Chapter 1

360 11 6
                                    

Chapter 1

Myca's P.O.V

"Hello ate good morning ^___^ bili na po kayo nitong gulay ^__^ murang mura lang po ang kilo .."

Hello, ako nga pala si Myca Summer Lopez. 17 y/o. Ulila na sa mga magulang since nung 3 y/o pa lang ako. Nag-aaral ako sa isa sa mga prestiguos school dito sa pinas. Scholar ako ni Father Leonard Carpio. Simula kase nung naulila ako, sa lola ko ako lumaki. Kahit na hindi sya talaga yung tunay kong lola, tinuring niya naman akong parang apo. Sya ang nakapulot sakin, nung naaksidente kami sa isang bangin. Namatay ang mga magulang ko at ako lang ung nakaligtas nun. Simula nung nakita ako ni lola paz inalagaan nya ko dahil wala na rin syang pamilya nun. Nung tumuntong ako sa edad limang taon, tumutulong na ako kay lola paz sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Tinutulungan din kami ni Father Leonard, sya ang nag-papaaral sakin simula elementary hanggang ngayon sa college.

---------------

"Bili na po kayo ng gulay, murang mura lang po at sariwang sariwa pa." - Myca

Andito kami ngayon sa palengke kasama ko si lola paz, linggo ngayon at maraming tao, tinutulungan ko si lola paz para may pangkaen kami mamaya.

"Iha, magkano itong upo?"- sabi ni manang

"15 lang po ^_^"- sabi ko habang nakangiti para dumami ang bumili :)

"sige, bilin ko na 'to. ang ganda ng ngiti mo iha ehh. ang hirap tanggihan. haha ^__^" sabi ni manang habang tawa ng tawa.

"eto na po. ^_^ maraming salamat po." sabi ko

"apo, binola ka pa ehh. haha" sabi ni lola paz

"si lola talaga, totoo naman po maganda ang ngiti ko ehh. haha" sabi ko habang tawa ng tawa

"oo na, sige na maganda ka na,haha :D"

-------------

First day of school ngayon sa Clifford Academy. Business Administration ang kinuha ko. Gusto ko kase balang araw makapagtayo ako ng isang kompanya.

Lahat ng estudyante dito puro mayayaman. Ako nga lang ata ang mahirap dito. Halos lahat sila may kanya kanyang sasakyan.

Halata talagang mayayaman sila. Pero hindi naman siguro sapat na dahilan yun para hindi ako makatuntong dito.

"kyaaaaaahhhh andito na ang mga clifford prince"

"waaaaahh ang gwapo mo rain"

"akin ka na lang jaypee, ang hot mo"

"waaaahh ryle gwapo mo pa din walang pinagbago"

Nagulat naman ako nung mag-hiyawan ang mga babae dito. Nakakabingi, masakit sa tenga. Mas malakas pa mga boses nila kesa dun sa palengke.

"Miss, bakit sila humihiyaw? Sino ba ung mga clifford prince na sinasabi nila?" tanong ko dun sa isang babae na nakatayo lang sa isang tabi

"sila ba? sila lang naman ang kinahuhumalingan ng mga babae dito. Isa sila sa mga pinakamayaman dito sa school." paliwanag nya saka sya tumingin dun sa mga lalaki.

Napatingin naman din ako sa kanila. Totoo nga at mga gwapo sila. Pero mukha namang masungit at mayabang.

"Ah ganun ba. Pasensya ka na. First time ko lang kasi mag-aral dito. Myca Summer Lopez nga pala." Saka ko inabot ung kamay ko para makipag-shake hands.

"I'm Kary Mae Mendoza. Nice to meet you." sabi niya at saka ako nginitian.

"Nice to meet you too." sabi ko at saka ngumiti.

"May tanong ako bakit ba sila tinitilian ng mga babae dito?" tanong ko.

"Bukod kase sa mayaman, matatalino at gwapo din sila. Yung lalaki na nasa gitna ay si Ryle Mendoza. Yung nasa kanan naman ay Rin Schill at yung nasa kaliwa naman ay si Jaypee Leondale." sabi nya habang ako eto nakanga-nga ang gwapo kaya nila.

"Salamat sa info. Mauna na ko sayo. Sana magkita pa tayong muli. ^___^" sabi ko at saka umalis.

----------------

Andito ako ngayon sa Dean's office dahil na rin sa scholar ako at may mga dapat din akong gampanan dito. Isa na dun ang pag-aasikaso ng mga files ng mga estudyante dito.

Actually, hindi ko naman ine-expect na dito ako makakapag-aral. Kahit hindi ako makapasok dito kahit sa public school lang ayos na. Gusto kasi ni Father Leonard na dito ako mag-aral. Sayang daw ang talino ko kung hindi rin naman magagamit.

------------

Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang gwapong Dean ng Clifford School.

"Are you Ms. Lopez?" sabi nung Dean sakin pag-kaupo niya

"Yes, sir." sabi ko habang nakangiti.

"Simula ngayon ikaw na ang mag-aassist sa mga new students dito at lahat ng mga files ng estudyante dito ay gagawin mo na rin. Na-inform ka naman na siguro ni Father Leonard about this?" sabi ng Dean

"Yes, sir." sabi ko

"Starting tomorrow ang mga student council ang makakasama mo. Sila rin ang mag-tuturo ng mga dapat mong gawin. Understand?"

"Yes, sir. Thanks po."

"Okay. You may go now." sabi nung Dean at saka ako umalis at nag-paalam.

--------------------

Bukas mag-uumpisa na ang buhay ko dito sa Clifford Academy.

-----------------------

Songs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon