CHAPTER FIVE

39 4 0
                                    

Henz's POV.

Nakita ko ang sasakyan ko na nakabangga sa puno. Sumakay ako, sinubukan ko kung aandar at umandar nga.

Dinarive ko ang sasakyan, patungo sa gubat. Kung saan nandun ang balon na kailangan kong patakan ng aking dugo.

Pinapawisan ako, siguro dahil sa kaba. Mabilis din ang tibok ng puso ko at alam kong natatakot ako pero kailangan kong pigilan. Marami ang namamatay kaya kailangan talagang matapos ko  to. Paano na lang, kung si Mae na pala ang susunod. Pano na lang, di ko kakayanin. Hindi! Kaya kakalabanin ko ang mga demonya.

Narating ko ang gubat. Bumaba ako ng sasakyan. Di ko na magagamit kasi masikip ang daan.

Kumuha ako ng kahoy para gamiting panugat at sandata na din. Tinakbo ko ang gubat.

Nararamdaman ko, may kakaiba. May nakamasid, sumusunod. Nasa likod lang sila ng mga puno, sa mga punong di mo alam kung kakampi mo o hindi. Sa mga punong di mo alam kung tutulungan ka o hindi.

Patuloy ako sa pagtakbo. Takbo-takbo hanggang sa marating ko ang pusod. Nakita ko na din ang balon. Bumagal ang takbo ko, naging lakad na lang. Dahan-dahan akong lumalapit, palapit ng palapit sa balon. Di ko alam ang naroon, natatakot akong makita, malaman. Dahil baka--baka may pwedeng lumabas o mangyare. Nanginginig ang paa ko, bawat hakbang mabigat. Hanggang sa, hanggang sa parang may yumakap sakin, marami ang yumayakap. Nabitawan ko yung hawak ko, di ako makagalaw, sobrang hirap. Naramdaman ko na lang na umaangat ako. Isinabit ako sa puno, mga ugat ang naging kadena ko.

"Ahhh!!" Sigaw ko sa sakit at higpit ng pulupot sakin ng ugat. "Ba-bakit kailangan a-aakoo??"

Unti-unting lumilitaw ang mga anino. Nakita ko na naman ang pula nilang mga mata. Nakakatakot na nga mata. Mga matang mas mabangis pa sa halimaw. SIYAM, SIYAM sila. Walo lang ng huling nagpakits sila sakin pero ngayon SIYAM na. Nanginginig ako, lahat pati mata ko. Ako, ako na lang ang kulang.

"IKAW ANG NAKATAKDANG IPALIT KAY SATANAS! IKAW~"

"IKAWW~~"

"B-bakit a-ako?? Bakit!?" Tanong ko.

"MAY DUGO KA NI SATANAS. SAYO ISINALIN ANG DUGO NI SATANAS," sabi ng pinaka-pinuno. "DEMONYA ANG IYONG INA NA SUMANIB SA KADILIMAN, ISINILANG KA NIYA KASAMA ANG DUGO NI SATANAS."

"IBIG-SABIHIN AKO~~ AKO ANG ANAK NI SATANAS?!" Naguguluhang tanong ko.

"IKAWW~~ IKAWW" sabay-sabay na tugon nila.

"Hindi! Hindi!" Lumandas ang mga luha ko sa mga mata ko pababa sa pisngi ko. Sunod-sunod.

Napatingin ako sa mga babae, nagbabago sila ng anyo. Nagiging malinaw ang katawan nila. Nagiging katawang tao sila. Pero isa sa kanila ang nag-agaw pansin sakin.

Iniba ang mukha niya ng buhaghag na buhok, pulang mga mata at itim na labi. Nakakatakot na siyang tignan. Pumikit ako at sinasabing di to totoo. Hindi..hindi..

Nahulog ako sa puno, pero di ko naramdaman ang sakit ng pagkakabagsak. Naluha-luha akong tumingin muli sa kanila at dahan-dahang tumingin.

"Di to totoo~~ di ka kabilang, di ba Mae?" Tuluyang tumulo ang luha ko, sobrang hirap maniwala.

Di siya kabilang sa mga naging demonya. Hindi~ Hindi to totoo. Mali to, maling-mali.

"M-mhae?" Garalgal ang boses habang lumuluhang sambit ko. "Sabihin mo?"

Malapit na akong mapahagulgol, malapit na akong madurog at malapit na akong mawalan ng pag-asa. Anhirap maniwala, anhirap lumaban at anhirap tumayong muli. Ansakit makitang nangyayare to at ansakit makitang si Mae ang makakalaban ko.

"Mahal na mahal kita~ mahal na mahal," pabulong pero medyo malakas na sabi ko sa kanya. "Pero bakit ganito, ano to? Nahihirapan ako, Mae!"

"Noon pa man demonya na ako at demonyo ka na! Wag mo ng ikaila! Huwag mo ng itanggi!!" Nanlilisik ang mga matang sambit ni Mae.

"Di yan totoo! Hindi!" Lumapit ako pero may hangin na pumigil sakin. "Sabihin mo!!"

Siya na ang lumapit sakin. Nakakatakot, nakakakilabot ang mga titig. Nang makalapit siya ay sinakal niya ako at paramg walang kahirap-hirap na itinaas.

"Ako ang pumapatay, ako ang tumapos sa kanila, kaya ngayon ikaw naman ay magiging amin na!" Sabi niya.

Nahihirapan akong huminga, sobrang hirap dahil anhigpit ng sakal niya. Pero buti binitawan niya ako, napadapa ako sa lupa at hinahabol ang hininga.

Napatingin ako sa kahoy. Inalala ko lahat, inalala ko ang dapat kong gawin. Minsan kailangan mong magsakripisyo, minsan kailangan may gawin ka. Kinuha ko iyun.

"Mahal na mahal kita," tumayo ako at isinaksak sa kanya. Sabay kaming bumaba.

"H-Henz~" narinig ko ang tunay niyang boses, narinig ko ang masarap pakinggang boses niya.


"WAAAAAAAHH!!" sigaw ng isang demonya ang narinig ko.

Kinuha ko ang rosaryo at ikinuyom sa palad ko. Ang mga luha ko, sabay-sabay na tumutulo.

Lumabas ang itim na demonya sa katawan ni Mae. Nagbabago ang katawan niya, nagbabago ang anyo niya. Niyakap ko siya dahil sa pumikit na niyang mga mata. Napahagulgol ako dahil sa wala na siyang buhay.

"I'm sorry, im so sorry~" naiusal ko sa hirap, sakit, dusa at pighati.

Ibinaba ko siya sa lupa. Tumayo ako. Ang mga babae at bumalik sa itim nilang anyo. Idiniin ko ang pagkakayukom ng palad ko kung saan ang rosaryo.


Kailangan ko silang mapawala, kailangan ko silang tapusin. Kailangan kong malagyan ng dugo ang balon.

Tumakbo ako at kinuha ang isang kahoy na nakita ko. Sa pagtakbo ko, napahinto ako dahil may sunod-sunod na pumasok o sumanib sa katawan ko. Naihahampas hampas ko ang kamay ko sa ere. At nagpupumiglas ang katawan ko. Sobrang sakit din sa ulo at di ako makahinga. Anhirap lumaban. Anhirap. Pero pinilit kong humakbang, pinilit kong makalakad ng unti, nagawa ko pero anhirap pa rin ulit.

Pero ang kamay ko kung nasaan ang rosaryo ay magaan. Kinuha nun ang kamay kong isa na may hawak na kahoy. Naitaas ko sa ere. Napapikit ako ng maisaksak ko yun sa tyan ko. Napaluhod ako ng unti-unti ko ng maramdaman yung sakit. Hanggang sa makasigaw na ako.

"Aahh!!" Tumayo ako kahit mahirap, tumakbo ako pasan ang sakit. Narating ko ang balon. Napaluhod ako sa lupa at napahawak sa semento. Nasusuka ako ng dugo kaya ipinasok ko ang ulo ko sa loob. Dun ko naisuka ang dugo. Sabay ng pagpatak ng luha.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!!!!!!!!" kaninang pang sigaw ng mga demonya pagkatapos kong saksakin ang sarili ko.

Natumba ako ng mulat pa din ang mga mata. Inaalala ang mga hirap, sakit. Inaalala ang mga nangyayare na posible pala ngayon. Humangin ng medyo malakas, nawawala ang mga usok na kulay itim. Unti-unti ng napapalitan ng liwanag.

Unti-unti na din bumibigat ang talukap ng mata ko. Hanggang sa makapikit na ako, hanggang sa mawalan na ako ng malay.

-to be continued-

STAY ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon