Chapter 4

5 0 1
                                    

Wednesday na ngayon at kasalukayan kaming naglalakad ng mga kolokoys para sunduin si Boss Chi sa last subject nila para maisabay na namin sa pagpunta sa Campbell Assault Center. "Bilisan niyo, mga bugok!" pagmamadali ko.

"Teka lang boss Max! Ihahabol ko lang kay Sir 'to!" pagwagayway pa ni Kyle sa papel niya na late niya na namang ipapasa.

"Kingina ka pag di natin naabutan si Chieana!"

Habang naglalakad kami ay 'di narin maiwasan na pagtinginan kami bukod sa mga gwapong varsity kami o baka ako lang talaga yung gwapo, eh sunod sunod din ang mga harang ng mga chikababes ni Kyle at Bing. "Tabi! Tabi!" pag hawi pa ni Kyle sa mga babaeng sumasalubong sakanya.

"Pag di namin naabutan si Chieana!!" pag sigaw ni Bing. Nang marinig ng mga kababaihan ang pangalan ni Chieana ay agad silang nagsitabi saka kami nagtakbuhan sa hallway papunta kela Chieana.

"Oh look who's here!" masayang tugon ni Therese nang maabutan nila kami sa labas ng classroom nila. "Your sundo is here oh!" Pangaasar ni Ysa kay Chieana.

"Your sundo is here rin oh!" iritableng pag gaya ni Chieana kay Ysa at itinuro naman si Joseph. Natawa ako nang makita kung paano masira ang mood ni Chi at kung paano siya pakalmahin ng bestfriend niyang si Jade, laki ng pinagkaiba nilang dalawa.

"Yieeee!" pangangantyaw pa nung dalawang chickboy na kasama ko, tameme ako kay boss Chi ih.

"Hi," nahihiya pang tugon ni Joseph kay Ysa. Itinaas lang ni Ysa ang kanyang kamay bilang sagot rito.

"Daming time lumandi ni Joseph no? Dapat ikaw rin boss," bulong sakin ni Kyle.

"Woy woy woyyy, Boss Chieanaaa!" habol namin kay Chieana na nagmamadali maglakad. Lumingon siya upang kawayan ang mga kaibigan na iniwanan niya. Yung paglingon niya parang nag slowmo sa paningin ko tapos ang bango pa ng mga buhok niya.

"Oh ano wala kang gagawin dyan, boss Max? Arat na!" pag tapik niya sakin saka umalis agad para habulin si Chi. Napatakbo din ako ng marealize na nakalayo na sila.

"What now?" agad pag lingon ni Chieana at sobrang lapit ng katawan namin ngayon sa isa't isa.

"Uhmm.." napakamot ako sa ulo ko, awkward. Napa-'ooooh' naman ang mga aso ko.

"Sabay kana samin, Boss Chi! Pagdadrive tayo ni Boss Max!" pangungulit pa ni Bing sakanya na kinatawa ko. Hindi siya pinansin nito at dere deretso lang naglakad.

"HOY SI PAPA TOBBY!" sigaw ni Joseph nang mapagtanto na di namin kasabay ang kuya ko. "Tanga nauna na! Babarilin niya daw tayo pagkarating natin don!" sagot ko sakanya. Umakto pa siyang tinamaan siya sa puso.

"Boss Chi!" tawag pa ni Kyle kay Chieana. Lumingon ito sakanya at tinaasan lamang siya ng kilay. Siguro kung may baril lang na hawak 'tong si Chi, binaril niya na siguro si Kyle.

"Arat na!" pag gaya pa ni Kyle kay Zeinab Harake na kinatawa namin.

"Ride?" nilapitan ko si Chieana at inalok kung gusto niya ba sumabay samin. Agad niyang nilabas ang susi at hinagis hagis ito sa ere. "I have my motorcycle with me." sambit niya saka namin hinayaan siya hinayaan maglakad palayo dahil magkaiba ang parking lot ng mga motor at kotse,

"Ennnngk!" pag ekis pa ng mga kamay ni Bing. "May motor na dala, eeeengk!" pag gaya pa ni Kyle. "Ano may sasabihin ka rin, Joseph?" pagtawa ko kay Joseph na nagiisip ng entry niya. "Sayang ang paghahabol, eeeengkkk!" tugon niya at talagang di siya nagpakabog.

"Dahil dyan maglakad kayo papuntang Center, tangina niyo!" hagalpak ko at takbo papunta kung nasaan nakapark ang kotse ko. Ako lang kasi ang may dala ng kotse ngayon dahil isasabay sana namin si Chieana, kaso enggggk. "Joke lang boss Max! 'To naman di mabiro!"

Midnight ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon