Chapter 1

117 11 0
                                    

>>>The Beginning <<<

MICHICO'S POV.

Masaya nako kung anong meron ako. Akala ko kilalang kilala ko na ang sarili ko pero hindi pa pala. May mga bagay pa pala akong dapat matuklasan ngunit pano ko ito tutuklasin kung wala man lang akong ideya kung saan ako magsisimula.

*Yawn*

Umaga na pala? Ano ba iyong panaginip na yun hays kilala ko naman sarili ko ah tyaka tuklasin? Ano naman ang tutuklasin ko? Hala baka kailangan kong alamin kung sino ang aking Appa kasi simula bata palang ako tanging si Umma lang ang nagpalaki sa akin kaya nga napapangiti ako kapag nakakakita ng buong pamilya. Yung may tatay at nanay, ang saya siguro kung may tatay din ako.

Oo hinihiling ko na sana may tatay din ako pero hindi ibig sabihin na hindi ako masaya na si umma lang yung kasama ko kasi kahit siya lang yung kasama ko sa paglaki ko ay hindi ako nakaramdam ng salitang kulang. Wala man akong kinilalang tatay ay nandyan naman si umma na handang gawin ang lahat para lamang mapalaki ako ng maayos kaya kung mamamatay man ako at mabubuhay muli si umma parin ang pipiliin kong maging nanay kahit wala ulit tatay dahil si umma lang sapat na.

Kaso minsan kasi syempre mapapatanong ka rin kung ano ang pakiramdam nang may tatay lalo na kapag may nakikita kang pamilya.

Lunes nga pala ngayun at may pasok pa ako. *growl* Mukhang nagwawala na ang halimaw ko sa tiyan makakain nga muna.

"Good Morning UMMAAAAAA!"

Bati ko kay umma na nasa kusina na at tingin ko'y nagluluto na.

"Good Morning din my cute Princess. Kamusta tulog mo?"

Nakangiting tugon sa akin ni umma kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Ayos naman po HMMM...HMMM...Ang bango naman po ng niluluto ninyo"

Sagot ko pabalik kay umma habang nakayakap parin. Kahit kailan talaga ang bango sa kusina kapag nandiyan si umma at nagluluto.

"Naku! kay aga-aga nambobola ka."

Pabirong sabi ni umma sabay mahinang hampas sa braso kong nakayakap sa kanya kaya napabitaw ako. Agad akong lumapit sa frying pan kung saan may nakalagay na pagkain.

" Wow naman! hotdog po pala, may bacon at itlog pa HMMM... nakakagutom naman po"

Eksahederang sabi ko na ikinatawa naman ni umma.

"Sige kumain ka na may pasok ka pa"

Sabi ni umma habang bitbit ang plato na naglalaman nang hotdog, bacon, with egg papunta sa lamesa namin.

Pinaghainan muna ako ni umma bago pumunta sa kanyang maliit na opisina sa aming bahay. Mayroon kasing kumpaya si umma and imbis na doon sa opisina niya sa Maynila siya magtrabaho ay gumawa siya ng mini office dito sa bahay upang may kasama daw ako. Masyado kasing nag-o-over think si umma eh baka daw mamaya may masamang mangyari sa akin. As if naman diba hindi naman kami ganoon kayaman sa pagkakaalam ko and kung maaaksidente naman ako eh parang imposible rin dahil super nag-iingat ako. Sadyang masyado lang kung mag-alala si umma at naiintindihan ko naman ito. Marahil ay takot lamang siya na mawala ako. Ganoon din naman ako takot ako na mawala si umma dahil baka hindi ko kayanin.

DREAM CATCHER(on-editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon