Chapter 1

36.4K 820 68
                                    

Christine's POV

"Hoy bakla gumising ka na nga diyan." Gulat akong napamulat ng batuhin ako ng unan sa mukha ng bestfriend kong bakla.

Nakasimangot akong tumayo at pilit kong binubuka ang aking mata ngunit kusa itong sumasara dahil sa antok.

"Gumising ka na nga diyan bakla! Kung makatulog ka, para kang nasa bahay mo ah." Nagtatalak na sabi ni Isa. "Tumayo ka na nga diyan. Tanghali na kaya, talo pa kita, ako galing Japan may jetlag pa pero ang aga ko gumising. Ikaw galing lang sa tabi-tabi--"

Nakapikit akong tumayo dahil antok na antok pa talaga ako. "Kung makasabi ka nang sa tabi -tabi para kang hindi mayaman." Nag stretching pa ako ng konti.

"Hoyyy! Hindi ako mayaman noh. Nabihisan lang ng maganda, nagka-condo lang mayaman agad? Hindi ba pwedeng nagsikap lang para makamit ang inaasam-asam?" Nakapameywang na sabi niya, para siyang si Aling Leng kung makapagtatalak.

Binato ko siya ng unan sa mukha.

"Manahimik ka na nga! Nakakainis ka! Akala ko pa naman makakatulog ako ng matiwasay at walang gigising na bunganga sakin! Yun pala para ka rin si Aling Leng." Nakabusangot na sabi ko. Naiinis ako! Para kasi siyang si Aling Leng kung makapagsalita. Ang lakas lakas ng bunganga nagtititili pa. "Atsaka hindi ako bakla, ikaw ang bakla." Inirapan ko siya at pumasok sa cr.

Kapal din ng mukha ko noh, ganun talaga kami mag-usap.

Isaiah Demogracia ang pangalan niya. Isaiah sa umaga, Isa naman sa gabi. Galing siya sa Japan, maayos naman ang trabaho niya dun at hindi naman malaswa, sadyang masipag lang siya kaya pinagpala.

"Hindi ka ba talaga bakla? Eh kung tutuusin mas mukha ka pang bakla sakin." Narinig ko pa siyang bumubulong-bulong.

Kainis talaga! Kung hindi ko lang to kaibigan matagal ko na tong pinakasal kay Bim na anak ni Aling Leng.

Naligo na ako at nanghiram nalang ng damit pambabae kay Isa.

"Isa uuwi na ako." Sigaw ko sa kanya, lumabas naman siya sa kwarto. Gwapo sana tong si Isa at nasa kanya na ang lahat ng gugustuhin ng isang babae ngunit pusong babae din siya.

"Sabay ka na sakin bibili ako ng pagkain sa drive thru."

Billionaire Own's Me (PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon