Chapter 23: Seven Weeks

1.4K 78 34
                                    

Chapter 23: Seven Weeks

A/N: Oh, I'm thankful guys for supporting my stories! Do also check out, Half Goddess, Half Hell. (Exoshidae fanfic po siya. Thank you so much ♡♡♡

---

Yoona's Point of View

Mukhang indemand ako dahil hinahanap ako ng SNSD? Ewan ko ba kasi one time ay random nilang tinatawag ang pangalan ko o baka assumera lang ako? Hmmm.

Anyway, hindi muna ako magpapakita kay Jessica at sa iba pa. Naalala ko kasi yung sinabi nung reaper. Ayokong madamay pa yung mga inosenteng tao dahil lang sa kagustuhan kong may tumulong sa akin.

At dahil mabuti akong student ay pumapasok pa din ako sa school. Sayang naman ang uniform na bigay ni KJ! Nakikiseat in nalang ako sa ibang program depende sa mood ko.

Saktong lunch time at pumunta ako sa rooftop ng music building. Prohibited ito sa mga students pero dahil sa maganda ako ay exempted ako.

Nakita ko naman na parang lumabas ng school si KJ. Saan naman kaya ang punta niya? Pumikit naman ako at nagteleport ng ilang metro ang layo mula sa kanya.

Sumakay siya ng taxi at nakisakay naman ako sa taxi. Doon ako sa compartment ng kotse sumakay. Hindi ko pwedeng tabihan si KJ dahil malalagot talaga ako sa kanya!

Naramdaman ko namang hindi na umaadar yung kotse. Isinilip ko naman yung ulo at nakita ko na lumalakad na siya papunta sa isang bahay? Sino naman kaya ang dinadalaw niya dito?

Halos 2 oras din pala kaming nagbyahe. Aabsent kaya talaga siya?

Hindi na nga sa akin pamilyar ang lugar dahil wala masyadong dumadaan na sasakyan. This place is isolated. Nauna siyang maglakad pero nakasunod naman ako sa kanya.

"Hijo." bati nung matandang babae sa may pintuan at lumabas naman yung isang batang lalaki.

"Hyung.." sabi nung bata kay KJ tapos yumakap pa ito sa kanya. Ginulo naman ni KJ yung buhok nung bata. Magkamukha sila , magkapatid yata sila.

"Kumain na po ba kayo?" tanong naman niya sa babae. Tumango naman yung babae at pinapasok na sila sa bahay.

Kung titingnan mo ay parang medyo makaluma yung bahay. Two story house ang bahay. Napatingin naman ako sa bintana na malapit sa isang puno. Baka pwede akong pumunta doon.

Pinikit ko naman yung mata ko at inisip yung lugar na gusto kong puntahan. Pagmulat ko ay nasa loob na ako ng bahay. Saktong second floor ang landing ko!

Naging maingat ako sa bawat galaw ko dahil baka biglang umakyat si KJ dito tapos pagalitan pa ako.

Bumungad sa akin yung tatlong kwarto na magkakatabi. Ayoko sanang pumasok pero wala naman sigurong masama kung maglilibot ako.

Wala namang problem kahit nakalock dahil tatagos at tatagos lang ako sa pintuan. Unang pintong pinuntahan ko ay mukhang kwarto nung bata. May mga laruan kasing display sa isang glass cabinet.

Lumapit naman ako sa table niya. May mga librong nagkalat at mukhang mga sketches. Mukhang mahilig magdrawing yung dalawang magkapatid. Tiningnan ko naman yung mga ginagawa niya at nagulat ako na kamukha ko yung halos ng gawa niya.

Di kaya may kakambal ako? Jusko.

Kinuha ko yung isang drawing at may napansin akong maliit na sulat sa bandang baba nito.

'I'm sorry noona. Don't give up. Please.'

Ganyan yung nakalagay. Tapos yung nakadrawing ay yung nakangiti ako. Bet ko yung drawing.

We were Liars || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon