-marga-
"Saan ka galing ha? Bakit bigla ka na lang nawala nung Sabado ng gabi??" Bungad na tanong sakin ni Selene. Napakaprotective talaga sakin nitong pinsan ko. Di pa nga ako nakakaupo e.
"Can I just sit first? Pwede? U-umuwi na ako agad nun. Di ko na kayo nasabihan kasi s-sumakit ung tyan ko."
"You're not good at lying Marga, so just spill it out." sabi ni Selene habang nakataas ung isa nyang kilay. Hawak na naman nya ung cellphone nya. Nagbabasa na naman siguro sa wattpad. She's maybe tough on the outside pero ang totoo, she's shy and a very reserved person. Mas gusto pa nyang magbasa sa wattpad kesa maki socialize sa iba. Samin lang ni Lexi sya nakikipagbonding.
"Saka sis, tumawag kami sainyo. Sabi ni Yaya Malou wala ka daw dun. Tapos kinabukasan tumawag ulit ako. Hindi ka daw umuwi. Di ka naman namin makontak kasi nakapatay ata ung cellphone mo." ang mahabang litanya ni Lexi. Etong si Lexi naman, halos sabay na kaming lumaki nito. Parang kapatid na nga ang turing ko sakanya e. Sya ang kabaliktaran ni Selene. Mahilig syang maki mingle sa ibang tao. Napakafriendly kasi nya. At may pagka isip bata din sya.
"Girls---"
"Naku! Don't you dare tell us na pinuntahan mo ung boyfriend mo na un Marga!!" sigaw ni Selene with matching tayo at palo pa sa mesa. Pinagtinginan tuloy sya ng mga tao dito sa cafeteria. Namula ung mukha nya nung napansin nyang nakatingin sakanya ung mga tao. Kaya umupo na lang sya ulit tapos yumuko.
"Hahaha! Nakakatawa ka Selene. Wag kang mag alala. Di ko pinuntahan ung Martin na un. At isa pa, di ko na sya boyfriend! Ang kapal ng mukha nya!"
"That's the spirit sis! Wag mo ng iiyakan ung lalaking un!" sigaw naman ni Lexi with matching 'fighting' sign pa. ^____^/
"Buti naman at naisipan mo ng makipagbreak sa galunggong na un. Matagal ko ng sinasabi sa'yo na walang kwenta un at sasaktan ka lang nun!" sabi ni Selene.
"Teka sinabi ko ba na makikipagbreak na ako sakanya?"
"Huh? E sabi mo hindi mo na sya boyfriend?" tanong ni Lexi na parang naguguluhan.
"Oo nga. Pero di muna ako makikipagbreak. Hahayaan ko ba na makawala sya ng ganon ganon na lang? Kailangan makaganti ako girls."
"Sabi na e. Knowing you Marga, you wouldn't just let that guy go without giving him the taste of his own medicine." Selene said with matching pailing iling pa.
"Anong balak mo Marga? Wag mo na kayang ituloy yang pagganti mo? Ako kinakabahan sa gagawin mo e." sabi naman ni Lexi na halatang nag aalala sakin.
"Don't you worry your pretty faces girls, I know what to do." I said with a smile on my face.
Akala ko nakalimutan na nila ung tungkol sa nangyari nung sabado ng gabi. Mali pala ako. Maghapon kasi nila akong kinulit tungkol dun. Pero syempre, wala akong sinabi. Nahihiya kasi ako. Kahit pa kaibigan ko sila, nakakahiya pa rin ung nangyari sakin.
Ung pinakaingat ingatan ko, nakuha lang ng isang lalaki na hindi ko man lang kilala. Ang masaklap nito, nakuha nya pa un ng wala akong kaalam alam! Bakit naman kasi sobrang lasing na lasing ako nun?!! Nakakainis talaga!!
Nung nasa gate na ako, nakita kong nagkukumpulan ung mga schoolmate namin na puro babae sa isang magarang kotse. Ano na naman kayang tinitignan nila?? Don't tell me ngayom lang sila nakakita ng magarang kotse? Mayayaman kaya amg nag aaral dito sa school namin. Hmmm. Wala pala akong pakialam. Busy ako sa pag iisip ng kung paano makakaganti sa Martin na un! Ung dalawa kasi nauna ng umalis sakin. May gagawin pa raw sila.
"Miss!" sigaw ng isang lalaki. So, lalaki pala ang dahilan ng pagkukumpulan ng mga schoolmates ko. Ano ba'ng bago dun? Wala naman. Dahil sa exclusive for girls nga tong university namin, rare species ang tingin nila sa mga lalaki. Tsss. Sila lang un. Marami naman kasi akong suitor kaya madalas naman akong nakikitang lalaki. Tapos may boyfriend pa ako. Tsss.
"Miss..."
Ung galunngong na un, tsss, hintayin mo lang Martin, makakaganti din ako sayo! Pero paano nga kaya? Hmmm...
"Miss.. Wait." napahinto ako sa pag iisip at paglalakad ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Tsss. Sinong---" di ko na natuloy ung sasabihin ko sana dahil nakita ko ung may ari nung kamay na pumigil sakin. Shit! Bakit sya nandito?? Paano nya nalamang dito ako nag aaral?? Lechugas naman o!!
"Nice to see you again Marga." sabi nya ng nakangiti. Ang ganda ng ngiti nya. Ang gwapo gwapo nya pala talaga. Teka! Paano nya nalaman ung pangalan ko?!
"Sorry. Di kita kilala." sabi ko sabay lakad papalayo sakanya. Pero naabutan nya agad ako at humarang sya sa daan.
"Magpapakilala ako." he said seriously. Pero nakangiti pa rin.
"Ayokong makilala ka. Excuse me. Magkikita pa kami ng boyfriend ko." pagpapalusot ko kahit di naman kami magkikita. Bakit ba naman kasi nandito tong lalaki na to?? Anong kailangan nya sakin??
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Narinig ko ung tilian ng mga schoolmates ko. Ano bang ginagawa nito?!
"Lumayo ka nga sakin!" pilit ko syang tinutulak papalayo pero sadyang di ko sya kaya. Dahil mas malaki at mas matangkad sya sakin.
"Tsss.. You can't just leave me Marga." bulong nya.
"Tsk. Are you one of admirer? or stalker?" i said trying to hide the sudden nervousness I feel.
"Tsss. I'm nothing like them. I don't have to be your admirer or stalker Marga. You're mine now." sabi nya na biglang nagpataas ng mga balahibo ko.
Then, I felt his lips touched my forehead. Bago pa man ako makapagreact, nakaalis na sya agad sakay nung magarang kotse.
Shit naman. Anong gulo tong napasukan ko??
=======
Thanksss! :))