Pagpasok ko ng store agad akong binati ng guard.
"Good morning mam rona!"
"Good morning kuya!" Ganti ko.
"Naka-ready na po yung kape niyo." Tila nanunudyo na sabi ni kuya guard.
"Ah, ok po salamat po."
"Ang tibay din po nang manliligaw nyo na yun noh mam."
Ay? Ususero si kuya?
"Hehehe.." yung tawang pag wala ka nang maisagot.
Pumasok na ako sa store, baka makipagtsismisan pa sa akin si kuya guard.
Pag pasok ko sa office ko agad kung nakita yung cup ng kape at may note pa.
"Good morning mylab, yung pag-ibig ko sayo parang kapeng matamis na matapang. Sweet pero kaya kang ipaglaban." Yourlab, Rod.
Hayup! Pwe!
Ang corny talaga nung manliligaw ko na yun."Ate" tawag ko sa tagalinis na dumaan.
"Bakit po mam?"
"Ate, sayo na lang tong kape." Inabot ko sa kanya yung kape.
"Ay, bakit po mam? Galing po to kay sir Rud ah?"
"Alam ko po, nabasa ko nga yung corny niyang notes eh. Hindi po kasi ako mahilig sa sweet na matapang. Gusto ko po yung bitter."
"Hindi po ba better si sir Rud? Mukha naman pong nasa kanya na po yung lahat."
Ay? Usisera din si ate? Bakit ba lahat ng empleyado ko usisera?
Tsaka sabi ko bitter hindi better.
Hay naku mababaliw ata ako sa mga empleyado ko!
"Gusto mo ba ate ng kape o ayaw mo?"
"Syimpre po gusto ko. Eh ayaw nyo naman po, sayang naman po kung itatapon niyo lang."
"Feeling ko mas sayang yung pakikipag usap ko sa yo."
Pero siyempre hindi ko na sinabi sa kanya yun. Baka mamaya magwelga yung mga empleyado ko. Hahaha.
"Salamat po mam."
Tumango na lang ako at sinara ko na yung pinto. Kailangan ko nang umpisahan yung trabaho ko.
.
.
Abangan si Rod sa susunod na kabanata. Hahaha.
BINABASA MO ANG
HUGOT QUEEN: RONA
Short StoryBABALA: ang storyang ito ay puro KAKORNIHAN AT KALOKOHAN lamang! So huwag kayong mag expect ng magandang story, kung ayaw nyong masaktan! Ang mga tauhan ay makatotohanan, at ang mga pangyayari ay puro kalokohan lang. Feel free to comment and vote...