0A 4

122 3 0
                                    

Three days had passed simula noong simulan kong basahin ang librong about Superhumans.At ngayon naman ay nakatambay ako sa garden namin dito sa likod ng bahay.

My parents are not here.I am again alone in this big and empty house.

Naglibot libot ako sa garden namin  pampalipas oras.Umupo ako sa bench kalapit sa swimming pool.Ang pool namin ay nasa gitna ng malapad na garden. May narinig akong kaluskos sa likuran ko pero hindi ako gumalaw...

"Kahl lumabas ka riyan." Utos ko sa seryosong boses.

"Ang daya naman ate,dapat hindi mo alam eh." reklamo ng isang 6-year old na batang lalaki.

"Bakit ka nandito?" binalingan ko siya at nakita kong humahaba ang nguso niya.

"Bakit ayaw mo ate, alam ko kasi sa mga oras na to mag-isa ka.Sa tingin mo ba hahayaan ko malungkot ang ate ko?"

Nakakatuwa pakinggan galing sa kanya yan.Siya si Mikahl,isang gwapong batang lalaki, nakilala ko siya dati nung tangkaan niyang nakawan ang bahay namin nung isang taon pa yun limang taong gulang palang siya non.mag-isa rin ako nun dito.Pero dahil mabait ako pinabayaan ko nalang siya dahil alam ko naman ang kalagayan niya...
Mahirap lang ang pamilya ni Kahl,mangangalakal ang tatay niya at may sakit naman ang nanay niya,hindi siya nag aaral dahil sa kakulangan sa pera,may tatlo rin siyang nakakabatang kapatid at siya ang panganay.Pumupunnta siya dito para kumain ng masasarap na pagkain sa amin,magkaibigan kami ni kahl at parang kapatid na turing ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganoon kahl,nandito ka kaya walang nagbabantay sa nanay mo." nag aalala kong sabi

"Alam ko namang hindi ako ang kailangan ni nanay ate,at tsaka isa pa nandoon si tatay hindi siya nangalakal ngayon." malungkot na sabi niya.Naawa naman ako sa kanya at bakas sa gwapo niyang mukha ang lungko,sakit,hirap at pagod.

"Kahl,halika ka kay ate." paglalambing ko sa kaniya.Agad naman siyang lumapit saakinat umupo sa natitirang espasyo na inuupuan ko.

"Ate pwede bang mag tanong?" tanong niya saakin

"Sige ano ba yun?"may mali akong nararamdaman kay Kahl ngayon.Hindi ko mabasa ang emosyon niya.

"Minsan ba nakakaramdam ka rin ng kakaiba sa katawan mo? Katulad ng hindi mo sinasadya mabasa ang utak ng isang tao?" sersyosong sabi niya

"Kakaiba? Mabasa ang utak ng isang tao?" tumayo ang balahibo ko sa tanong ni kahl."bakit Kahl Nangyari na ba yon sayo?"

"Oo ate.Kahapon may babae akong bunggo sa daan tiningnan niya ako tapos tiningnana ko rin siya sa mga mata niya ate tapos hindi ko inaasahang mabasa ng utak niya- narinig ko ate narinig ko kung ano ang iniisip niya." walang tonong sagot ni Kahl sa tanong ko.

"Kahl?"

"Natatakot ako, iniisip ng babae na binuggo ko siya dahil yun ang mudos ng bagong gang ngayon ate yung mga magnanakaw-" hindi ko na pinatapis pa ang sasabihin ni Kahl ng higitin ko siya para yakapin. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang batang ito habang nanginginig ang katawan.

"Khal?" tawag ko sakanya ng may ideyang pumasok sa utak ko.

"Ate?" tiningala ako ni Khal na basa pa ang mukha sa luha.

"Gusto mo tulungan ka ni ate? Tutuklasin natin kung ano ang meron sayo?" tutulungan kita Khal at pati narin ang sarili ko dahil minsan naring nangyari sakin ang ganyan noong bata pa ako at alam kong hindi yun ang magiging huli.

***********
A/N: sorry for the super duper late and short UD.Babawi ako sa susunod promise.Busy lang kasi sa School.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Olympus AcademyWhere stories live. Discover now