Chapter One

622 12 2
                                    

"And they lived happily ever after." Pagtatapos ni lola Emily sa kwentong binabasa para sa  apong pitong taong gulang na si Rona.

"Lola, gusto ko din pong magkaroon ng prince charming." Sabi ni Rona kay lola Emily.

"Oh apo, hindi ka pa pala tulog?" Gulat na tanong ni lola Emily.


"Eh lola hindi pa po ako inaantok eh,"


"Hay nako apo! Ang hirap mo namang patulugin!"



"Lola bili mo po ako ng prince charming!"



"Hahaha, apo hindi nabibili ang mga prince charming."



"Eh pano po ako magkakaroon ng prince charming?"


"Apo, pagdating ng tamang panahon, makikilala mo din yung tamang tao para sayo. Yung taong mamahalin ka sa kabila ng mga imperfections mo."



"Kailan po yun lola?"



"Pag nasa tamang edad ka na"



"Pero lola gusto ko na po ngayon!"




"Apo, masyado ka pang bata!"




"Eh lola!"




"Matulog ka na apo, para lumaki kana. Tapos pag malaki ka na makikilala mo na yung prince charming mo"


"Talaga po lola?"


"Oo apo."



"Bakit po kasi hindi pa pwede ngayon?  Para po we will lived happily ever after din po. "



"Wag kang masyadong magmadali apo, mas masarap pitasin yung prutas na nahinog sa tamang panahon."



"Eh hindi naman po prutas yung gusto ko!"



"Hahaha masyado ka pa talagang bata apo ko. Kaya matulog kana, para lumaki kana agad."


"Sige po lola! Pero pag laki ko po, gusto ko din yung prince charming ko gwapo, mabait tas may palasyo po..



..at may abs po!"





"Hay dyusko! San mo nakuha yang salita na yang bata ka!"


"E diba po kinekwento nyo po?"



"Wala naman akong kinewentong may abs ha?"



"Ay yung abs po ba? Sabi kasi ni ate Rina, yung prince charming nya daw po may abs."



"Hay naku! Yung ate mo talaga kung anu-anong tinuturo sa'yo!"



"Lola? Masarap po ba yung abs?"




"Ikaw bata ka! Matulog ka na, kung anu-ano na yang lumalabas sa bibig mo!"



"Eh sabi po kasi ni ate Rina, parang pandesal daw po yun."


"Rona! Pag di ka pa natulog papaluin na kita! Wag kang makikinig sa mga kalokohan ng ate mo!"


"Sige na nga po. Goodnight po lola." Sabi ni Rona bago humalik sa pisngi ni lola Emily.




"Goodnight din apo."



Maya maya pa pareho nang nakatulog ang mag lola.

HUGOT QUEEN: RONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon