandito. Why go through the effort?" Tanong ko na medyo natatakot dahil kailangan sobrang secret ang pag alis ko.

"My patterns na nilalabas ang mga originals sa pag patay nila. Kailangan namin ng tulong ng isang senshin na galing sa Atama family para malaman ito. Kaya ikaw specifically dahil ikaw lang na senshin na pwede pumunta dito. Kaya kailangan na nandito ka dahil baka may spies sila sa inyong compund or sa kahit anong tribe. Kailangan sa black dimension natin papag usapan ang mga plano at brainstorming natin kasi meron kaming shinigami na ang seventh sense niya ay kaya niyang madedect kung may pumasok na shinigami na original at siya ay si Hamori. Basically tracker siya in a way. Hindi lang dahil ikaw lang ang member sa Atama family na makakapunta dito, dahil din may tiwala kami sa iyo. May tiwala ako, si papa, at si mama na hindi ka kalaban." Mahabang paliwanag ni Darwin sa mga tanong ko.

That's a lot to take in. Kaya pala medyo weary yung mga unang shinigami ng pumunta ako dito. Kala nila na originals ako dahil hindi nila ako na recognize. Tawag ko din kasi kay Darwin, Seiji at wala mang lord or Sir meaning na inakala nila na wala akong respeto kay Darwin at inassume nila na original ako. Kaya din pala weary si Keira dahil natinig niya ang tawag ko sa master niya. Tapos ng nalaman ng iba pang mga elites na napralyze ko si Keira edi inisip nila na masama ako.

"Ok tutulungan ko kayo pero hindi ako masyado makakatulong physically wise dahil masakit pa naman ang katawan ko. In a week naman makakagalaw na ako." Sagot ko sa kanila.

Tantei High Fanfic (Original story by Purpleyhan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon