Chapter Two

394 11 9
                                    

*KRING KRIINNGGG*


*KRING KRIINNGGG*


"Hmmm..."

*KRING KRIINNGGG*


"Hmmm... ano ba inaantok pa ako"
Inabot ko yung phone kong kanina pa nag aalarm.



Silip sa phone.
6am na pala.

*KRI..*


Pinatay ko yung alarm 😊

"Five minutes pa!" Sinet ko na lang ulit yung alarm. Ang sarap kayang matulog.



"KRING KRIINNGGG!"


"KRING KRIINNGGG!"



"Hmmn.."



"KRING KRIINNGGG!"


Inabot ko yung phone ko na nag iingay na naman!



"Waahhhh!!!" Nanlaki yung mga mata ko! Kanina lang alas sais pa lang? Alas 8 na agad? Eh 9:00 mag-oopen yung store ko!




Dali dali akong tumakbo sa cr para maligo. Ang tanga tanga ko talaga! Sabi ko 5mins. lang! Umabot na ng dalawang oras! Musta naman?


Kahit na ako yung may ari ng HUGOT SUPERMARKET ayaw ko pa din namang nale-late noh.


Bwesit talaga!



Minsan yung alarm clock, parang tao yan sa paligid natin eh. Ilang beses tayong paa-alalahanan, ginigising tayo sa katotohanan. Pero tayo? nagbibingi-bingihan. Tapos magigising na lang tayo kung kailan huli na ang lahat..
late na..






After 30mins. tumatakbo na ako palabas ng bahay. Agad agad akong nag abang ng taxi. Nasa talyer pa kasi yung kotse ko. Ewan ko ba dun sa kotse ko, paboritong pasyalan yung talyer.

Sumakay na ako nang may humintong taxi sa harap ko.


"Manong sa hugot supermarket po!" Sabi ko kay manong driver.


"Sige po mam!" Sagot naman ni manong driver.


"Kuya pwede po bang medyo bilisan nyo? Male-late na po kasi ako eh." Paki-usap ko kay manong driver.

"Naku mam, mas maganda pong nag-iingat tayo. Mahirap po kasi yung minamadali baka masaktan po tayo."

Ay? Humuhugot ba tong si manong driver?


"Manong okey lang po, sanay naman na po akong masaktan. Kaya please po bilisan nyo na!"


"Sige hija, ikaw bahala. Mukha namang manhid ka na."


Aba't! Naku! Nanahimik na lang ako. Mukhang may pinaghuhugutan si manong driver eh.

HUGOT QUEEN: RONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon