-marga-
"Ang ganda mo talaga baby." sabi ni Yaya habang nakaharap ako sa salamin at nasa likod ko naman sya.
"Alam ko po." sabi ko ng walang kagana gana. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na ngumiti, ayaw talaga. Sino ba nga naman kasi ang makakangiti gayong pakiramdam ko e mamamatay na ko. Hayst.
Habang nag uusap kami ni Yaya, pakiramdam ko may kung ano sa tyan at lalamunan ko na gustong lumabas. Parang nasusuka at nahihilo ako. Ganito talaga ako pagkinakabahan. E bakit nga ba ako kinakabahan?!
"Okay ka lang Marga? Namumutla ka ah." pag aalalang tanong ni Yaya.
"Okay lang po. Di lang ho ako nakakain kaninang tanghali." pagpapalusot ko. Ayoko namang sabihing kinakabahan ako. Baka kung ano pa sabihin ni Yaya.
"Bakit di ka kumain? Dahil ba kinakabahan ka?" tanong ni Wesley na bigla na lang sumulpot sa pinto. Aaminin ko, napatulala talaga ako sa itsura nya. Aminado naman akong gwapo talaga sya e. Pero di ko expected na maaapektuhan pa rin ako ng itsura nya ngayon. Pakiramdam ko tuloy nagblush ako. Pero di nya dapat malaman na apektado ako sa presence nya. Tinapunan ko sya ng isang nakamamatay na tingin.
"In your dreams. Bakit naman ako kakabahan?!"
Hindi nya ako sinagot, sa halip, lumapit sya sakin saka ako binigyan ng isang nakakasilaw at makalaglag panty na ngiti.
"Tara na. Tawag na tayo sa baba."
Inirapan ko sya tapos naglakad ako papalabas ng kwarto. Pero napahinto ako nung nakita ko kung gaano kadami ung taong ininvite nila Mommy para sa engagement party namin. Malamang karamihan sa kanila e business partners ni Mommy. Hayst. Nakita ko sa isang sulok si Selene at Lexi. Pero nagulat ako nung makita ko ung isa pa nilang kasama-- si Martin. Sinong nag imbita sakanya?!! Totoong gusto kong gumanti kay Martin pero hindi sa ganitong paraan. Lalo tuloy akong nahilo. Kaya napaatras ako. Pero may naramdaman akong matigas na parang pader sa likod ko. Paglingon ko, nasa likod ko na pala si Wesley at nakatingin sya sa pwesto nila Martin.
"Let's go." he said offering his arm. Hindi na ako umangal. Baka kasi bigla na lang akong matumba pag di ako kumapit sakanya. Ang haba naman kasi nitong hagdan na bababain namin. Saka, kinakabahan na talaga ako.
Pagkababa namin, nagsalita agad si Mommy.
"Ladies and Gentlemen, we would like to thank you all for coming here tonight. We invited all of you tonight to officially announce the engagement of the son of the CEO and owner of C&C Corporation, Ren Wesley Cortez, and my daughter, Margarette Jane Mendrez."
Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ung engagement, kundi ung tungkol sa kompanya nila Wesley. Yon ung company na matagal ng gustong maging partner ng kompanya namin. Kaya ba ako pinipilit ni Mommy na magpakasal sa lalaking to?! Para sa business expansion?! At hindi dahil last wish to ni Daddy?! I feel so betrayed!!
Gusto kong magtatakbo papaalis sa hotel na to kaso hindi ako makakilos. Umiikot din ung paningin ko. Pakiramdam ko isang hakbang lang tutumba na ako. Nanghihina na talaga ako.
"Ren, Marga, would you like to say anything?" narinig kong tanong ni Mommy. Nung humakbang si Wesley, nadala ko. At dahil sa panghihina na nararamdaman ko, bigla akong natumba at napaupo.
Nakita kong nagbulungan ung mga bisita. Nakita ko rin na papalapit na sila Marga at Selene sakin. Si Martin naman, nakatayo lang at halatang nagulat sa narinig nya.
Inalalayan ako ni Wesley na makatayo tapos hinawakan nya ako sa bewang.
"Okay ka lang ba?" tanong nya. Di na ako nagtangkang kumawala sa paghawak nya sakin. Matutumba kasi ako pag ginawa ko un.
"U-umuwi na tayo. P-please." pagmamakaawa ko sakanya. Alam ko kasing hindi ako papayagang umalis ni Mommy hangga't hindi si Wesley ang kasama ko.
Hindi ako sinagot ni Wesley. Sa halip, kinuha nya ung microphone saka sya nagsalita.
"Marga and I want to thank you all for joining us tonight. But we're very sorry for we have to leave early. My fiance needs to sleep early for our baby's sake. I hope you'll enjoy the rest of the night. Thank you."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Wesley. Pero bago ako makapagreact, inalalayan na ako na nya papalabas ng hotel. Habang papalabas, I heard some 'Congratulations' from our guests.
Pagsakay namin sa kotse ni Wesley, saka pa lang ako nakapag isip ng maayos.
Anong date na ba ngayon? Shit. 3days delayed na ung period ko. At hindi naman ako nadedelay eversince. Kaya ba nahihilo at nasusuka ako? Tama. May pagka moody rin ako this past few days. Bakit ba hindi ko napansin agad?! The symptoms were all there.
Napatingin ako kay Wesley na concentrated sa pagmamaneho. Teka. Paano nalaman ni Wesley na buntis ako?! Don't tell me sinadya nya ung nangyari samin?!! Sinandya nya akong buntisin?!
"You planned all of this."
"Huh?" He looked at me through the corner of his eyes. Hindi nya kasi pwedeng ialis ung tingin nya sa daan.
"Planado mo lahat to. Lahat lahat. From that night sa bar, pati ung nangyari satin. Pati tong pagbubuntis ko. And this engagement!!" sigaw ko sakanya. Bigla naman nyang hininto ung kotse.
"I don't know what you're saying Marga." sabi nya ng hindi nakatingin sakin.
"You damn jerk!! Hinding hindi ako magpapakasal sa'yo kahit buntis ako!!" sigaw ko sakanya. Napatingin sya sakin. I something in his eyes na nakapagpatahimik sakin.
Tapos nilapit nya ung mukha nya sakin at binulungan nya ako.
"You will change your mind soon Marga. I'll make sure of that." he then kissed me on my cheek.
Hinga hinga. Be still, my heart. Wag magpadala!!
Shocks!