"Tawagan mo silang apat." utos ko kay Chieana. "May cellphone ka diba, bat ako?" singhal nito saakin. Napairap ako sa sagot niya.
"Tawagan mo."
Hindi na siya umangal at nilabas ang kanyang cellphone para tawagan ang mga gunggong. Tumayo siya at narinig kong nagdi-dial siya.
"Stupid. Bing?" sabi nito. "Come over, kayong apat." mataray nitong sambit.
"NGAYON NA!" sigaw nito sa telephono at agad na pinatayan ng tawag si Bing na ikinatawa ko.
"Tawa ka?" mataray na pagtanong nito sa'kin. Umiwas ako ng tingin sakanya at nakita kung paano nag 360 yung mga mata niya.
Nandito kami sa isang abandonadong bahay na may sapat na laki para sa aming anim na malayo sa mga mataong lugar. Dito namin pinaguusapan ang mga seryosong bagay, mga susunod naming pupuntiryahin at mga bagay bagay na kailangang pag-usapan na dapat na kami lamang ang nakakaalam.
"Walang pagkain?" tamad na tanong sa'kin ni Chieana, umiling ako sa kanya dahil halata naman na hindi ako nakabili ng pwedeng makain ditto at wala namang stock dahil 'di naman kami madalas dito.
Napairap na naman siya at ipinatong ang kanyang paa sa lamesa.
"Ibaba mo yan."
Hindi siya umangal at itinuon ko na lamang ang pansin sa'king cellphone, nagsnapchat ako habang iniintay ang mga punyeta. Nakakabading na nung tumagal kaya itinigil ko na lamang. Nakarinig ako ng kalansing sa labas at sigurado akong sila na yon. Umayos na ako ng upo pati na rin si Chieana. Hinawi ko ang buhok ko saka bumuntong hininga, eto na naman tayo sermon na naman sa mga gunggong na 'di makaintindi.
Narinig ko ang kaharutan nila at nagtutulakan pa nga kung sino ang mauunang pumasok. Ang lalandi, bwisit.
"Puta,Kyle! Ikaw na mauna pumasok,makapal mukha mo eh!" rinig kong bulyaw ni Bing kay Kyle. "Ulul ka ba?Puahahaha!" sambit ni Kyle saka humalakhak.
"PASOK!" madiing kong sigaw sakanila, nakakairita mga kaharutan nila 'di ko pa nakikita mga pag mumukha nila nabubwisit na ako. At saka sila niluwa ng bulok na pintuan, isa-isa silang umupo at nanahimik.
"Bakit niyo iniwan si Chie?" bwisit na bungad ko agad sa kanila.
"Kalma, Fafa Max, ako lang 'to ha?" pagbibiro pa ni Kyle para gumaan naman atmosphere dito sa loob no, kaso hindi effective kaya dinampot ko ang dos por dos at full force na binato sakanya na agad naman niyang naiwasan. "Nice,"
"Tangina ka kasi, Toby! sabi ko sayo wag mong iiwan si Chieana! Ang daming nakapaligid sakin nun no!" pagdadahilan pa ni Joseph rito. Napakamot sa ulo si Kuya Tobby at nanatiling kalmado.
Napatingin ako kay Kuya Toby. Oo, kapatid ko siya at nakakatanda.
"Joseph, sinabing pinaputukan nga ni Toby ang mga CCTV na nakapalibot sa lugar sa mga oras na 'yon kahapon! Obligasyon niya yon,pwede ba?!" stressed na singhal ni Kyle dito.
"Badtrip ka ghorl?" bawi ko kay Kyle ngisi ko.
"Pagkatapos kong paputukan yung mga CCTV sinundan ko si Chieana, pero may humarang sa'king limang mga nakamaskara." kalmadong paliwanag ni Kuya Toby.
Pagdati sa mga ganitong bagay ay bukas at seryoso mga isipan nila. Mabuti na lang mga disiplinado 'tong mga gunggong na'to na kahit minsan parang mga bata.
"Na'sa rooftop ako nun at gumanap na sniper roon,nakabantay ang mga mata ko sa mga lalaking nakapalibot kay Chieana, pero naunahan mo ako, boss. Nagulat na lang din ako na nakabulagta na yung lalaking tatargetin ko sa likod ni Chieana." pagpapaliwanag ni Bing.
BINABASA MO ANG
Midnight Reaction
Mystery / ThrillerChieana Monteverde and Max Sebastian from the University of Passion have been inseparable since they were young, not until one of them was forced to the most difficult decision in life.