026

1.2K 86 46
                                    

Ang tanga mo talaga, Jeon. Yan ang nasabi ni Wonwoo sa sarili matapos niyang pumayag sa sinabi ni Mingyu.

Dumiretso na kaagad siya sa supermarket para bilhin yung chocolates. Chocolates na pinabibili ni Mingyu para kay Minghao. Hindi alam ni Wonwoo kung bakit siya pumayag na gawin 'to. Pwede naman siyang tumanggi kung tutuusin pero hindi niya magawa. Ayaw niyang tanggihan si Mingyu.

Dumating na siya sa supermarket at pumunta na kaagad sa section na puro chocolates. Hershey's Kisses. That's his favorite chocolate. It's a good thing yung favorite na chocolate niya yung pinabili ni Mingyu. Masaya siya dahil yung chocolate na iyon ang ibibigay ni Mingyu pero hindi sa kanya, kay Minghao. Minghao is his friend pero hindi niya maiwasang magselos dito. Lagi niyang pinipigilang mainis kay Minghao sa tuwing kasama niya si Mingyu kahit na deep inside, sobrang nasasaktan na siya.

Kumuha siya ng 3 packs ng chocolates. Dalawa kay Mingyu at isa para sa kanya, para sa pagbibigyan niya. Pumunta na siya sa counter para bayaran yung binili niya at para na rin makapunta na sa school nila dahil 11 na at 12 ang klase niya.

Kim Mingyu, siguraduhin mong babayaran mo 'to dahil ubos na allowance ko.

---
Nakarating na siya sa school at dumiretso sa classroom. Doon na lang niya ibibigay kay Mingyu yung pinabili niya.

"Hyung!" Tawag ni Mingyu rito pagkapasok niya sa classroom. Ang lapad ng ngiti ni Mingyu at konti na lang ay pwede nang mawasak yung mukha niya.

Matutuwa na sana si Wonwoo pero naalala niyang dahil pala sa chocolates kung bakit siya nito inaabangan. "Eto na yung chocolates mo. Bayaran mo yan ha wala na akong allowance." sabi nito at binigay yung chocolates. "Yay! Thank you hyung! Babayaran kita wag kang mag-alala hyung. Lilibre na rin kita ng lunch bukas." sabi ni Mingyu at kinuha ang chocolates. "Pero sabado bukas. Pano mo ako malilibre?" tanong ni Wonwoo rito.

"Problema ba yun, hyung? Eh di gala tayo bukas." sabi ni Mingyu. Date ba 'to? sabi ni Wonwoo sa isip. Gala nga di ba? Ang assuming mo, Jeon. Dagdag nito sa isip niya. Ngumiti na lang ito saka umupo sa upuan niya dahil dumating na yung teacher nila.

---

Uwian na at gagawin na ni Mingyu yung plano niya. Si Wonwoo na naman ang pinakiusapan niya para puntahan si Minghao at papuntahin sa auditorium. Ginawa naman ni Wonwoo yun kahit nasasaktan siya. Today's the last day na magiging single si Mingyu. And thanks to Minghao dahil don.

Pumunta na si Minghao sa auditorium kasama si Wonwoo. Napansin nilang walang ilaw kaya hinayaan ni Wonwoo na si Minghao ang magbukas nito. Para naman sa kanya yung surprise eh.

Nagulat si Minghao dahil nakita niya si Mingyu sa harap ng stage na may hawak na mic at bouquet ng flowers. "Hi Hao! Pwede ka bang umakyat dito sa stage?" sabi nito at tinawag si Minghao. Hindi lang sila ang tao sa auditorium. Nandoon din yung mga kaibigan nila at yung mga estudyante nacurious lang sa mga ganap.

Pumunta lang si Wonwoo sa gilid at pinanood sila Mingyu. Nakangiting umakyat si Minghao at parang kinikilig sa ginagawa ni Mingyu. "So, it's been 2 months simula nung niligawan kita. Hindi ko na pahahabain 'tong mga sinasabi ko kaya, will you be my boyfriend?" sabi nito at ngumiti nang napakalawak kay Minghao. "Oo naman!" Minghao said at napayakap naman si Mingyu sa kanya. "Thank you, Hao! You'll never regret giving me a chance! I love you!" Sabi nito at hinigpitan pa ang yakap kay Minghao.

I love you. Yan din yung gusto kong marinig galing sayo pero para sa akin. Sabi ni Wonwoo sa isip at pinapanood pa rin ang dalawa.

Habang yakap ni Mingyu si Minghao, napunta yung tingin niya kay Wonwoo sa gilid. He smiled and mouthed 'Thank you' na nagpangiti naman kay Wonwoo nang pilit. Hindi niya kayang maging masaya sa oras na 'to dahil sa konting-konti na lang ay lalabas na yung mga luhang pinipilit niyang itago.

"I love you too!" Sabi ni Minghao at nagsigawan naman ang mga tao sa paligid nila. Lahat sila ay masaya dahil sa pangyayari, maliban sa isa. Jeon Wonwoo. Lumabas na ito ng auditorium para hindi na makita kung gaano sila kasaya.

Dumiretso siya sa mga lockers dahil may pagbibigyan siya ng chocolates. Mingyu. Siya ang pagbibigyan nito. Alam niyang kahit bigyan niya ito ay wala na siyang pag-asa dahil sila na ni Minghao. Pero walang makakapigil kay Wonwoo dahil sa ganitong paraan niya masasabi yung feelings niya.

Nag-iwan siya ng letter bago nilagay sa locker ni Mingyu.

To: Mingyu

All these kisses yet I still want to receive a kiss from you.

~Beanie

---
//okay ang ikli at ang panget sowwii
//so pupunta ako sa province ngayong holy week so wala munang updates ehue.
//i tried rose quartz and serenity na color sa nail q and it's so qttt (k walang may pake)
//sa mga jicheol shippers dyan i published a new jicheol fanfic sa tap ehue (aym minqtastic) (shameless promotion ㅠㅠ)

rants ✩ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon