Chapter 6

225 6 2
                                    

Ryle's POV

Papunta ako ng Dean's Office ngayon para sabihin na wala pa kaming nakikitang papalit kay Ella.

Napahinto ako ng may marinig akong isang tinig na kay gandang pakinggan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yun. Basta dinala na lang ako ng aking mga paa sa may music room. Walang tao sa labas at sarado ang pinto. Hindi ko alam kung sino ang nasa loob. Nakakaengganyo pakinggan ang kanyang boses.

Sumandal ako sa pader at pinakinggan mabuti ang musika. Kung pakikinggang mabuti ang kanta. Malungkoy ang tunog nito hindi rin mapagkakailang may halong lungkot rin ang kumakanta dahil na rin sa boses niya. Mapapansin na marami syang pinagdaraanang problema.

Nakinig lang ako sa musika. At nakalimutan kong pupunta nga pala ako sa Dean's Office. Lagot!

Myca's POV

Kailangan ko ng bumalik sa classroom. Baka may makakita pa sa akin dito.

*Classroom*

"Myca!" tawag sa akin ni Fiona

"Oh bakit Fiona?" tanong ko.

"Nabalitaan ko na wala pa rin daw nahahanap na papalit kay Ella. Marami na rin daw nag-audition pero kahit isa walang pumasa." kwento ni Fiona sakin.

"Wala? Eh paano ngayon ang contest?" tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Last day na ngayon ng audition. Tara manuod tayo sa auditorium."

"Sige!"

*Auditorium*

"Marami pa lang nag-audition ngayon. Halatang pagod na pagod na pati mga teacher." sabi ko.

"Oo nga no!" sagot naman ni Fiona

Nandito kami sa may bandang harapan nanunuod. Kitang kita namin kung paano mapagalitan ang mga nag-audition dahil sa ayaw pinipilit nilang abutin ang tono ng isang kanta.

Biglang nagsalita si Ella.

"Ano Prince Ryle nakahanap na ba kayo ng papalit sakin?" tanong niya.

"Kung wala kang magandang sasabihin mabuti pa umalis ka na! Baka makalimutan kong babae ka at patulan kita!"

"Easy boy! Nagpunta lang naman ako dito para sabihin na bukas na ang contest! Matatalo na ba tayo dahil wala ako? Kawawang Clifford!"

"Bakit hindi mo na lang kaya itikom ang bibig mo Ella?"

"Ow! Bakit hindi niyo subukan ang babaeng ito? Hindi ba at mas pinagtanggol niyo sya kesa sakin?" sabi ni Ella at sabay turo sakin.

"Ako? Bakit ako ang tinuturo mo dyan?" tsk! Patay tayo dyan. Hindi na ako pwedeng sumali sa ganito. Magagalit sa akin si Lola. Nangako na ako sa kanya na hindi na ako sasali kahit ano pang mangyari.

"Bakit natatakot ka na bang mapagtawanan at mapahiya dito? Hahahaha" sabay tawa niya at ng mga kaibigan niya or should I say ALALAY niya.

"Hindi ako natatakot!" sabi ki pero sobra ng bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

"Oh talaga? Bakit hindi mo subukang kumanta?" sabi pa nya.

"Miss Ella, tama na yan!" sabi ni Mr. Dean.

"Hello Mr. Dean! Bakit hindi niyo subukan? Wala namang mawawala hindi ba?"

Songs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon