-marga-
"Sis, buti naman at pumayag ka na magmall tayo. Kanina ka pa wala sa mood e." Napansin na rin pala nila. Kasi naman e. Bukas na magaganap ang 'suicide' ko. Bukas na ung engagement party namin nung Wesley na un.
"Hayst. Kung alam mo lang."sagot ko kay Lexi.
"E kasi naman, ayaw mo pang sabihin." pagsusungit ni Selene. Kanina pa kasi nila ako tinatanong kung bakit ako matamlay at wala sa mood. Mula pa nung nasa library kami hanggang ngayong nasa gate na kami. Pero hindi ako sumasagot. Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin sakanila e. Nahihiya ako.
"Hayst. Malalaman nyo rin, in time. For now, tara na. At baka magbago pa isip ko."
"Teka sis, mukhang may pinagkakaguluhan na naman ung mga schoolmates natin." sabi ni Lexi sabay turo sa mga schoolmates namin na nagkukumpulan na naman. Naalala ko tuloy ung araw na pumunta ung Wesley na un dito sa school. Tsss. Hindi naman na siguro sya pupunta ulit dito.
"Wag mo ng pansinin yan. Tara---" di ko na natapos ung sasabihin ko kasi hinatak na ako ni Lexi papunta dun sa mga schoolmates namin.
"Padaan. Padaanin nyo ang mga dyosa." sabi ni Lexi tapos sumingit kami sakanila para mapunta kami sa unahan. Grabe talaga tong si Lexi. Ayaw pahuli sa mga ganitong kaganapan.
"Hi Marga." Nagulat ako nung makita ko si Wesley na nakasandal sa kotse nya habang nakasuot ng isang malaking reading glass at may hawak na makapal na libro. Muntik ko na nga syang hindi makilala e. Kundi nga lang nakaplaster sa mukha nya ung ngiting aso na un e.
"Kilala mo sya Marga?! Mukha syang nerd pero ang cute nya!!" pabulong na sigaw ni Lexi with matching yugyog pa sakin. Napansin ko ring nakatingin sakin ung mga schoolmates namin.
"A-Anong ginagawa mo dito??" Tanong ko kay Wesley. Hindi ko na pinansin ung tanong ni Lexi. Obvious naman kasi na magkakilala kami e. Saka di ko alam kung paano ko ipapakilala sakanila tong lalaking to.
"Susunduin kita."
"You don't have to do this. Umuwi ka na." masungit kong sabi kay Wesley. Akala nya siguro madali akong madadala sa mga pa-gentleman effect nya? No way!
"Bakit? Masama bang sunduin ang fia--" Agad kong tinakpan ung bibig nya ng kamay ko.
"Pinsan! Oo na! Sasama na ko sa'yo!" sabi ko sabay tulak kay Wesley papasok sa kotse nya. Talagang ibubuko pa ako ng lalaking to! Siguradong pag uusapan ako sa buong campus pag nalaman nilang engaged na ako. At isa pa, alam nila na may boyfriend ako. Baka isipin pa nila na two timer ako. Tsk.
"Marga, pano na ung lakad natin?" tanong ni Lexi. Nakita ko rin na katabi na nya si Selene. At nakatingin lang sya kay Wesley. Malamang nagtataka sya na sinabi kong pinsan ko si Wesley. Kilala nya kasi lahat ng pinsan ko, sa side ni Mommy at Daddy. Hayst. Tatawagan ko na lang sila mamaya para sabihin ung totoo. Kaibigan ko sila kaya alam kong maiintindihan nila ung sitwasyon ko.
"Sorry Lexi. Tatawagan ko kayo mamaya. Bye." Eksaktong pagkasabi ko nun, saka namang pag andar nung sasakyan. May driver si Wesley kaya magkatabi kami ngayon dito sa back seat. Actually, di talaga kami magkatabi. Nasa magkabilang dulo kami.
"Spill it out." sabi ko habang nakatingin sa labas.
"Huh?"
"Bakit mo ako sinundo?!!" sigaw ko sakanya tapos tinignan ko sya ng masama. Kainis e. Maangmaangan pa.
"Wala lang. Masama bang sunduin ang Fiance ko?" sagot nya na parang nang aasar.
"Don't you dare say that word again!!" sigaw ko ulit. Mukhang mapapadalas ang pagsigaw ko dahil sa lalaking to.
"Bakit? Magiging fiance naman na kita di ba? O nakalimutan mo ng engagement party na natin bukas?" sagot nya habang unti unting lumalapit sakin. Ako naman, sinisiksik ko ung sarili ko sa sulok.
"Tsss. Don't be too proud of that jerk! Napilitan lang ako! Saka hindi ako magpapakasal sayo kahit anong mangyari!" pagkasabi ko nun parang nag iba ung aura ng mukha nya. Pero agad din namang bumalik ung ngiting aso nya.
"Really? Tsk. E pano yan? Naghoneymoon na tayo di ba? Hindi mo ba maalala? Lasing ka kasi nun e. Gusto mo ng 'replay'?" sabi nya nung tuluyan na syang makadikit sakin. Tapos unti unti nyang nilapit ung mukha nya sa mukha ko. Nung halos isang hibla na lang ng buhok ung layo ng mga mukha namin, bigla akong napapikit. Hinintay kong lumapat ung labi nya sa labi ko pero wala. Pagdilat ko, nakalayo na sya sakin. At nakatakip ung kamay nya sa bibig nya na parang nagpipigil ng tawa. Nun ko lang narealize na pinaglalaruan nya lang ako. Biglang nag init ung buong mukha ko.
"Go to hell jerk!!"
"Hahaha! See? You hate me but your body wants me." sabi nya habang nakatingin sakin. Anong ibig nyang sabihin?! Ang kapal nito!! Grrrr!
"I-in your dreams Wesley. Wag kang mangarap ng gising!" Di ko alam kung bakit ako nautal. Siguro dahil ang gwapo nya pa rin kahit mukha syang nerd ngayon. Tss. Stop it Marga!
"Hahahaha. Okay. But i'm telling you, you were moaning sweet words to me that night." pakiramdam ko namutla ako sa sinabi nya. Kainis naman kasi e! Bakit kasi wala akong maalala dun sa gabi na magkasama kami?!!
"Shut up!!!" sigaw ko tapos tinakpan ko ung mga tenga ko gamit ung mga kamay ko. Gusto ko ng maiyak. Paano ba ako makakasurvive ng anim na buwan na kasama ko tong lalaking to?! Hindi ko ata kakayanin! Lord, help me please!!
Ilang minuto na ng katahimikan ang nakalipas ng magsalita ulit sya.
"Marga"
"Bakit na naman?!!" pagtingin ko sakanya, hawak nya ung cellphone nya at nakaharap sakin ung screen nito. Nagulat ako nung makita ko ung wallpaper nya. Isang babae na natutulog at nakatapis lang ng kumot-- at ako ung babae na yun.