Chapter 4

235 7 3
                                    

Myca's POV

Anubeyen! Na-late pa ako ng dahil sa antipatikong lalaki na yun! Nag-aaral ba yun dito sa school na'to? Bakit pinapayagan nilang mam-bully ang mga yun? Ibang klase talaga kapag mayaman. Idinadaan nila sa pera.

"Good morning po sir! I'm sorry I'm late"- Myca

"It's okay, you're not late. You're on time. Please take your sit."- Mr. Romero

"Yes, sir!" -Myca

Umupo na ako at saka nakinig. Ngayon ko lang napansin ang room namin. Simple lang at may mga instrumento. Hindi ganoon kalaki. At talagang pang-mayaman ang mga nag-aaral.

"Aahh! Nandito na sila"

"Gwapo niya talaga, sana maabot na kita"

"kyaaaahhhh"

"Gaga, abot mo nga eh, ayaw mo lang tumayo. Hahahaha"

Bigla akong napatigil sa pagmamasid ng magsalita ang dalawang babaeng nasa likod ko na kinikilig. Hindi lang pala sila. Lahat na nga ata kinikilig, mababae man o lalaki. Ano problema ng mga 'to?

"Ang tagal naman nilang pumasok."

"Oo nga eh"

"baka hindi sila aattend ng classes"

"baka dun sila sa private room nila papasok"

"sayang naman, hindi pa natin sila makikita"

Sino ba mga tinutukoy ng mga 'to? Kinalabit ko yung katabi kong babae.

"Miss, sino bang tinutukoy nila? Bakit kinikilig sila? Eh wala namang pumapasok." - Myca

"Ah, mga clifford prince, Freshmen ka ba dito?"- Fiona

"Oo eh," - Myca

"kaya pala hindi mo kilala"- Fiona

"nakita ko na sila kahapon, pero hindi ko naman ganoon kakilala, may nakausap lang din akong babae, nagkwento lang sya tungkol sa clifford prince, kaso hindi ko rin naman natandaan"- Myca

"Ganoon ba, makikilala mo rin sila, mababait naman ang mga yun hindi katulad nung isang lalaki na kapatid ni Prince Ryle,masama ang ugali." - Fiona

"Sino na---

"kyaaaaaaahhhh"

"Clifffffoooorrrrd Priiiiinnnncceee"

"waaaaahhhhhhh"

"kyaaaaaaaaaahhhhhhh"

Hindi ko naituloy ang itatanong ko ng bigla silang maghiyawan.

Pumasok na pala sila, at kasama nila yung babaeng nakausap ko kahapon.

"Miss, un ung babaeng nakausap ko kahapon. Nakalimutan ko yung pangalan niya." -Myca

"Si Kary Mae ba? Sya ang muse ng clifford prince. Mabait din yan, masayahin at masarap maging kaibigan. Kakambal sya ni Prince Ryle." -Fiona

"oo yun nga ,kary, yun ang sinabi niyang pangalan kahapon sakin." -Myca

Nagkwento pa sya ng nagkwento tungkol sa kanila. Nalaman ko rin ang pangalan niya sya pala si Fiona. Pinakilala rin niya ako kila Ryle. Nung pinakilala niya ako kay Ryle hindi ko maiwasang hindi sya titigan. Ang ganda ng mga mata niya. Pinagmasdan ko pa syang mabuti. Gwapo, ang hot ng katawan, matangkad,lahat na nga ata nasa kanya na. Nung naipakilala niya na ako, bigla na silang umalis nun. Naging kaibigan ko na rin sila. Si Fiona ang kasabay kong kumain kanina sa cafeteria. Buti na lang nagbaon ako ng pagkain, napakamahal pala ng bilihin dito. Natapos na rin ang klase ko, at hindi ko rin nakausap muli si Kary mae. Pauwi na ako ngayon at magtatrabaho pa ako sa gulayan nila Aling Tina. Gusto ko rin makausap si Jasmine at marami akong ikwekwento sa kanya.

Songs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon