Chapter 3

19.9K 219 25
                                    

-marga-

Nakakainis! Kesa ang isipin ko ay kung paano ako makakaganti sa Martin na yun, iba ung iniisip ko!! Ano ba kasing kailangan nung lalaki na un sakin?? Nakuha na nga nya sakin YON, tapos mukhang balak pa nya akong guluhin!!

Teka. Bakit nandito ung kotse ni Mommy? Nandito si Mommy? Record breaking to! Lunes ngayon pero nandito sya. Madalas kasi once a week lang syang umuuwi. At usually, weekends un. Busy kasi sya sa pag aasikaso ng family business namin.

"Yaya? Nandito si Mommy?" bungad ko kay Yaya Malou.

"Yes baby. May mga kasama syang dumating e." sabi ni Yaya Malou. Bata pa lang ako sya na nag alaga sakin. Mas madalas ko pa nga syang kasama kesa sa biological mother ko e.

"Si Mommy talaga. Pati dito sa bahay, business as usual pa rin. Tsk. Sige yaya, akyat muna ako sa kwarto ko. Pakitawag na lang po ako pag kakain na tayo."sabi ko kay yaya.

Dali dali akong umakyat at nagpalit ng damit pantulog. Malapit na akong makatulog ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Si Mommy.

"Hi Mommy." tumayo ako and I give her a quick kiss on the cheek. Kahit na hindi kami ganon kaclose ng nanay ko, mataas pa rin ang respeto ko sakanya.

"Hi sweetheart. I have something to ask you." she said wearing her usual serious face. Umupo kami pareho sa kama ko.

"Ano po un?"

"Si Martin? Ung pinakilala mo sakin almost a year ago, kayo pa ba?" tanong ni Mommy. Obviously, nagulat ako sa tanong nya. Bakit parang bigla syang nacurious sa love life ko?? Teka. Hindi kaya sinabi ni Selene kay Mommy ung tungkol sa panloloko sakin ni Martin? Pero hindi. Di ugali ni Selene na magsumbong.

"Y-yes Mom. Why?" sabi ko na parang nag aalangan. Di ko kasi alam kung magsasabi ba ako ng totoo tungkol sa status ng relationship namin e.

"Hmmm. If that's the case, then, break up with him." sabi nya ng walang kurap kurap.

"Po? But why??" naguguluhan ako. Bakit bigla bigla na lang nangingialam si Mommy sa lovelife ko??

"So that it would not be hard for both of you."

Ano? Teka. Sobrang hindi ko na maintindihan ung sinasabi ni Mommy.

"Ma? What's this all about? Is this about my grades? Okay naman ung mga grades ko a! Dean's lister pa nga ako e!" I tried to reason out. Alam ko namang sa break up din naman mauuwi ung relasyon namin ni Martin e. But I want to do it my way and not because someone told me so. Saka totoo naman ung sinabi ko about sa pag aaral ko.

At isa pa, mahal ko pa rin ung lalaking un. He was my first love and first serious relationship. Kaya masakit para sakin ung nangyayari sa relasyon namin ngayon.

"It's not because of that Marga. Kailangan mo lang talagang makipagbreak sakanya."

"No Mommy! Di ako makikipagbreak kay Martin! Not until I feel like it!" napasigaw na ako. And knowing my mom, ayaw nya ng sinisigawan sya at sinusuway ung gusto nya. Kaya hindi na ako nagulat nung tumayo sya at pinandilat ako ng mata.

"YOU'LL BREAK UP WITH HIM, MARGA! And that's final! Alam mo na ang mangyayari if you disobey me. Fix yourself at sumunod ka na sakin sa baba." utos nya sakin. Utos un at alam kong I can't disobey her. The last time na sinuway ko sya, she cut out my credit card, cellphone line and allowance. And I was so grounded that I can't even go to school. Para akong isang pulubi na sa isang mansyon nakatira. Even Yaya Malou couldn't help me.

Di ko na sinunod si Mommy tungkol sa pag aayos bago bumaba, sinundan ko na agad sya. Kailangan ko munang malaman ung dahilan kung bakit nya ako inuustusang makipagbreak kay Martin.

Pagdating ko sa veranda, nakita ko si Mommy kasama ang isang babae at isang lalaki na siguro ay mas matanda kay Mommy ng 5 taon. Naka business attire din sila. Di na nakakagulat un. Madalas na rin namang nag iinvite si Mommy ng mga ka-business niya dito sa bahay namin.

Pero ang kinagulat ko, at ang dahilan kung bakit gusto kong tumakbo at magtago, ay ung isang lalaki na nakaharap at nakangiti sakin. Kung ibang babae siguro ako, malamang nagtitili na ako sa kakiligan sa ngiti nya. Pero dahil iba nga ako, ang gusto kong gawin ngayon ay maglaho na lang bigla.

"Ikaw?? Bakit ka nandito??" Ano namang ginagawa nito dito samin?? Bakit kasama nya si Mommy? Parents ba nya ung ka-meeting ni Mommy? Siguro nga. Pero bakit pati sya kasama pa dito? I'm starting to think na stalker ko nga sya!!

"Marga? Di ba sabi ko sa'yo mag ayos ka muna bago bumaba? We have visitors here." my mom said forcing a smile on her face.

"That's fine Mrs. Mendrez. You're daughter is beautiful no matter what. Teka, magkakilala na ba kayo ng anak ko?" sabi nung magandang babae na bisita namin.

"No!"

"Yes."

Sabay naming sabi nung lalaki na yon. Sumasakit na ulo ko. Ano ba talagang nangyayari sakin?? Di ko na maintindihan!

"That's great! Kilala mo na pala si Wesley e." sabi ni Mommy. Baka sabihin nyang nagkakilala kami sa bar! Patay ako kay Mommy nito!

Pero hindi naman nya siguro sasabihin sakanila na we end up doing 'something', na hindi ko maalala, in a hotel. Papatayin ko muna sya bago ako mapatay ni Mommy! Grrrrr!

"Ma, hindi ko po sya kilala. If you'll excuse me, akyat po muna ako sa kwarto ko." I need to get out of here, fast! Kundi baka matunaw na ako sa sobrang titig sakin ng lalaking un.

"Sige Marga. Magbihis ka muna then bumaba ka agad so that we can talk about your engagement with Wesley."

Napahinto ako sa sinabi ni Mommy na un. Napaharap din ako sakanila. At nakita kong nakangiti pa rin ung Wesley na un.

"What? You're just kidding, right?"

"No sweetheart. You will be Mrs. Ren Wesley Cortez soon."

The Guy Who Stole My VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon