CHAPTER ONE

65 10 0
                                    

Henz' POV

Lagi kong napapanaginipan ang aninong yun na nawawala. Anong ibig-sabihin nun, di ko maintindihan pero kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Natatakot kasi baka may mawawala baka yun ang ipinapahiwatig pero imposible, di totoo yun.

Lumabas ako ng bahay, sobrang lamig ang humampas sa mukha ko, napapikit pa ako. Masarap sa pakiramdam, oo. Sumakay na ako sa kotse ko at tatahakin ang bahay ni Mae.

Narating ko agad ang bahay nila at nasa labas na siya naghihintay. Bumaba ako at pinagbukas siya ng pinto. Pumasok siya sa loob. Pumasok na din ako at nagdrive na papuntang resto naming dalawa.

----

"Okay guys, over time tayo ngayon kasi marami ang costumer ngayong weekend." Sabi ko, tumango nama silang lahat.

Yumakap naman ako kay Mae at ginawaran siya ng halik sa labi. Nakangiti kaming nang bitawan ko yung labi niya.

"I Love You," sabi ko.

"I Love you too," sagot niya.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming trabaho. Tumitingin ako sa mga files na nasa mesa ko ng may tumawag sakin.

*KRING*KRING*

Sinagot ko kaagad.

["...."]

"Hello?" Pero walang sumasagot, wala akong marinig na sagot.

Pero sabay nun ang paglamig ng paligid. Napabitaw din ako sa hawak ko dahil sa mga aninong sumulpot, walo sila at may pulang mga mata.

"Susunod na siya~~" napakapit ako sa hawak ko, natatakot ako. Di ko alam ang gagawin. "Handa na ang lahat~~"

Di ako makapagsalita, di ako makagalaw. Pero naririnig ko pati ang tibok ng puso ko, malakas ang kabog at mabilis pa.

"Wuuahahahahahahaha!" Mga nakakabinging halakhak bago silala tuluyang nawala.

Namuo ang mga butil ng pawis ko at kita sa salamin ang pamumutla ko. At ikinasigaw ko ng magring muli ang telepono.

"Oh!!??" Sagot ko sa telepono.

["Sir may nagkakagulo po dito!"] Sabi ng tauhan ko.

Lumabas na ako ng office at tinungo ang mga nagkakagulo. Sinisigawan nila ang waiter ko.

"DI KA NAG-IINGAT! BAKA GUSTO MONG PATAYIN KITA!" sigaw pa nito. "TIGNAN MO NADUMIHAN PA YUNG DAMIT KO, P*TA KA!"

"Sir di ko po sinasadya," sabi ng waiter.

Lumapit na ako sa kanila. Mga kabataan pa ang mga ito. Pero mga wala ng modo.

"Anong nangyayare?" Tanong ko.

"Sir--"

"EH ANG MAGALING MONG WAITER! TINAPUNAN AKO NG PAGKAIN," sigaw niya sakin.

"Papalitan namin yang damit mo at pwede ka ng umalis sa restaurant ko," sabi ko at tumalikod na.

"ABA BASTOS TO!" naramdaman kong hinatak niya ako pero nabitawan din niya ako dahil sinapak niya ang sarili niyang mukha.

Nagulat ako sa ginawa niya at kaming lahat. Kinuha niya pa ang tinidor at isinaksak sa mata niya ng ilang beses.

"P-pigilan n-niya s-siya," nauutal na sabi ko.

Nilapitan siya ng mga kaibigan niya at pati na din ang guard pero kinuha nong lalaki ang baril ng guard namin at itinutuk sa noo niya.

"WAG TOL! WAGG!!" huli dahil ipinutok na niya ito at natumba na siya sa sahig.

"Henz," rinig kong usal ni Mae na nasa likod ko at kumapit sa braso ko.

Ano yun? Di ko maintindihan.~~

STAY ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon