I remembered.I was 13 years old that time.Umalis sina mama at papa kaya ako lang mag-isa ang naiwan sa bahay.Dahil likas na makulit ako ay kinuha ko ang bike na kakabili lang ni papa saakin nung last b-day ko.Umalis ako ng bahay na walang pahintulot mula sakanila.Kung saan saan na ang pinuntahan ko nung araw na yun.
Hindi niyo ako masisisi kung sadyang matigas ang ulo ko paano ba naman kasi hindi na ako masyadong mabibigayan ng atensyon nung mga magulang ko eh.Palagi silang busy hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan nilang dalawa kapwa kasi silang doctor sa isang malaking hospital dito sa bansa.Ang Taemin Park Hospital.
Kung saan saan na ako nakarating nung makita ko sa isang sign board ang pangalang "Welcome to Olympia."Lumang luma na ang sign board na pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang pangalan ng lugar na Olympia.Olympia?May lugar pa pala na katulad nito ngunit parang hindi ko naman narinig to ah?
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Bahagya pa akong nagulat ng mapagtanto kong wala na pala ako sa baranggay namin tsk mukhang 5 o 6 na kilometro rin ang nilakbay ko gamit itong bike ko.
Pumasok ako sa sinasabi nilang Olympia hindi ko pa alam kung sakop pa ba ito ng bayan namin o Ano? Makikita mong luma na nga nag lugar na ito wala kasi masyadong bahay eh at kung meron man mga old style house na makikita mo sa T.V noong panahon pa ng mga Hapon.
Pinasok ko pa ang Olympia hanggang sa marating ko ang isang kagubatan.Napangiti ako habang nagbibike.Hindi ko akalaing madidiskubre ko ang ganitong ka tahimik na Lugar na ako lang mag-isa.
Napahinto ako sa pag bi-bike nung matanaw ko hindi masyadong malayo dito ang isang building.
Huh? May building pala rito.Mas binilisan ko pa ang pag bi-bike para madaling makapunta sa building na yun.
Hanggang sa marating na ko ito.
"OLYMPUS ACADEMY"yan ang sumlubong saakin habang nakatingala ako sa Gate ng paaralan na inaakala kong building kanina.
Bumilis ang tibok ng puso sa sobrang excitement.Luma na ang paaralan pero sobrang laki nito mas malaki sa sa isang Robinsons Mall.
"Bata anong ginagawa ko dito?" halos mapatalon ako sa gulat nung may nagsalita sa likod ko."Hindi ka dapat nandito."dagdag pa ng isang matanda na nasa aking likuran.
"O-opo.Alis na po ako."sagot ko sa kanya kahit hindi ko pa gusto pero anong magagawa ko eh natatakot ako sa kanya.Hindi sinasadyang magbangga ang balikat namin ni lolo at nagulat ako sa lamig ng balat niya.Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.
"Umalis kana."aniya sa malamig na tono.
Mag aala-siete na ng nakabalik sa bahay.Pagdating ko dun wala pa sina Mama at papa tsk.
Napangiti na lang ako nung bulaik sa ala ala ko ang Olympus Acdemy.
Maghanda ka Olympus Academy babalik ako.Babalikan kita.Marami pa akong gustong malaman tungkol sayo.
******
A/N: oh yeah baby yeah.Another story of mine nanaman po.Thank you for reading.
YOU ARE READING
Olympus Academy
Fantasy"Curiosity Kills Cat" ika nga.Kaya naman kating kati na si Nayumi Madrigal na alamin ang sikreto ng Olympus Academy.Kung bakit ba ito kakaiba? Kung bakit nasa tagong lugar ito.Sangkot ba ito sa Droga o Sindikato o baka naman Nangbubugaw sila ng mga...