TTLove 13

39 1 0
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Trixy's POV 

"anak malapit na ang birthday mo" salita ni mommy habang kumakain ako... kaduga nga eh inaantok pa ako hindi ako masyadong naka tulog kagabi ewan kung bakit 

"then? ano pong meron?" tanong ko habang kumunguya 

"malaking handaan to anak kaya mag simula kanang mag invite ng mga friends mo o kung sino man jan" 

"oh princess hinay hinay lang sa pag-kain" inabutan ako ni daddy ng tubig nabulunan kase ako... naubos ko ung tubig at nag salita na ako

"mi akala ko ba nagka-intindihan na tayo na ayoko ng big celebration mi naman hindi ka naman tumutupad sa usapan" pag dadabog ko akala ko ba okey na sakanila na ayoko ng malaking celebration? naduga naman 

"princess hindi lang ang mommy mo ang nag suggest nito even your tita's and uncle gusto nilang mag celebrate tayo sympre nag iisa kang babae sa pamilya natin kaya gusto nila ng ganun. pag-bigyan mo naman sila princess at saka ano bang mawawala sayo kung mag celebrate tayo? wala naman kase kame ang gagastos nitong lahat just relax" ang haba nung sinabi ni daddy ah 

"ano pa ngaba ang magagawa ko? kayo na ang nag desisyon niyan" tumayo na ako tatalikod na sana ako

"anak this week mag hanap kana ng gown for your debut okey?" i just nod and go back to my room 

tut tut tut 

*hoy bruha may balak kabang umabsent? sabihin mo lang at tatanggalin kana namin dito sa school*    txt from grace 

kinuha ko ung susi ng kotse at umalis yah okey na ang paa ko kagabi lang kaya pala siya sumakit dahil malapit ng bumuti. pag pasok ko ng room andun na sila huwaw kompleto ata ngayon ay hindi kase wala si trevor anong trip kaya nun bakit wala? -___- paki mo ba trixy? pag upo ko sabugan ng tanong ang mga bff's ko

"so anong gagawin mo sa birthday mo trix?" grace

"oo nga anong susuotin? formal dress?" marie

"or gown?" cianna 

umubo muna ako ung peke " ewan ko ba sa kanila nina mommy basta mag hahanda daw talaga kame at yung sa susuutin? gown. yung lang ang alam ko kase pinag hahanap ako ni mommy ngayon ng gown eh so baka kailangan gown ang attire" tumango lang sila ilang sandali pa dumating na ang prof namin pansin ko lang dapat kanina pa andito si trevor bakit wala siya? trixy tumahimik ka nga pake mo kung wala siya? nang ma tapos na ang klase inayos ko na yung mga gamit ko 

"trix sinong eighteen roses mo?" napako ako sa kinatatayuan ko. oo nga wala pa akong eithteen roses na partner kung nung una hindi ako nag-aalala ngayon sobra sobra na sino naman ang gagawin kong eithteen roses ko? sakto lang kase na seventeen silang lahat 

"ahm hindi ko alam eh. bahala na tatanungin ko nalang sila mommy kung sino pang available para maging eighteen roses ko" ngumiti ako 

"oh. sigi basta dapat lahat all set up na ha? para walang problema :)" tumango lang ako pumunta na kame ng cafe unang umorder kame tapos mga lalake na sila-sila lang ang nag-uusap. nakaka op naman :(( sila may kausap ako wala kaya kain kain nalang ang peg ko. ng mabusog ako nag-paalam akong mag lakad lakad op na ako dun eh. sabi pa ni grace sasamahan niya ako sabi ko wag na babalik lang ako agad. 

habang nag lalakad napunta ako sa rooftop akala ko walang tao yun pala meron hindi ako tumuloy sa pag akyat may naririnig akong tugtog galing ata sa guitara. na curious ako kaya sumilip ako kung sino ang tumutugtog napa singhap ako 

"nag gi-guitara pala siya?" mahinang sabi ko baka marinig ako eh si trevor marunong mag guiatara? weh? 

"umalis kana jan nakita na kita" nagulat ako sa sinabi niya ano yun may powers siya? tsk pumasok na ako. andun siya naka upo sa simento at may hawak hawak na guitara. 

"wow marunong ka palang tumugtog?" bigla kong tanong hindi naman sana yun ang sasabihin ko. nag smirk siya at ni tap niya yung simento sa side niya meaning pinapaupo niya ako. umupo naman ako 

"hindi naman ngayon lang wala kaseng magawa" naka tingin lang siya sa guitara 

"eh kung wala kang magawa bakit hindi ka pumasok kanina?" natawa siya ng mahina. anong nakaka tawa dun sa sinabi ko? 

"hindi ganun ang ibig kong sabihin silly" he smirk again. hilig nitong mag smirk 

"eh ano?" takang tanong ko gusto kong malaman tutal para magkaroon kame ng topic 

"hindi mo rin lang maintindihan" then may ngiti na sumilay sa labi niya. minsan ang hirap ng mga lalake tsk hindi na ako ulit nag salita ganun rin siya sa sobrang tahimik dito naririnig ko na yung ihip ng hangin. napa pikit ako 

Trevor's POV 

umiling iling ako kung sasabihin ko ba maniniwala ba siya? tsk tumahimik kami ewan parang may nag sasabing tumingin ako sakanya. kaya ayun tumingin ako sakanya nagulat ako kase naka pikit siya. batutulog kaya to? tsk pinag masdan ko lang siya pero hindi parin siya dumidilat. napa ngiti ako ni lapit ko pa ang mukha ko sakanya. nung malapit na talaga bigla siyang dumilat kaya napa tingin ako sa mga magaganda niyang mata. ganun rin siya 

"ahm t-trevor?" mahinang sambit niya hindi ko parin maalis ang mata ko sa mata niya. anong nanyayari sakin? bakit ganito ang feeling ko? natauhan lang ako nung tinulak niya ako ng bahagya tumayo ako agad at kinuha ang guitara ko naiinis ako sa nararamdaman ko 

Trixy's POV 

hhmm ang sarap talaga ng simoy ng hangin. pero bakit feeling ko may tumitingin sakin? kaya napa dilat ako at shoot!! naka tingin sakin si trevor his eyes is so beautiful naka tingin lang ako sakanya sa mata iba yung feeling ko 

"ahm t-trevor?" sabi ko hindi ko alam kung saan ko yun nahugot bahagya ko pa siyang tinulak natauhan ata siya kaya tumayo agad at nag lakad na palayo. anong nanyari? i feel uneasyness. pero tinawag ko parin siya 

"trevor sandali" hinabol ko siya nung hinawakan ko siya sa balikat huminto siya pero hindi humaharap sakin 

"what?" iritan sagot niya. kanina okey pa kami tapos ngayon bakit biglang ganyan siya? 

"ah w-wala" nag tsk lang siya at umalis na naka tayo parin ako dumbfounded huminga ako ng malalim at bumaba narin pumuunta ako ng cafe pero wala na sila dun ah baka andun na sila sa room. pagpasok ko ng room wala siya dun i sigh ano bang nanyayari sakin? dahil lang dun naging ganito na ako tsk tinanong nila kung saan ako nag-punta pero hindi ako sumagot wala ako sa mood eh 

==============================================

yung utak ko saan-saan na napupunta >____< nakinig lang ako ng music nagwawala na ang utak ko hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula hahhaha 

Tic Tac LOVE? (on going)Where stories live. Discover now