Nasa mall na sila Minghao at hinihintay na lang si Jun. "Ah Gyu, hindi ko nasabi. May kasama pala si Jun hyung." sabi nito sa boyfriend niya at tumingin dito. "Oh? Sino raw?" tanong nito.
"Ewan ko pa eh. Sinabi lang niya sa akin, may kasama siyang iba." sagot nito at tumingin sa may entrance at baka dumating na sila. "Ah ganon ba. Lapit kaya tayo sa may entrance." sabi ni Mingyu rito. Naglakad naman sila para pumunta malapit sa entrance. Bakit may iba akong feeling sa kasama ni Jun hyung, sabi ni Mingyu sa isip habang naglalakad sila.
"Nandyan na sila oh!" sabi ni Minghao at tinuturo si Jun na kasama si Wonwoo. Nagulat si Mingyu nang makita niya si Wonwoo na kasama si Jun. Did he reject me para sumama kay Jun hyung?, tanong nito sa sarili. Alam niyang mababaw pero may something sa kanya na nasaktan dahil sa ginawa ni Wonwoo. "Tingnan mo Gyu, si Wonwoo hyung pala yung kasama niya haha" inosenteng sabi ni Minghao dito kaya ngumiti na lang si Mingyu.
"Oo nga eh. Kaya pala niya ako nireject kasi naunahan na ako ni Jun hyung." sagot nito kay Minghao. Napansin naman ni Minghao yung itsura ni Mingyu at alam niyang apektado ito sa nakikita niya ngayon, sila Jun at Wonwoo na nagtatawanan.
"Baka nga. Pero wui! Okay ka lang ba? Grabe yung titig mo sa kanila." palokong sabi ni Minghao at ngumiti nang pilit. Hindi siya okay dahil nakikita niyang naapektuhan si Mingyu dahil kay Wonwoo. Alam niyang may konting nararamdaman si Mingyu kay Wonwoo pero hindi niya pa ito nar-realize.
"Ah sorry. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakatitig sa kanila. Ano? Lapitan na natin sila." paga-aya niya kay Minghao at ngumiti. Minghao didn't realize he also smiled when Mingyu smiled. Napangiti rin siya dahil masyadong nakakahawa yung ngiti ni Mingyu. "Ha? Ah oo, lika na."sagot nito at hinatak si Mingyu papunta kila Wonwoo.
"Jun hyung! Wonwoo hyung! Bakit ang tagal niyo?" pambungad na tanong ni Minghao sa dalawa. Nagulat naman si Wonwoo dahil nakita niya ang dalawa. Ang alam lang kasi nito ay silang dalawa lang ni Jun ang aalis. Tiningnan niya si Mingyu na nakatingin din sa kanya at nginitian ito. Tango lang ang nakuha niya pabalik na galing sa binata. Nagtataka si Wonwoo kung bakit hindi siya nito nginitian pabalik na lagi niyang ginagawa dati. May problema kaya siya?, tanong nito sa sarili habang nakatingin pa rin kay Mingyu.
"Sorry, Hao. Nalate kasi ako ng gising kaya late din kami nakarating." sabi nito at ngumiti kay Minghao na lagi niyang ginagawa. "Okay lang hyung ano ka ba." Minghao paused and look at Wonwoo. "Okay ka lang hyung? Kanina ka pa kasi ano eh, nakatitig kay Mingyu hehe" sabi nito and he fake laughed. "Huh? I'm not looking at him. Sa iba ako nakatingin, ano ka ba, Hao." pagdadahilan ni Wonwoo at tumawa nang mahina. "Okay, if you say so, hyung. Teka, san ba tayo pupunta?" tanong ni Minghao sa lahat.
"Wag ka kasing masyadong obvious kaya ka napapansin ni Minghao eh." bulong sa kanya ni Jun kaya inirapan na lang niya ito.
"Ewan ko sayo, Hao ikaw nagdala samin dito eh. Pero okay lang ako kahit saan basta kasama kita." sabi ni Mingyu at inakbayan si MInghao. Nagulat si Minghao sa sudden change of mood ni Mingyu. He looks like an emo kanina pero ngayon at masayang kinausap si Minghao.
Tumingin naman si Minghao kay Wonwoo and he can see Wonwoo's looking at them. Nilihis naman ni Wonwoo yung tingin niya sa dalawa nang makita niyang nakatingin din sa kanya si Mingyu. So basically, Mingyu and Minghao are looking at Wonwoo na parang silang tatlo lang ang tao dun at nakalimutan na si Jun.
"Kain tayo pwede?" sabi ni Jun para mawala yung tension sa pagitan ng tatlo. Hindi naman manhid si Jun kaya alam niya yung nangyayari.
"Pwede naman, hyung. Saan niyo ba gusto?" sagot ni Mingyu na nakaakbay pa rin kay Minghao hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
rants ✩ meanie
Fanfiction❝hi, pwede bang magrant?❞ - meanie (mingyu x wonwoo) ©wongyurt √ 180508 #18 in short story