>>>PAST ANG FUTURE...<<<
Continuation....
Michico's Pov.
"Una sa lahat ako ay ikaw" sabi ng kamukha ko na hindi ko naman nagets. Ano daw siya daw ay ako? Hala naka high ata si ate eh kung ano- ano pinagsasasabi.
"Ha! ano pwede paki explain" naguguluhang pakiusap ko dahil hindi ko talaga siya maintindihan.
"Galing ako sa future, ako ay ikaw after 10 years in short ako ang pinatandang ikaw" nakangiting paliwanag niya na parang nagkukuwento lang nang fairy tale. Wala man lang paligoy ligoy? Straight to the point talaga agad manong hininay hinay muna para naman hindi ako nabibigla at para narin kapanipaniwala.
"Hahahahahaha" tawa ko sa sinabi niya dahil parang ang imposble naman ata. Pinaglololoko ata ako nito eh baka mamaya nagparetoke lang pala toh dahil bet niya yung face ko.
'Why are you laughing?" Nakataas kilay na tanong niya at talagang seryoso talaga siya noh? As if naman na maniniwala ako bakit may time machine ba siya? Pero infairness ang ganda ko pala after 10 years.
"Hahaha kasi naman ang ganda ko parin pala after 10 years" pabirong sabi ko habang tumatawa parin pfft siguro ang dami kong manliligaw noh kahit nga ako parang naiinlove na sa kaharap ko na ako pala after 10 years.
'Hay ganyan ba ako kahangin nung 16 years old ako..." Dismayadong sabi nang kamukha ko sabay irap pfft nabadtrip ata siya.
"Hahahaha May sinasabi po kayo" tumatawang tanong ko kahit narinig ko naman hahaha ano ba trip ko lang noh.
"Whatever" pairap na sabi niya kaya nasampal ko ang sarili ko dahil ngayon lang naprocess nang utak ko ang nangyayari. Omg totoo ba toh? Baka naman nananaginip lang ako.
"Ouch hindi pala ako nananaginip" bulong ko nang masaktan ako sa sampal ko. Hinimas himas ko pa tuloy ang pisngi ko napalakas ata talaga ang sampal ko.
"Naku mababaliw ako sayo" sabi niya sa akin habang nakatingin na parang ewan.
"Hahahaha sorry" natatawang sabi ko at nagpeace sign.
"Makinig ka, kaya ako napaparito ay para baguhin ang past" biglang seryosong sabi niya na ikinalunok ko.
"Bakit po?" Seryosong tanong ko dahil nacucurious na ako noh.
"Kakasabi ko lang makinig ka!" Sigaw niya sa akin na ikinayuko ko myghad nakakatakot.
'Sige po tuloy nyo lang hehe" natatakot kong tugon dahil nakakatakot sya eehhh parang anytime sasakalin niya ako hanggang mawalan nang hininga.
"Ganito nga kasi kailangan kong baguhin ang past para hindi matuloy ang mga hindi dapat mangyari sa future. Dapat kong pigilan ang mga pangyayari rito upang hindi mamatay ang marami sa ating lahi nang dahil saatin at para hindi rin siya mapasakamay ng iba!" Inis na salaysay niya na ikinakunot nang noo ko parang may pinanghuhugutan eh.
BINABASA MO ANG
DREAM CATCHER(on-editing)
FantasyEverything was fine for her until they find her. They took everything for her that's why she hated herself because she thinks that everything was her fault. Everything was like a dream but sadly it was a reality. Let read how she will catch her dre...