-marga-
"Marga! Bumaba ka na! Huwag mo akong ipahiya sa mga bisita natin!" pigil ang sigaw ni Mommy pagkapasok nya ng room ko. Sa sobrang pagkabigla ko kasi sa revelation ni Mommy, nagtatakbo ako paakyat dito sa kwarto ko.
"Mommy! Why are you doing this to me?! Bakit mo ako ipapakasal sa isang lalaki na hindi ko naman kilala??" sigaw ko sakanya habang umiiyak.
"*sigh* Marga, sumunod ka na lang." sabi ni Mommy ng mahinahon.
"No Mommy!! Hindi ako magpapakasal sa lalaking un!! Kahit itakwil mo pa ako!!" sigaw ko sakanya. Tapos nagsimula na akong ialis ung mga damit ko sa cabinet ko. Kila Lexi muna ako. Papayag naman siguro ung parents nya.
"What are you doing Marga?!" sigaw ulit ni Mommy.
"Aalis muna ako Mommy. Baka sakaling maisip mo na mali tong pinapagawa mo sakin!!" sigaw ko pabalik sakanya.
Narinig ko ung tawa ni Mommy kaya napatingin ako sakanya. Tapos tinaasan ko sya ng isang kilay. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Tsk!
"Sorry Marga. Natawa lang ako. Kasi naalala ko ung sarili ko sayo dati nung nalaman kong ikakasal ako sa Daddy mo." Oo nga pala. I'm a product of an arrange marriage. Uso kasi un nung time nila. Pero di ko naman expected na hanggang ngayon meron pa ring arrange marriage! Tsss.
Lumapit ako kay Mommy tapos hinawakan ko ung dalawa nyang kamay.
"Mommy, please. Don't let me marry that guy. Alam mo ung pakiramdam na ikasal sa taong hindi mo mahal. Alam mo kung gaano kahirap un. Kaya please."
"Mahal ko ang Daddy mo. At first, mahirap talaga. Pero di rin nagtagal, minahal din namin ang isa't isa. Kaya alam kong matututunan mo rin syang mahalin." Kita ko ung lungkot sa mata ni Mommy habang nirereminisce nya ung tungkol sakanila ni Daddy. Almost 15 years ng patay si Daddy. Nagkasakit kasi sya. Pero hanggang ngayon, di pa rin nag aasawa ulit si Mommy. Mahal na mahal kasi talaga nya si Daddy.
"Pero Ma--"
"This is your Dad's last wish."
Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Dad's last wish?? Ang i-arrange marriage ako??
"Po??"
"Hayst. Wesley's father, sya ang bestfriend ng daddy mo. Before he died, sinabi nyang gusto nyang isa sa anak ng bestfriend nya ang mapangasawa mo. So that he'll be assured about your future." sabi nya habang nakayuko. Nabigla ako nung makita kong umiiyak sya.
"Ma?" Nilapitan ko si Mommy tapos hinagod ko ung likod nya. Hanggang ngayon talaga mahal pa rin ni Mommy si Daddy. Apektado pa rin sya sa pagkawala ni Daddy.
Pero sinabi talaga ni Daddy un? I don't know. Naguguluhan na tuloy ako.
"Marga, give him a chance. Kahit 6months lang. Hanggang makagraduate lang kayo. Tutal naman we agreed na hihintayin muna naming makagraduate kayong dalawa bago kayo ipakasal. Then kapag by that time, wala pa rin, then pwede kang umatras sa kasal. Ako pa mismo ang magsasabi sakanila." sabi nya habang nakahawak sa dalawa kong kamay.
"Pero Mommy kasi--"
"Just consider it Marga. Think about it first. Please do it for me and for your Daddy." pagkasabi nya nun, bumaba na sya. Nandito pa rin kasi ung bestfriend ni Daddy at ung family nya. Oo, nandito pa ung lalaki na un.
Anong gagawin ko? Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Bakit pa sakin nangyari to? If only I have a choice. Yes, may choice naman talaga ako. Pero masasaktan ko si Mommy pati rin ung Daddy ko.
Daddy naman e. Why did you put me in this dilemma? It feels like I'm nowhere else to go. I know you would understand me pag sinuway kita. E kaso si Mommy, baka itakwil nya ako. And masasaktan ko talaga sya.
Hayst. Alam ko namang kahit gaano pa katagal ang ibigay kong chance sa jerk na un, e di ko pa rin sya magugustuhan o mamahalin. I hate him!! I hate him cause he's a jerk! I hate him cause he stole my precious 'V'. And I hate him more now because I'm forced to be engaged with him. Malamang sya ang isa sa may pakana nito!! Ano naman kasing gusto nya sakin??! I don't get him!!
Six months? I think that wont kill me. And besides, I might use that guy sa mga pinaplano kong revenge kay Martin. You're so brilliant Marga!
I fixed myself so that I will look more presentable than earlier. Kahit na naiinis ako, may image pa rin akong dapat alagaan. At ayokong mapahiya sa parents ng lalaking un. Nung nasatisfied na ako sa itsura ko, saka ako bumaba.
Wala na sila sa veranda. Umuwi na sila??
"You're looking for me, gorgeous?" Nagsitaasan ung mga balahibo ko. Paano ba naman, nakadikit ung mga labi nya sa tenga ko. Nasa likod ko sya kaya di ko sya nakita. Pagharap ko sakanya, tinulak ko sya papalayo sakin.
"Shut up jerk!! Nasan sila Mommy??"
Bago sya magsalita, lumapit na naman sya sakin. Ung sobrang lapit. Pag may ibang nakakita samin, iisipin nila magkayakap kami.
"Don't be too harsh to me Honey. You'll be my wife soon, remember?" Napataas ung kilay ko sa sinabi nya.
"As if I will let that happen. Mamamatay muna ako bago magpakasal sa'yo!" sabi ko na may halong panggigigil. Nakakairita!!
"I doubt that. For sure you--"
Hindi na nya natapos ung sasabihin nya kasi tinuhuran ko ung 'JunJun' nya.
"Serves you right, Jerk." sabi ko habang nakahiga sya at hawak nya ung 'JunJun' nya. Tapos nagtatakbo ako papunta sa dining room. Nakita ko silang kumakain dun. Napatingin sila sakin na may halong gulat at pagtataka. Hanggang sa makaupo ako sa isang bakanteng upuan, nakatingin pa rin sila sakin.
"Ahem. Hmmm. Kelan po ang engagement party?" tanong ko sakanila.
Napangiti sila sa tanong ko. From the corner of my eyes, nakita ko na nakasunod na ung lalaking un sakin. At nakangiti sya.
Eto ang suicide.-____-