033

1K 81 32
                                    

Calling... Wonwoo hyung
00:01

"Hyung"

"Oh bat tumawag ka? Hindi ba ayaw na kitang kausap"

"Eh bat mo sinagot hyung?"

"Oh eh di sige, ibababa ko na to"

"Hala hyung joke lang wag mong ibaba please"

"Bat ka ba tumawag ha"

"Gusto ko lang magsorry at magpaliwanag"

"Bat ka naman magsosorry?"

"Eh kasi yung kahapon eh"

"Ano bang meron kahapon? May nangyari ba? Ang alam ko lang kasi ay galit na galit ako sayo, Kim Mingyu."

"Eh kasi diba kahapon pinaghintay kita sa mall tas hindi kami dumating"

"Ah yun ba yun? Oo naalala ko na isang mo akong pinaghintay dun. Alam mo bang mukha na akong tanga nun kakahintay sa wala."

"Sorry na talaga hyung. Kasi nagkasakit si Minghao tapos masyado akong nag-alala nung hindi siya nagrereply sa mga texts ko kaya pumunta ako sa bahay niya. Tapos hindi ko na napansin yung oras dahil dun. Sorry na talaga hyung. Wag ka nang magalit please! Promise hindi na 'to mauulit. Sorry kung pinaghintay kita dun. Babawi ako sayo promise!"

"Sana mag-alala ka rin sa akin katulad ng ginawa mo kay Minghao"

"May sinasabi ka hyung?"

"Sabi ko kamusta si Minghao"

"Uh medyo okay na siya mababa na yung lagnat niya pero nagpapahinga pa rin siya"

"Nasa bahay ka pa rin niya hanggang ngayon?"

"Oo hyung. Bakit?"

"Uh wala. Sige ibababa ko na 'to"

"Hala hyung! Teka lang pinapatawad mo na ba ako"

"Tingnan natin"

"Anong tingnan natin, hyung?"

"Depende sa kilos mo. Kapag naging mabait ka sa akin baka patawarin kita kaagad"

"Hindi ba ako mabait sayo hyung?"

"Hindi"

"Hala bakit naman?"

"Kasi lagi mo akong sinasaktan ang manhid mo kasi"

"Ano yun, hyung? Ang hina"

"Sabi ko kasi hindi mo ako sinipot"

"Pero may dahilan ako kaya ganon. Hyunggg naman ehhh"

"Alam ko. Ibababa ko na talaga to. Sa monday na tayo mag-usap"

"Pero--"

"Heh basta ibababa ko na to"

Call ended
04:31

rants ✩ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon