PROLOGUE

113 10 0
                                    

Smile, ngiti. Yan ang lagi kong sinasabi sa kanya kapag nakasimangot siya o kaya naman malungkot. Ayaw ko lang kasi na nakikita siyang ganon na nakasimangot at malungkot, pati ang nasasaktan. 5 years na kami, ang plano ko nga magpropose na sa kanya pagdating niya ng 21 years old.

Iba siya sa lahat, ibang iba kaya gustong-- mahal na mahal ko siya. Kahit na minsan na nag-aaway kami, sinasaktan niya ako eh mahal ko pa rin siya at di yun mawawala.

Henz ang tawag niya sakin. Mula sa Henzo Rey Claid. Siya lang ang gusto kong tumawag sakin nun. Kasi iba kapag galing sa kanya. Mae naman ang tawag ko sa kanya.

"Henz?" Napalingon ako sa babaeng mahal ko. Nasa computer shop kami, ako nagdodota siya nagpepeysbuk.

"Bakit?" Nakangiti ko siyang nilingon pero ibinaling ko ulit sa nilalaro ko.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya.

"Hindi pa," sagot ko na nasa screen lang ang tingin.

"Sige pala, bibili lang ako ng pagkain, diyan ka lang." Sabi niya.

"Sige," sang-ayon ko.

Umalis na siya, yan yung pakiramdam ko. Naglaro lang ako dito. Laru-laro hanggang sa lumipas ang ilang oras ay wala pa siya. Di ko muna yun pinansin kasi sayang ang oras.

Ako na lang tao dito, wala pa siya. Tapos na din ang oras ko kaya tumayo na ko at pumunta sa counter. Nagbayad ako at tsaka lumabas na.

Napahikab ako habang naglalakad. Naalala ko si Mae, nasaan na kaya siya. Antagal naman niya. Tumama naman yung mga mata ko sa mga kumpulan. Lumapit ako at meron nangyaring aksidente, meron nasagasaang babae, durog ang katawan at napakalala.

"Anu ba yan?" Rinig kong sabi ng ilan.

"Henz," nagulat naman ako dun ng may sumulpot, si Mae.

"Mae, antagal mo, kanina pa kita hinahanap." Sabi ko sa kanya.

"Kumain lang talaga ako," lumingon siya sa aksidente. "Grabe naman."

Nilingon ko din, sobra. Sobrang-sobra. Di ko kinaya kaya hinila ko na si Mae paalis dun.

Iniuwi ko na siya sa kanila at ipinapahinga. Umuwi na din ako para magpahinga.

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko at napapikit. Di ko alam pero nakatulog ako.

Pero may anino, may yumayakap. Hanggang sa nawawala ang yakap hanggang sa tuluyan na nga itong nawala.

--to be continued-

STAY ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon