Chapter 5

210 5 2
                                    

Myca's POV

Pagkatapos nung eksena umalis na sila. Naiwan kami dito ni Fiona. Mukang nagkaroon ng malaking gulo. Kasalanan ko pa yata at pinatulan ko ang babaeng un.

"Fiona, parang lalong lumaki ung problema. Naging pabigat ba ako sa ginawa ko?" - Myca

"Hindi naman, salamat ah! Pinagtanggol mo pa ako." - Fiona

"Wala un, sanay lang talaga ako. Ayoko kasi sa mga taong nang-mamaliit sa mga mahihirap. Ayokong nakakakita lalo na at sa mga kaibigan ko pa ginawa." -Myca

"Salamat ulit. Kahit na hindi pa tayo masyadong magkakilala, komportable na agad ako sayo." -Fiona

"Walang anuman, ikaw nga lang ung naging kaibigan ko dito eh." -Myca

"Iba kasi mga estudyante dito, nakikisama lang sa mga taong sikat. Kaya ayun, ung ibang mga sikat ginagawa lang alalay ung mga kaibigan nila. Kumbaga inaabuso ang kabaitan ng Fans nila." - Fiona

"Kakaiba nga pala dito." -Myca

"Sinabi mo pa." -Fiona

"Kanina, ano ba ung mga sinasabi ni Ella? Ano ung tungkol sa Contest?" - Myca

"Every year ginaganap yun. Tuwing first week of school year nagkakaroon yun."-Fiona

"Para saan naman ba yun?" -Myca

"Lahat ng private school kasali sa program na yun. Isa ang school natin sa sasali sa contest. Kapag nanalo ang school natin isang karangalan yun. At kapag nanalo ang school natin nagkakaroon ng chance na maging isa kang President ng dance and sing club sa isang elite school na pag-aari ni Mr. Mendoza. Daddy ni Ryle at Kyra un." -Fiona

"Bakit hindi na lang nila ipamuno sa magkapatid yun?" -Myca

"Hindi ko na kasi alam yun." -Fiona

"Ganun ba?"- Myca

Parang bigla akong naging interesado dun sa contest.

Pinatigil ako noon ni Lola sa pagkanta at pagsayaw ayaw niyang sumasali ako sa contest. Hindi ko alam kung anong dahilan.

Ryle's POV

2days na ang nakakalipas simula nung nagkaroon ng gulo. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakahanap ng kapalit kay Ella. Last day na ngayon ng audition. Bukas na ang contest. Kapag wala kaming nahanap na kapalit madidisqualified kami.

Myca's POV

Friday ngayon. Nandito ako sa may garden ng school. Gusto ko kasi ng tahimik. Para naman makapag-relax. Marami kasing gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam bakit hindi ako pinapayagan ng lola ko sumali sa contest.

*FLASHBACK*

Pauwe na kami ni Lola Paz kagagaling lang namin sa taniman ng gulay ni Tita Brenda. Habang naglalakad kami naisip ko na kausapin ko sya tungkol sa contest na gusto kong salihan.

"Lola, gusto ko sanang mag-paalam sa inyo kung pupwede bang sumali ako sa contest?"- myca

"Anong contest naman iha?"- Lola paz

"Sa dancing and singing contest po."

"Hindi pwede!" matigas na sagot ni Lola

"Lola mawalang galang na po, pero bakit hindi po ako pwedeng sumali? Malaki na po ako malapit na akong mag-18. Alam niyo naman pong simula bata musika at pagsayaw lang ang gusto ko. Bakit kailangan niyo pa pong ipagkait sakin yun?"-myca * sob *

Songs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon