Chapter 8

3 1 0
                                    

"Where have you been?"


Rinig 'kong malamig na tanong ni daddy sa kapatid ko. "Chito, tinatanong kita," nakita kong nakayuko lang ang kapatid ko habang hawak ang sumbrero niya.


Kasalukayan akong nandito sa kitchen, bumaba lang ako para uminom ng tubig at 'di ko inaasahan na maabutan ko sila dito. Hindi ko sila pinansin ng mapadaan ako sa sala at dere deretso lang sa pagpanik sa hagdan,


"Chieana," agad akong naistatwa ng tawagin ni Daddy ang pangalan ko. Akala ko hindi ako mapapansin sis, panigurado damay na naman ako dito.


"Did you let him borrow your motorcycle?" simpleng tanong sakin ni daddy. Huminga ako ng malalim bago sumagot.


"Yes dad, I'm sorry," pag sagot ko sa kanya habang nakatingin kay Chito ng 'nadamay-na-naman-ako' look.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na huwag mong papahirapan itong kapatid mo?" Hay gaiz, mas mabuting manahimik nalang kaysa sumagot. Para tuloy kaming mga maamong tupa dito ni Chito.


"Ikaw, Chito?" nakita ko ang pagangat ng ulo nang kapatid ko. "Napakasuwail mo!" sigaw ni daddy at nakita kong minasahe niya pa ang sentido niya. Nagulat ako roon, hindi naman suwail si Chito ah?


"Dad, I let him borrow my motorcyle because I told him that if he will not step out in Campbell, I will tell him to Mom," pag depensa ko para sa kapatid ko, totoo naman eh.


"Hindi ka ba makapaghintay ng isang taon pa, Chito?" tanong ni daddy. "Isang taon nalang pwede ka na naming ipasok sa Campbell, at mag training and to buy your own guns."


"Isang taon nalang hindi pa ba makapaghintay 'yang butchi mo bago ka magkaron ng sarili mong kotse't motor?" bulyaw pa ni daddy, naawa na ako sa kapatid ko.


Ito ang unang beses na alitan na kasama ako habang pinapagalitan si Chito, madalas kasi eh kanya kanya kaming seremonyas. Privacy.


"EH BAT SI ATE?!"  agad napaangat ang tingin ko kay Chito na pinagtaasan ng boses ang daddy namin.

I just can't believe kaya sinubukan kong makipag-eye contact o pandilatan man lang siya ng mata ngunit hindi siya tumitingin sa gawi ko.


"Chieana, pumanik ka na," utos sakin ni daddy.


Hindi 'ko papalagpasin 'tong pagkakataon na 'to na binastos ng kapatid ko ang ama namin, kaya naman para akong walang narinig sa sinabi ni daddy kaya nanatili pa rin akong nakatayo dito. "Wala kabang naririnig Chieana?"


"Pero dad—"


"Chieana Marie," sabi ko nga papanik na ako.


Dere deretso lang ako pumanik sa hagdan patungo sa kwarto ko. Wala man lang ako nagawa para depensahan ang kapatid ko and at the same time ay madisiplina man lang siya sa ginawa niya kay daddy.







It's Sunday at maaga ako nagising dahil sa alarm ko, 5:30 palang ng umaga kaya napagdesisyunan 'kong maghilamos na muna saka mag jogging sa basketball court dito sa subdivision namin.


Kasalukuyan akong dahan dahan na naglalakad ngayon dito pababa sa hagdan ng maaninag ko si Nay Lena, "Pssst!"


"Jusko pong bata ka! Kaaga aga!" natawa ako sa reaksyon niya dahil halos mapatalon siya sa gulat. "San ba ang gawi mo ha?" tanong sakin ni Nay Lena, hindi ba obvious sa suot kong Nike sports bra at leggings from Victoria Secret?


"Jogging lang dito sa subdivision natin, Nay," ngiti ko kay Nay Lena. Maglalakad na sana ako nang pigilan niya ako, "Halika muna ipaghahanda kita ng umagahan," napangiti naman ako sa tender loving care nitong si Nay Lena.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon