Chapter 7

191 4 3
                                    

Manuel's POV

Kailangan ko ng umamin kay Myca. Sabi ni tatay, kapag dumating ang kaarawan ko aalis na kami dito. Gusto ko, bago ako umalis malaman ni Myca ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Jasmine's POV

Namimiss ko na ang bestfriend ko. Mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap. Ganoon ba kasipag ang mga estudyante sa Clifford Academy?

Hello! Ako nga pala si Jasmine Fuentes. Ang ultimate bestfriend ni Myca. We're friends since Grade 1.

"Mama, si Myca po ba pupunta dito?" Jasmine

"Oo, diba harvest day ng mga gulay natin ngayon. Kaya mamaya tumulong ka sa kanila." Mommy

"Yes, Mama. Anong oras po ba?" Jasmine

"Mamayang 8am para maganda ang panahon." Mommy

"Sige po. Punta na ako mama sa Garden. Bye!" Jasmine

Akala ko nakalimutan na ako ng bestfriend ko. Naalala ko ung sinabi ni Manuel.

"Flashback"

Naglalakad ako papunta sa palengke. Baka sakaling maabutan ko dun si Myca.

Pero malayo pa lang si Lola Paz lang ang nakita ko.

Nagmadali akong lumapit kay lola.

"Lola, mano po." Jasmine

"Oh iha ikaw pala. Bakit napadaan ka ata dito?" Lola Paz

"Si Myca po kasama niyo po ba?" Jasmine

"Hindi iha. Maaga syang pumapasok dahil scholar sya sa school na pinapasukan niya. May inassign daw kasi sa kanyang tungkulin. Bakit may kailangan ka ba kay Myca?" Lola Paz

"Wala naman po Lola. Namimiss ko lang ang bestfriend ko." Jasmine

"Naku iha. Ilang araw lang kayo di nagkita eh. Miss mo na agad." Lola Paz

"Syempre naman po." Jasmine

"Oy Jas, nandyan ka pala." Manuel

"Ay wala ako dito. Drawing lang 'to." Jasmine

"Meron ka ba? Aga aga mo ang sungit sungit mo!" Manuel

Naku kung di lang kita labs!

"Hehe 'to naman di na mabiro!" Jasmine

"Bakit ka ba napadaan dito? Dinadalaw mo ba ako?" Manuel

Ha? Ano daw? Feeling ko kamatis na muka ko sa kilig. Shocks! Lalo akong inlababo nito kay Manuel. waaaahhhh!

"Iha, Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" Buti na lang lola dumating ka your my savior.

"A-ah e-eh Lo-lola hindi po." Jasmine

"hahahahahaha" manuel

Nagulat ako ng biglang tumawa si Manuel!

"Bakit ka tumatawa?" pagsusungit ko.

"Wala lang. Seryoso na 'to. Bakit ka ba napadpad dito?" Manuel

"Akala ko kasi maaabutan ko si Myca dito. Hindi naman pala."

"Si Myca ba? Ang huling paguusap namin nung Monday. Simula nun hindi ko na sya nakausap. Akala ko nga lumalayo na sya sa atin dahil marami na syang nakilalang mayayaman dun."manuel

"Hindi naman gagawin ni bestfriend yun." sabi ko kay Manuel. Alam ko naman may lihim na pagtingin sya kay Myca. Kahit na hindi niya sabihin sakin. Nararamdaman ko yun.

"Oo alam ko naman yun. Feeling ko kasi kapag hindi ko nakikita si Myca, wala akong kaibigan." Manuel

"Hindi naman namimili ng kaibigan si Myca eh." Jasmine

"Oo nga, hindi na. Pero paano kung isang araw dumating ung punto na kailangan niya ng malaman ang totoong pagkatao niya. Paano tayo?" Manuel

"Anong ibig mong sabihin?" Jasmine

"H-ha? Wa-wala! Sige mauna na ako sayo. May gagawin pa ako." - Manuel

"Sige ingat!"

Ano ba Manuel ang ibig mong sabihin? May tinatago kaba? Ano bang alam mo kay Myca? Sana lang hindi mangyari kung ano man ang nasa isip mo ngayon.

"End of Flashback"

Masyado akong nababahala para kay bestfriend. Sana hindi masira ang pagkakaibigan namin.

Songs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon