CHAPTER FOUR

42 9 0
                                    

Henz's POV.

Nakarinig ako ng mga ingay dahilan ng pagkagising ng diwa ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Malabo pa, kinusot ko hanggang sa luminaw. Wala ako sa bahay, nasaan ako?

Napabangon ako pero sumakit yung katawan ko. Pati ulo ko kaya napahawak ako dun.

"Iho, wag ka munang bumangon." Napalingon ako sa nagsakita, albularyo ang nasa tingin ko.

"A-ano pong nangyare?" Tanong ko.

"Bumangga yung sasakyan mo at nawalan ka ng malay, buti nakita kita agad kaya dinala kita dito," kwento ni Manong albularyo.

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya ngunit di siya tumitingin mata ko, nasa balikat ko lang ang mga tingin niya.

"Kailangan ka ng mga demonya," sabi niya na di pa rin tumitingin saakin, nagulat ako ng ibaba niya ang kwelyo ko. "May bakas ka, isang bakas na di ordinaryo. Ito ang tanda na ikaw ay sa kanila lang,"

Kinabahan ako sa sinabi ng albularyo, napatingin ako sa balikat ko. May marka, saan to galing, ano to? Bakit ako nagkaganito, paano pa?

"Sa gubat ng ****, sa pinaka-pusod. Merong balon dun, kailangan mong magpatak ng dugo mo," sabi niya. "Pero kailangan mo munang labanan o harapin ang sakit."

"Di ko maintindihan?" Angal ko. Totoong di mo maintindihan, anong sakit ba. Anong sakit yun? Paanong sakit? An-hirap. "Anong sakit yun?"


"Di ko alam, ikaw lang. Ikaw lang ang makakaalam." Sagot niya. "Pero tatandaan mo, lagi mong isuot ang rosaryong yan at huwag kang magpapatalo sa sakit." Babala niya.


Napatingin ako sa sahig. Di ko maintindihan. Ang mga anino, sakit. Paano? Nahihirapan ako. Walang paraan na pumapasok sa isip ko. Blangko, blangkong-blangko. Pero kailangan kong gawin to, para wala ng mapahamak. Para tumahimik na at para maging masaya na kami ni Mae. Para di siya madamay.

"Walo ang mga anino at isa na lang para maging siyam. Kailangan din nila ng katulad mo para maging demonyo, mag-iingat ka sa mga kilos at desisyon mo," dagdag paalala ng albularyo.


"Sino ba ang mga anino? Ano ba sila?" Tanong ko.


Humarap siya saakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Sinabi niyang pumikit ako, ginawa ko.

Hanggang sa, nagbago ang paligid. May mga babae. Mga magaganda, dyosa na para sa iba. Masaya sila, sobrang saya. Pero may dumating na van, hinuli sila ng mga ito at isinakay sa van. Nagpupumuglas ang mga babae ngunit di nila makaya ang lakas. Walo, sila na ba yun?
Dinala sila, sa may gubat. May mataas na gusali, ipinasok sila sa loob. Sa loob, sinaktan sila. Sinaktan ng walang awa. Dumating pa ang napakaraming lalake, nanguha ng tig-iisang babae at ipinasok sa kanya-kanyang kwarto. Sigaw na lang ang naririnig ko, mga tili. Hanggang sa lumabas na ang mga lalaki sa kwarto dala ang mga babae na wala ng buhay.
Lumabas sila ng gusali, may balon. Hinulog sila isa-isa. Hanggang sa umalis na ang mga lalake.
Dumaan ang ilang araw, nangangamoy na ang balon, naamoy ko din. Bumalik ang mga lalake sa gusali. Naghahatian ng pera sa loob, mga walang paki sa amoy.
Isang pangyayare ang gumulat sa lahat. Ang mga babaeng dyosa kung tignan ay maging demonya na. Sabay-sabay nilang pinatay ang mga lalake, sabay sabay. Tinanggalan ng laman loob hanggang wala na. Pero may isang nahuli ang dating, nagulat ito at tumakbo. Pero napalibutan ng mga demonya, naging anino na lang bigla ang mga babae at binigyan ng itim na hangin ang lalake na nagpabago sa kanya. Naging demonyo ito pero di nagtagal ay namatay. Tila may kulang sa ginawa.

Napamulat ako ng maramdamang natumba ang albularyo. Napahawak siya sa ulo nito.

"Matagal na silang naghahanap ng demonyo at isang demonya na kukumpleto sa plano. Wala na si Satanas at ikaw ang gusto nilang ipalit," nahihirapang sambit niya. "Kailangan mo ng bilisan, kailangan mo ng matapos para wala ng madamay, tanda mo pa lahat?!"


Nakita ko kung paano manginig at kabahan ang albularyo. Tumayo siya at anlalim ng paghinga. Nagpaalam siyang aalis na, naglakad na siya pero nagbago bigla ang kilos ng albularyo. Pilit na nilalabanan ang sarili pero naiuntog niya ang sarili sa kahoy na poste. Ilang beses, paulit-ulit hanggang sa dumugo. Napatayo ako at pinuntahan siya para pigilan pero binantaan niya ako na huwag lalapit. Inulit niya ang pag-untog sa mga nadadaanan niya. Hanggang sa may makita akong nakausling bakal. Natakot ako at kinabahan, isinigaw ko ang 'MANONG' pero naintog na niya aang ulo niya sa nakausling bakal. Tumagos ito sa likod ng ulo niya, dugo, tumutulo ang napakaraming dugo.

Napaluha ako, kailangan ko ng matapos. Kailangan na para wala ng madamay. Napahawak ang sa rosaryo at lumabas na ng bahay, pupuntahan ko ang sinabing lugar ni Manong.

STAY ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon