Chapter 22: X's and Y's
A/N: Do check out Half Goddess, Half Hell. EXOSHIDAE Fanfic po siya. Nasa works ko po! 😘 Thanks!
Genre: Action. 🔫💀☠---
Yuri's Point of View
Mukhang maraming niluto si Panyang na dinner. "Anong meron? May bisita ka ba? tanong ko naman sa kanya.
Sinamaan naman niya ako ng tingin. Ibinaba naman niya yung pink niyang apron. "Yuling, maupo ka nalang at kumain." sagot naman niya.
"Dadalan ko ng pagkain si Taeng!" sabi naman niya. Ay sabi na eh. May relasyon sila ni Taeyeon. Kaloka.
Nagdasal muna kami bago lumafang. "In fairness, akala ko di marunong magluto si Fany." sabi ni Sooyoung. Backstabbing ba yung ginagawa namin hehe.
"Akala ko puro lipstick lang ang alam niya wahaha." sabay tawa naman ni Hyoyeon. Pinatahimik naman siya ni sister Sunny na tahimik kumakain.
"Parang may something." sabi naman ni Jessica. Tumingin naman kami sa kanya. "Bakit?"
"Anong something yan?" tanong ko naman.
Ngumiti naman siya. "Di ko alam." sagot naman niya. Gusto ko nalang idukdok ang ulo ko sa mesa. Stress ha.
Nagtawanan naman yung iba dahil sa sinabi ni Jessica pero agree naman ako sa kanya. May something nga at di ko alam kung ano yun.
---
Tiffany's Point of View
La la la. Sana naman ay magustuhan ni Taeng ang luto ko. Nilagyan ko pa yun ng love. Wala naman kasi akong pagbibigyang iba. Sa mga kaibigan ko lang nakalaan yon.
Hindi ako bitter. I'm better.
Shocks, nagiging makata na yata ako. "Bakit ba kasi na second floor ang kwarto niya?" Maiksi lang po ang binti ko kaloka. Mahirap umakyat!
Nakarating naman ako sa tapat ng kwarto ni Taeng pero natigilan ako dahil may naririnig akong boses. Shemay, imposible yun.
Kinabahan naman ako. Nagsasalita ba si Taeng ng mag-isa at lalaki ang boses niya? True ba?
Nilakasan ko na yung loob ko dahil ako yung nandito. Pipihitin ko na yung doorknob nang may biglang humawak sa balikat ko.
"Don't move."
I stiffened. Napasok ba kami ng magnanakaw? Sisigaw na ba ako? Baka naman bigla niya akong saksakin kapag ginawa ko yun. Pero pano naman yung mga babaita sa baba?
Huminga naman ako ng malalim. "SN--"
Natakpan naman niya agad ang bibig ko. Wahh. Ang laki ng kamay niya! Naisip ko naman na baka panaginip lang ito o nag-iimagine lang ako.
Hindi ko naman alam kung bakit bigla nalang akong naiyak. I don't know what's happening. "Shhh, don't cry." He said.
That voice. Kilala ko yung hayop na boses na yon.
Hindi naman nakinig yung isip at mata ko. Tuloy pa din sa pagluha ang mata ko! Sayang at hindi pink ang luha ko!
Why.. am I still hurting at this point?
"W-Why a-are you here?" bulong ko naman. Tinakasan na naman ako ng lakas ng loob.
"To see you." sagot naman niya. Kung noon sana, madali pa akong maniwala pero ngayon?
I can't just trust his words.
Because his words betrayed me.
"O-okay." Bakit ba nauutal ako? I'm not affected. I'm not. "Anong rason?" I keep my voice as firm as possible.
BINABASA MO ANG
We were Liars || ExoShidae
Fanfic| ReaLies Series: Second Installment | Completed as of April 28, 2018 "Walking away is not the best thing you can do." They are Girls Generation. They are Exo. This is the second part of their story. Her side: Taeyeon: Everybody has a chapter they...