Chapter 3

265 8 7
                                    

Myca's POV

This is it. Today is the start of regular class. Sana maging maayos.

"Lola, good morning po. Kain na po tayo. Nakaluto na po ako ng almusal natin." sabi ko sa lola ko.

"oo susunod na ako apo. Tapusin ko lang itong pinaplantsa ko."

"Mamaya na po yan lola, ako na pong gagawa niyan. Lalamig po itong pagkaen. Masarap pa naman po itong kainin kapag mainit. Tara na po."

"Oo, hayan na" sabi ni lola at saka umupo.

"Lola, sa tingin niyo po ba nararapat lang po ba akong mag-aral sa cliffford? Puro mayayaman po nag-aaral dun. Hindi po ba pwedeng dun na lang ako mag-aral sa eskuwelahan ni Manuel?" tanong ko kay lola na ngayon ay umiinom ng kape.

"Alam mo apo, kahit na mahirap ka o scholar ka lang dun, wala akong nakikitang hadlang para maabot mo ang mga pangarap mo. Ang mahalaga makatapos ka. Sayang ang talino mo kung hindi mo gagamitin. Ikang, tandaan mo ito kahit kailan hindi hadlang ang kahirapan para marating mo ang tagumpay. Kaalaman ang puhunan mo para umasenso. Kaalaman rin ang tanging hindi mananakaw ng iba sayo, tandaan mo yan."

"Lola, pinapangako ko po sa inyo na maaabot ko ang mga pangarap ko para po sa inyo. Mahal na mahal ko kayo lola. Salamat po at hindi niyo po ako pinabayaan."

"Apo, makita lang kitang magtagumpay sa lahat ng pangarap mo, malaking karangalan na sa akin 'yon, dahil napagtapos kita sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal kita."

"Salamat talaga lola."

"Nako tapusin na natin itong pagkain at baka mahuli ka pa sa klase mo. Tama na drama apo at baka bumaha sa lugar natin. Hahahaha"

"Si lola talaga, ayaw niyo po nun libre ligo hahahaha"

"Tumigil ka na ngang bata ka puro ka kalokohan."

"Hahahahaha" sabay kaming napatawa ni lola.

Kahit na mahirap, kahit maraming kulang, alam namin na sa isang halakhak lang naming dalawa, alam naming masaya kami at nandyan ang diyos para gumabay at tumulong samin para malagpasan ang lahat ng pagsubok na dumadaan sa buhay namin.

--------------------

"Lola, alis na po ako." paalam ko kay lola at saka nag-mano at humalik sa kanyang pisngi.

"Mag-iingat ka apo, galingan mo" sabi ni lola sakin.

"Opo, Lola! Ingat din po kayo! Bye po!"

Pasakay na ako ng jeep ng bigla akong tinawag ni Manuel

"Ikang, sandali!" manuel

"Bakit Manman?" myca or ikang

"Sabay na tayo. Madadaanan ko naman ang school niyo." manuel

"Yun lang pala. Tara na, at baka malate pa ako." ikang

"Ako na magbayad, libre ko." manuel

"Porke't nanlibre may lagnat agad? Hindi ba pwedeng gusto ko kasi mahal kita" Ha? May sinasabi ba 'to?

"Ano sinabi mo?"

Manuel's POV

Nagmamadali akong tumakbo para maabutan ko si Ikang ng makasabay ko sya. Nung nakita ko sya agad ko syang tinawag.

Songs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon