Chapter 16: Secret Life

1.4K 80 27
                                    

Chapter 16: Secret Life

---

Time Travelers

In all our wrongs,
           I want to write him.
           in a time where
           I can find him.

Before the tears
           that tore us.

When our history was
            before us.
---

Yoona's Point of View

Promise. Hindi ko sinasadyang takutin si Kai. I swear, mamatay man ako. Tsk. Patay na nga pala ako no? Anyway highway, hindi ko naman alam na hihimatayin siya.

Like sobrang nakakatkot ko ba? Duh. Hindi palang nila nadidiscover ang hidden beauty ko since I'm invisible.

Yung tingin naman ni Xi ay sobrang sama. Singsama ng ugali niya sa akin. Binelatan ko naman siya. Naguguilty na nga ako eh.

Masaya din pala ang secret life.

Nagdecide ako na umalis muna dahil mukhang nakalimutan ng Exo at SNSD na magka-away sila. Hindi kasi sila nagbabangayan.

Naglakad-lakad naman ako sa subdivision nila Kris. Ang loko ay mayaman pala. Sobrang exclusive ng village nila. Nagulat naman ako dahil may biglang tumakbo na babae.

Hahabulin ko na sana siya pero may humahabol din sa kanya. Ay marathon ba ito?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng biglang tumigil yung humahabol sa babae. Tumingin siya sa akin kaya dumiretso ako sa paglalakad. "Rare soul." He said.

Huminto naman ako sa paglalakad. "Ako po ba?" tanong ko naman.

Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. Ginaya ko naman siya. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Saan ba ang handaan?

"Ikaw nga. Rare soul." He said.

"Ako? Wait lang po ah. Patay na po ba kayo?" tanong ko naman. Tinawanan lang niya ako.

"I'm already dead." sabi naman niya. Nagpose naman siya sa akin. "Sa tingin mo, ano ako?"

Napa-isip naman ako. "Naliligaw na kaluluwa?" sagot ko naman.

Yung ngiti niya ay nawala. "Infairness Yoona, sarcastic ka pa din." Nagulat ako dahil kilala niya  ako.

"Stalker ba kita?" I asked him.

"Hindi ako stalker. Ang gwapo ko para maging ganon." He said to me.

"Eh ano ka?" Give up na ako kung ano man siya.

"Grim reaper." He said.

"Oh?" Di ko makapaniwalang tanong. "Tatakbo na ba ako? Kukunin mo ba ako?"

Umiling naman siya. "I can't take you there." He said. "I saw you a while ago. Nakikipaglaro ka sa mga tao. You shouldn't do that Yoona."

Umupo naman ako sa daan since wala namang tao at wala din namang sasakyan. Hmmm. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

Umupo naman siya sa tapat ko. "They can die because of you." He said.

Natigilan naman ako sa narinig ko. They can die because of me? Ayoko naman yata na mapunta pa sa ganon. "Normal humans can't endure ghost energy." pagpapaliwanag niya.

"G-gusto ko lang naman na m-makipagkaibigan.." I said to him. Nakakaiyak naman pala ang secret life. Akala ko masaya na eh.

"If you stick to them, they'll weaken. Then die."

We were Liars || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon