Chapter 11: Misery

1.4K 74 15
                                    

Chapter 11: Misery

---
Like most misery, it started with apparent happiness.

-Markus Zusak (The Book Thief)

---

Yoona's Point of View

Hindi ako sumali sa activity dahil mukha lang akong ewan kung sasali ako doon. Hindi naman ako nageexist sa mundo nila. Ang daya no?

"Anong mukha yan?" Nagulat naman ako sa nagsalita. "Hello! What's your name?" Hala. Close agad kami?

Hmm. Multo ba to? "Multo ka ba?" Sabi ko naman. Tinanguan naman niya ako.

"Nagpapagala-gala ka din ba?" She asked. Hindi ko naman alam yung isasagot ko since may point naman siya sa tanong niya.

"Medyo?" Sagot ko naman. "Ikaw?" Well, naglilibot lang naman ako at naghahanap ng forever este kapayapaan pala.

Tumawa naman siya. "Nagtatago ako."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano?" Gulat na sabi ko sa kanya. "Bakit ka magtatago kung patay ka na?" Hindi ko kasi magets yung logic sa sinabi niya.

Tumawa naman siya sa sinabi ko. "Tsk. Marami ka pang hindi alam sa mundo natin kaya nga mas masarap maging tao nalang. Yung feeling na kahit nahihirapan ka, at least buhay ka." Paliwanag niya sa akin.

Tumango-tango naman ako. "Kanino ka nagtatago?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hmmm. Alam mo, ayoko pang tumawid. Ayoko kasing makalimutan lahat ng alaala ko. Alam mo yun?" Natatawa niyang sabi. Tumingin naman siya sa mga mata ko. "Mag-iingat ka ha."

Bago pa ako makapagsalita ay nawala na siya bigla. Jusko! Ano bang ibig sabihin niya?

"Tsk. Ang gulo talaga ng mga babae--"

Hindi na ako nakapagsalita nang makita ko yung isa sa taong ayokong makita.

"Tsk." Bati niya sa akin. Inirapan ko naman siya.

Sunget.

Kala mo naman gwapo.

"Are you ignoring me?" Tanong naman niya sa akin. Duh. Sapakin ko tong mukhang babae na ito.

"Hoy, mukhang babae na magnanakaw!" Sita ko naman sa kanya. Dinuro-duro ko pa siya ng kamay ko. Ang galing nga eh, nahahawakan ko siya! Astig. "Wag mo nga akong kinakausap? Leave me alone, tss."

He just stared at me then chuckled. Tsk. Mukha bang joke ang dyosa kong mukha?

"What?" He said.

"Tumatawa ka pala." Bulong ko naman. Matik naman na bumalik yung scary aura niya ng sabihin ko yun. Binigyan na nga siya ng compliment pero di pa din tinganggap.

"May naalala ka na ba?"

Ang random niya promise. "Wala." Sagot ko naman.  "Ano yun? May magic ang kiss mo?"sarcastic na sabi ko sa kanya.

Bago ko matampal ang labi ko ay nasabi ko na ang mga forbidden words na tinatago ng utak ko. Wow, may sariling mundo ata pati ang bibig ko.

"Why are you staring?"

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. "Pamilyar ka kasi." Bulong ko naman.

"Tsk. Maybe, you saw me on TV or in the internet." Sabi naman niya. Ay oo nga pala, sikat sila lalo na sa mga babae. Hmp.

"Ay ewan." Sabi ko nalang. Umiwas naman ako ng tingin kasi ang awkward ng sitwasyon namin.

"Luhan hyung." Bigla naman akong nagpanic ng may tumawag sa kanya. Nagtago pa nga ako pero mas mukha akong baliw dahil sa ginawa ko. Hindi nga pala nila ako nakikita. "Sino ba ang kausap mo?"

We were Liars || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon