3.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko.Malakas ang ulan sa labas na sinasabayan rin ng malakas na kulog at kidlat.
Ang amoy ng lupang naitan kanina dahil sa matinding init ay suminaw dahil sa biglaang malakas na ulan ang nangigibabaw sa pangaamoy ko kahit na nasa second floor ng bahay ang kwarto ko.
Wala akong magawa nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.Napahinto ako nang makita ko ang libro kanina.Parang gusto kong basahin.
Inabot ko ang libro at sinimulang basahin.Tagalog pala ito.
The Tale of the Superhumans: When the virus invades.
Noong unang panahon sa isang hospital ay mayroong matatalik na magkakaibigang doktor. Sina Felipe Valdemore, Anna Natadia, Isidro Madrigal,Geneves Agnara at si Rodman Hermanno. Mga kapwang magkakaibigan mula highschool hanggang maging doctor.
Si Anna Natadia at Isidro Madrigal ay magkasintahan habang Pinsan naman ni Isidro si Rodman.
Masayang nagtatarabaho ang magkakaibigan sa Les Veague Bañias Hospital noong panahon pa ng mga espanyol dito sa pilipinas.
Ngunit isang delubyo ang dumating noong idiklara ng bansa na may paparating na away mula sa isang kaibigang bansa rin.
Lahat ng tao ay nagsipaghanda sa Pilipinas. Habang ang magkakaibigang doctor naman ay ipinadala sa isang mission.
Mission na kung saan ibubuwis mo ang iyong buhay para sa kapakanan ng bansa.Ipinadala sila kasama ang mga sundalo sa bakbakan upang gamutin ang mga sugatan.
Bago ang nasabing away ay may ginawa ang magkasintahang Anna at Isidro.
Gumawa sila ng isang gamot na kung saan mapapalakas mo ang iyong sarili.Isang drogang hindi maipaliwanag ang kanilang naimbento. Kulay Berdeng Malapot iyo na kung iinomin mo ay makakaramdam ka ng kakaiba sa iyong katawan.
Noong mga panahon na iyon ay natuklasan nina Felipe at Geneves ang kanilang ginawang gamot.Ngunit alam hindi nila ipinagsabi ito.Sa lahat ng magkakaibigan tanging si Rodman lamang ang walang alam.
Pinangalanan ng magksaintahan ang gamot na iyon ng. Virus SHBTH- O2 .Isa itong Virus pagkat makakaramdam ka ng kakaibang lakas at kapangyarihan ay unti unti rin naman nitong papatayin ang iyong sistema.
Hindi pinaalam ng kahit kanino ng magkasintaha itinago nila ito kahit sa mga kaibigan.
Nang ipinulong ng presidente ang lahat ay itinakda ang limang magkakaibigan para maging lead healers ng tropa.Nung gabing yun ay kinausap ng magkasintahan ang presidente at sinabi ang natuklasan.
Ngunit laking pagsisi nila ng marinig iyon ni Rodman.Agad na nagalit ang kaibigan sa kanila at sariling kinausap ang presidente para isuhestyong gamitin ang gamot na iyon sa lahat ng mag sundalo para manalo ang bansa ngunit hindi iyon inaprobahan ng presidente dahil nalaman nitong ang sinumang gagamit nito ay mamatay kalaunan.
Pero hindi nagpatalo si Rodman,sa ilang oras nanatira ay ninakaw niya ang gamot sa mga kaibigan. Ginwa niya itong kakaiba sa pamamagitan ng tinawag na convertion.Ginawa niya itong gas.
Sa araw ng laban. Batid mong handa na ang lahat pero nakikitaan mo parin ng laba ang magilan ngilan lalo na ang mag sundalong alam mong may pamilyang maiiwan. Pwede sila mamatay, matalo ng kalaban pero nakikita mo rin ang determinasyon sa kanilang mga mata.
Pinatawag ng presidente ang lahat kabilang ang lima.Sa kalagitnaan ng pagpupulong ay tumayo si Rodman hawak hawak sa mga kamy ang isang container na puti. Binuksan niya ang container at lumabas mula doon ang isang makapal na usok. Lahat ay napaubo at tinatanong siya kung anong nangyayari.Lahat ay napayuko at kaalunan ay agad din silang tumingala sabay ng pagkaiba ng kulay ng kanilang mga mata.May pula, asul, berde, puti, dilaw, lila at ang katangitanging kulay ng mata at ang nagiisang kakaibang kulay nito ay tinaglay ni Anna Natadia ang kulay ginto.
Lahat ay nagtaka, natakot at nangamba. Ng agad na ipaliwag ni Rodman ang nangyari ay natakot ang iba ang iba naman ay nasayahan pagkat pakiramdam nila ay dila na ang pinakamalakas.
Sa kanilang lahat ay taniging si Anna ang nagatataglay nitong ganitong kukay ng mata laht ay namangha pero walang ibang nararamdaman si Anna kundi takot sa kung anu man ang mangyayari sa kanya at galit kay Rodman dahil sa pagpapatuloy ng kanyang masamang hangadin.
Pula ang tinataglay na kulay ng mga Mata ni Isidro Madrigal, Puti naman kay Felipe Valdemore, Asul ang may Geneves Agnara, lila ang kay Rodman Hermmano at ang natatanging Kulay ginto ang kay Anna Natadia.
Nananalo sa Giyera ang bansa ngunit marami din ang nasawi ang mga natitirang nilalang na may virus sa katawan ay inilipat sa ibang lugar upang hindi mahawaan ang iban pang mamamayan at ang lugar na ito ay ang tinatawag na Olympia.
"Anak wake up."napabalikwas ako sa kama ang maramdaman kong niyuyugyog ako ni mom.Nakatulog pala ako habang nagbabasa ang libro.
"Let's go dinner na." mom whispered to me at nauna ang lumabas sa kwarto ko.I took a last glance at the book before going out on my room.
YOU ARE READING
Olympus Academy
Fantasía"Curiosity Kills Cat" ika nga.Kaya naman kating kati na si Nayumi Madrigal na alamin ang sikreto ng Olympus Academy.Kung bakit ba ito kakaiba? Kung bakit nasa tagong lugar ito.Sangkot ba ito sa Droga o Sindikato o baka naman Nangbubugaw sila ng mga...