TTLove 27

21 1 0
                                    

Ang daming pumapasok na idea sa utak ko >< yan ang advantage pag nakikinig ako ng mga songs TT bumabaha yung idea's sa utak ko huhuhu ang hirap nito abnormal na ata ako XD 

-===============

Trixy's POV 

pagkatapos naming kumain sa kfc hinatid niya ako pauwi. hindi ko na siya pinapasok baka malaman pa niya yung problema ko. pag-pasok ko ng bahay walang tao hay buti naman siguro may lakad sila or nasa work. umakyat ako ng kwarto nagbihis at nahiga sa kama. 

"boring" ano bang pwede gawin? ilang minuto akong lutang ng may narinig akong katok. 

"pasok" sigaw ko. narinig kong may nagbukas ng pinto at sinara. humarap ako

"di?" si daddy pala yun. napabuntong hininga ako at naupo sa headboard ng kama. umupo rin si daddy sa edge ng kama.

"princess galit ka parin kay daddy?" malumay na sabi niya. hindi ko naman matitiis si daddy sympre tatay ko parin siya. umiling ako

"hindi na po." napangiti siya at niyakap ako sana okey na kami sana i urong na nila yung desisyon nila. parang kaso lang ang peg ayoko makulong sa isang pagibig na hindi ko mahal ang taong pakakasalan ko.

"thank you princess sana maunawaan mo kami kung bakit namin yun ginagawa para naman 'yon sayo" 

"so hindi niyo parin ako tatantanan? itutuloy niyo parin yung kasal?" napabitaw si daddy pero hinawakan niya ako sa pagkabilang braso.

"princess yon lang ang desisyon na tama para sayo." naguguluhan ako kung bakit parin nila ginagawa to para saan ba to? para mas yumaman kami? para mas dumami ang pera nila? bakit naghihirap na ba kami? maraming tanong sa utak ko pero hindi ko masabi

"bakit di? hindi ko mahal si jace. may iba akong mahal. hindi ba pwede yung taong yun nalang ang pakakasalan ko? at saka uso pa ba ang arrange merrage na yan? mag me-merge ba ang company natin sa company nila jace?" naiiyak nanaman ako. ang hirap kasi 

"hindi princess mahabang istorya kung bakit ka namin pinapakasal kay jace. sila jace lang ang makakatulong sayo. hindi naman siguro habang buhay ang relasyon niyo ni trevor. mga bata pa kayo." paliwanag niya. pero umiling lang ako naguguluhan talaga ako. bakit nila kailangan gawin to? 

Tic Tac LOVE? (on going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora