Henz's POV.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa nangyari. Narandaman ko ang yakap sakin ni Mae kaya napawi din ang stress na nararamdaman ko.
"Magiging ayos din ang lahat," sabi niya.
Ipinasara kasi ang restaurant dahil sa nangyari. Nakakainis, pinatay ng lalake ang sarili niya. Bakit? Ano bang nangyayare?
Natulog ako sa tabi ni Mae. Hanggang sa magising ako sa sementeryo. Nagulat ako kasi anong ginagawa ko dito at paano ako napunta dito. Lilingon-lingon ako sa paligid hanggang sa may mga aninong papalapit sakin, itim ang mga aura. Nakakatakot.
"Nangyayari na~~nalalapit na~~" sabay-sabay na usal nila.
"Anong kailangan niyo!! Ano!!???" Sigaw ko.
"Si-Si----"
"WAAHHH!" Napahugot ako ng malalim na hininga at biglang sumakit yung mata ko, napalingon ako kasi nasa bahay ako. Tumayo ako, wala na si Mae sa tabi ko. Pero nakarecieve ako ng text na nakauwi na siya.
-----
Pumunta ako sa restaurant para kunin ang mga naiwang files dun, bakas pa din ang mga dugo sa sahig. Napailing na lang ako hanggang sa mapasok ko ang office, kinuha ko lahat ng files at inilagay sa bag ko. Lumabas agad ako ng office pero may narinig akong sumisigaw.
"PINATAY MO ANG TROPA NAMIN! PINATAY MO SIYA!" lumabas ako at para sana pigilan siya pero sinapak niya ako.
"DI KO PINATAY YUNG TROPA MO!" sinapak ko din siya ng ilang beses.
"ANONG GINAWA MO SA KANYA! DEMONYO KA!!" inawat na siya ng guard na kararating lang.
"UMALIS KA NA DITO, HUWAG KANG GAGAWA NG ISKANDALO DITO!" Banta ko na kanya.
Wala na siyang nagawa kundi ang umalis. Pero nagtaka ako ng dumeretso siya sa gitna ng kalsada at tumigil mismo dun.
"HOY!!" tawag ko dito. "Guard pigilan mo, may paparating!" sigaw ko pero huli na.
Nabangga siya ng truck. Nakita ko yung binti niyang naputok at ang ulo niyang nabiyak dahil dun. Nandiri ako sa mga nakita ko, dahil bukod sa dugo pati utak niya lumabas. Grabe ang mga aksidente.
Andaming pulis ang dumating, sinabi ko lahat ng mga nangyare at tsaka ako pinauwi. Nagda-drive ako ng may patawid na matanda, muntikan ko na itong mabangga buti at maipreno ko.
Lumabas ako para puntahan at tanungin siya kung okay lang siya.
"Okay lang po kayo?" tanong ko sa kanya, hinawakan niya ako sa kamay ko.
"Papalapit na at mabubuo na. Nakakatakot, may mga mangyayare," sabi niya sabay ng pagluha ng mga mata.
"Lo-la, A-ano pong--"
"Kailangan mong pigilan ang mga demonya, ikaw at siya ang puntirya nila. Dapat di siya mapasali sa siyam, dapat hindi kundi katapusan na." tuloy-tuloy na sabi ni Lola at tsaka nahimatay.
"Fvck!" bulalas ko.
Binuhat ko si Lola at isinakay sa kotse. Iniuwi ko siya sa bahay at pinaasikaso sa mga yaya.
Dumeretso ako sa kwarto ko at sa banyo. Naghubad ako at hinayaang mabasa ang buong katawan ng tubig na galing shower.
Anong nangyayare, ano ba yung sinasabi ni Lola. Ano tong mga demonya. Nalilito na ako. Natatakot. Sana di totoo, ayaw kong maging totoo. Kinakabahan ako.
"Matutupad na ang mga plano~~" nagulat ako ng may magsalita. Hinanap ko kung saan pero wala.
Nagmadali akong naligo at lumabas na ng banyo. Nagbihis na ako at saktong pumasok si Mae.
"Di mo sinabing pupunta ka," nakangiting salubong ko sa kanya.
"Namiss kasi kita agad," sabi niya.
Hinalikan ko siya sa labi niya, passionate. Gumanti siya hanggang sa mapunta kami sa kama.
--to be continued--
BINABASA MO ANG
STAY ALIVE
Mystery / ThrillerSa mundo, meron laging kakaiba. Meron kang DI NAKIKITA AT MERON KANG NAKKIKITA. Ikaw lang yun, ikaw. Isa lang naman akong simpleng boyfriend sa girlfriend ko. Pero di ko alam na may nangyayari na palang kakaiba. GENRE: ROMANCE/MYSTERY/THRILLER/HORR...