021

1.5K 100 79
                                    

Nag-aalala na si Wonwoo. Hindi niya alam kung ano yung isusuot niya mamaya. Wala naman siyang lakad mamaya pero kailangan niya maghanap ng magandang damit.

Pupunta kasi si Mingyu mamaya sa bahay nila para gumawa ng project kaya kailangan niyang maging presentable. Kanina pa siyang 9 ng umaga namimili ng isusuot niya ngayong araw. 10:30 na at meron na lang siyang thirty minutes para mamili at mag-ayos.

After a few minutes, nakapili na rin siya ng isusuot and he really looks good on it. To be honest, bagay naman kay Wonwoo lahat ng damit niya eh. Ang problema, masyado lang siyang nag-iisip na baka hindi magustuhan ni Mingyu ang suot nito. Nakakahiya yun sa part daw niya.

Bumaba na rin siya para tulungan yung mga tao sa baba na mag-ayos ng kainan. His mom really wants to meet Mingyu. Gusto nitong makita kung anong itsura nito at anong meron sa kanya kaya nagustuhan ito ng anak niya. This is the first na may nagustuhan si Wonwoo and it's special to her.

"Wonwoo! Si Mingyu na yata yung nasa labas. Tingnan mo't nasa kusina ako." Sabi ng nanay niya pagkarinig ng doorbell.

Tiningnan niya yung orasan and it's 10:54. Wala pang 11 pero nandito na si Mingyu. Mabuti na lang at maaga siyang natapos magbihis. Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang napakagwapong (yie) si Mingyu na nasa harap niya.

"Ang aga mo yata. Wala pang 11 ah." sabi ni Wonwoo na pinipilit magsalita kahit halos wala siyang masabi dahil sa itsura ni Mingyu ngayon.

Hindi na naman mapakali si Wonwoo dahil sa tingin niya ay hindi na naman siya makakapagsalita nang maayos.

"Nakakahiya kasi sa mommy mo kapag nalate ako. Bihis na bihis ka hyung ah. Aalis ka ba after natin gumawa ng project?" sabi ni Mingyu.

"Hindi ah. Wala na kasing masuot na damit kaya eto na lang yung sinuot ko." pagdadahilan ni Wonwoo. Dahil ang totoo, marami pa siyang damit na pinagpilian bago niya sinuot ito.

"Okay lang, hyung ano ka ba. Bagay naman sayo lahat ng sinusuot mo eh." Sabi ni Mingyu at nginitian si Wonwoo. Hindi naman alam ni Wonwoo kung anong sasabihin niya dahil kinikilig siya. Kim Mingyu just complimented him.

"Ewan ko sayo. Pumasok ka na nga lang. Pagpasensiyahan mo na yung bahay namin. Hindi siya ganon kalaki pero malinis yung bahay namin 'no." Sabi ni Wonwoo at pinapasok na si Mingyu.

"Ang cute nga nung bahay niyo eh. Parang ikaw, yiee." sabi ni Mingyu at sa pangalawang pagkakataon, kinilig na naman si Wonwoo.

"Tama na nga yan, Mingyu. G-gwapo ako, hindi ako cute. Tandaan mo yan." Sagot ni Wonwoo at pumasok na rin sa bahay.

"Uy Wonwoo hyung! Sino yan?" Tanong ng kapatid ni Wonwoo na kabababa lang ng hagdan.

"Si Mingyu yan." Sagot ni Wonwoo.

"Ah! Hi Mingyu hyung! Alam mo bang matagal ka nang gu--" hindi natuloy ang sasabihin nito nang takpan ni Wonwoo yung bibig niya.

"Ah eh! Matagal ka nang hinihintay ni Eomma para kumain. Yun yung gusto niyang sabihin. Hehe" sabi ni Wonwoo kay Mingyu at pinanlakihan ng mata ang kapatid niya.

"Ah ganon ba, hyung? Sorry kung napaghintay ko si Mrs. Jeon. Sabi mo kasi 11 ako pumunta rito eh." Sabi ni Mingyu at nagkamot ng ulo na parang nahihiya.

"Kaya nga halika na sa dining room. Nakahanda na yata yung pagkain." pag-aaya ni Wonwoo para maiwas si Mingyu sa kapatid.

"Good morning po, Mrs. Jeon. Sorry po kung napaghintay ko po kayo nang matagal." bati ni Mingyu sa nanay ni Wonwoo.

rants ✩ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon