037

1K 80 12
                                    

"Pinatawag ko kayo dahil gusto ko lang kayong icongratulate. Kayo yung may pinakamataas na nakuhang score para sa project. At dahil diyan, exempted na kayo sa pre-finals para sa subject ko. Sige. Yun lang. Makakaalis na kayo." sabi ni Mr. Lee at umalis naman na yung dalawa.

Yun lang pala yung sasabihin. Kung hindi dahil sayo, hindi malalaman ni Mingyu yun, sabi ni Wonwoo sa isip habang tinitingnan si Mr. Lee.

Wala namang nagsalita sa kanilang dalawa habang palabas ng kwarto. Nang makalabas sila, binilisan ni Mingyu yung paglalakad at halata mong galit ito kay Wonwoo. Hinabol naman ni Wonwoo sa Mingyu hanggang sa maabutan niya ito. "Mingyu, let me explain." sabi nito nang maabutan niya si Mingyu at hinawakan sa braso.

"Wag muna ngayon, hyung. Hindi ko pa kayang marinig yung explanation mo." sabi nito at tinanggal yung kamay ng nakatatanda sa braso niya. Naglakad na naman ito nang mabilis at hindi na siya hinabol ni Wonwoo. Alam niyang galit si Mingyu kaya hindi na niya ito hinabol at baka lalo pa itong magalit.

Dumiretso na lang siya sa classroom nila at doon magpapalipas ng oras. 30 minutes na lang bago yung uwian nila at masyadong maraming nangyari para magstay sa labas. At baka makita pa niya si Mingyu.

Pagkapasok niya sa room sinalubong siya ni Seungkwan na mukhang sobrang nagaalala kay Wonwoo. "Hyung! Anong nangyari?! Pinagalitan ba kayo? Nagalit ba si Mingyu hyung?! Nagaway kayo?!" sunud-sunod na tanong ni Seungkwan habang si Wonwoo naman ay tuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa mapuntahan niya yung pwesto niya. Sinundan pa rin siya ni Seungkwan at umupo sa upuan na katabi ng upuan nito.

"Wala. Kami raw yung nakakuha ng mataas na score kaya exempted na kami sa pre-finals. At hindi kami nakapagusap ni Mingyu. Wag ko raw muna siya kausapin." sabi ni Wonwoo at tumingin sa bintana.

"Aww sorry talaga, hyung. Hindi ko naman kasi sinasadya na masend doon eh. Hindi ko rin alam na dalawa pala yung sim mo. Sorry dahil sa akin nagalit si Mingyu hyung. Pero bakit nga ba dalawa yung pangalan mo kay Mingyu hyung?" tuloy tuloy na sabi ni Seungkwan kay Wonwoo. Napalingon naman ito at nagiisip kung sasabihin niya ba yung dahilan o hindi.

"Okay lang, Seungkwan. Hindi mo naman alam eh tsaka kasalanan kong hindi ko sinabi kung saan ka magtetext. Ganito kasi yun. May nagtext sa aking hindi ko kilala dati na gusto raw magrant. Pinabayaan ko na lang kasi hindi ko naman siya kilala kaya okay lang. Dumating yung araw na nalaman ko kung sino yung may-ari nung number na 'yon and it was Mingyu. I didn't tell it to Mingyu because I know it will be awkward for the two of us kaya pinagpatuloy ko yung pakikipagusap sa kanya bilang ibang tao. Tsaka balak ko rin namang sabihin kay Mingyu pero hindi pa dapat ngayon. Sorry kung sobrang haba nung nasabi ko." mahabang sabi ni Wonwoo at ngumiti kay Seungkwan.

"Pero hyung! Nakokonsensya pa rin ako." sabi ni Seungkwan na parang naiiyak na. He's a crybaby kaya normal na yan kay Wonwoo.

"Kung gusto mong bumawi sa akin, libre mo na lang akong burger." sabi ni Wonwoo at natawa naman si Seungkwan.

"Sabi na nga eh. Sige, hyung. Libre kita san mo ba gusto?" tanong ni Seungkwan.

"May alam akong lugar na masarap gumawa ng burgers. Halika na, uwian na oh." sabi ni Wonwoo at kinuha na yung bag habang hinihintay si Seungkwan na mag-ayos ng gamit.

Lumabas na sila ng room at habang naglalakad sila ay tinanong ni Seungkwan ang nakatatanda na nakapagpagulat sa kanya.

"Hyung, gusto mo ba si Mingyu hyung?"

"Oo"

rants ✩ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon