Chapter 2

31.5K 770 67
                                    

Christine's POV

Nanginginig ang kamay ko habang tinititigan ang hawak kong dyaryo. Nung una akala ko kamukha lang ng lalaking pinahiya ko sa bar, ngunit mali ako dahil ito mismo yung lalaking nagtanggal sakin sa trabaho at ipinahiya ko sa bar.

Para akong tanga na nakatulala lang. Kagabi ng marinig ko ang boses niya biglang nanginig ang buong katawan ko na tila salita palang niya ay mamamatay na ako. Kaya agad ko itong ibinaba at tinanggal ko ang aking battery sa cellphone para hindi niya na ito macontact.

"Hoy Tine! Anong ginagawa mo diyan at bakit ka nakatulala?" Narinig ko ang boses ni Aling Leng ngunit hindi ko ito pinansin.

"TINE? CHRISTINE? HOY!"

"Ay malaking bird! Aling Leng kayo po pala. Hehehe." Shit! Malaking bird pa talaga ang nasabi ko.

Tiningnan ako ni Aling Leng mula ulo hanggang paa, tinaasan niya pa ako ng kilay.

"Hoy Christina baka nagdadrugs ka na ha!" Biglang lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Po? Hindi po."

"Siguraduhin mo lang Tine dahil pag nalaman ko na may kalokohan kang ginagawa, papalayasin na talaga kita dito sa apartment mo." Nanlilisik na naman ang mata ng matanda. Inggit talaga itong matandang to sa beauty ko.

"Atsaka bakit ka ba nakatulala diyan sa dyaryo? Naghahanap ka ba ng trabaho?"

"H-hindi po may napansin lang ako." Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis baka sakaling ngumiti rin.

"Ganun ba? Sige na't maniningil pa ako... Oo nga pala tuwing gabi magsara ka ng pinto ng maayos. Kung gusto mo, doblehin mo ang lock mo, kasi may nakita akong magarang sasakyan na patingintingin diyan sa tapat ng bahay mo kagabi. Baka mamaya nakawan ka, eh wala namang mananakaw sayo kaya baka patayin ka nalang nila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda, tila kinalabutan ang buong katawan ko.

Hindi kaya, hindi kaya yung lalaking kausap ko kagabi ay yun ang nakita ni Aling Leng?!!

'So gusto talaga akong patayin ng lalaking yun.'

Oh no! Hindi pwede ito, marami pa akong pangarap sa buhay.

"Uhm... s-sige po papasok na ako." Patakbo akong pumasok sa apartment ko at mabilis na sinara ang pinto.

Billionaire Own's Me (PUBLISHED UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon