Chapter 3

7 1 1
                                    

"Tol ipasa mo kasi sa point guard natin!" sigaw ni Bing sa isang player namin sa Team B. Training day namin ngayon so as usual exempted kami sa mga subjects na tatamaan pero kailangan parin namin mag compile.

"Easyhan mo lang, bro" bulong ko sakanya. Kasalukuyan namin pinagtutuonan ang Team B dahil madami ang gagraduate ngayong year, at kasama na kami don.

Agad nagsitakbuhan pabalik ang mga players sa bench ng marinig ang pito ni Coach Ong senyales upang mag water break. "Ilan subjects nila Ysa ngayon?" tanong ko kay

Joseph na may pagtingin kay Ysa. Awit. "Bakit? si Chi ba?" pag ngisi pa nito sakin. Mukhang tanga lang, "Sino pa ba?" singhal ko sakanya.

"Hindi ko sure pero half day lang sila ngayon," hindi ko na pinansin ang sagot niya nang mapansin na kulang kami.

"Bilis Bing! Baka mahuli tayo ni Coach!!" pagkaluskos naman ng mga yabag nila Kyle at Bing na nag parkour sa bench. Halatang kakabalik lang at may ginawang katarantaduhan.

Sakto naman na kakaharap lang ni Coach kaya huling huli sila sa akto. "SAAN KAYO GALING HA?" sigaw ni coach na nakapamewang pa. "Water break lang diba, bat kung saan saan pa kayo pumupunta?" dugtong pa nito. Agad naman nagsikuhan si Kyle at Bing kung sino ba ang magsasalita sakanila.

"Ah.. ehh Coach nag cr lang!" pagkamot pa sa ulo ni Kyle. "Cr? eh ano yang kulay pula sa labi mo, Cruz?" pagturo pa ni Coach kay Bing na agad ikinalaki ng mata niya at agad pinunasan ito. "Spaghetti, coach!!" sagot agad ni Bing out of nowhere.

"May spaghetti sa cr?" pagkibit balikat ni Coach Ong bago tumalikod samin. Agad humagalpak ng tawa si Kyle nang maisip ang katangahan ni Bing. "Ano ba kasi nangyari, bro?" pag usisa naman ni Joseph kaya nagsama sama na kami habang break time pa.

"Eto kasing si Bing chickboy, papalit palit ng babae," tawa ni Kyle. "Paano ba naman may babaeng sumunggab ng halik sakanya na ka-blockmate natin," pagkwento pa nito. Agad naman napa-'ooh' ang aports niyo.

"Lipstick pala ah," pangaasar ko sakanya. "Boss Max naman, parang di ka rin ganto ah," sagot ni Bing.

"Noon oo, ngayon hindi na." sagot ko kay Bing na tinapunan pa ako ng tissue na pinambura sa lipstick.

"BOSS CHI LANG MALAKAS!!" sabay sabay nilang sigaw na kinangiti ko naman. Ewan ko ba Choir member ata 'to sila noon, mga demonyo naman.




"Chieanaaaa!" agad umalingawngaw sa corridor ang matining na boses ni Therese. Hindi siya pinansin ni Chieana na tuloy tuloy lang pumasok sa classroom. "Guuurl, wait for me!"

habol pa nito. "What now?" pagtuon nito ng pansin kay Therese kahit hindi siya interesado. "Let's eat in Max's!" pag aya sakanya ni Therese.

"Ha?" agad binalingan ng tingin ni Chieana ang kaibigan at maiguguhit sa mukha nito ang pagtataka. "Hawtdog," asar sa kanya ni Therese with accent pa.

"..kela Max?" may pag alinlangan na tanong pa ni Chieana. "Got ya," pag ngisi ni Therese at saktong pag dating pa ni Ysa conyita. "What's the humor all about?" agad pagusisa nito.

"Tignan mo kasi 'tong friend natin.. why don't you admit that you already like him?" agad napairit si Ysa sa tanong ni Therese para kay Chieana.

Agad siya nitong tinapunan ng masamang tingin, "I'm just kidding," pag kulit pa ni Therese kay Chieana. "So?"

"I said that let's take our lunch sa Max. Restaurant you know," pag ngisi pa nito kay Chieana. Inirapan lang sila ni Chieana at agad na silang umayos nang dumating ang professor nila.

As usual si Jade ay nasa malayo, sakto lang ang seating arrangement para hindi sila magkagulo.

@marytherese: we're having our lunch in max restau

Midnight ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon