Chapter 6

5 0 0
                                    

"Diba napagusapan na natin 'to, Mariane?" napakamot ako sa ulo ko nang maisahan ako ni Mariane. "Akala ko ba tungkol sa training grounds ang pag uusapan natin?!" pagsinghal ko sakanya.

Dalawang taon na ang nakalipas simula nung naghiwalay kami ni Mariane. Wala na 'yon sakin at ewan ko ba bakit hanggang ngayon nagaamok pa rin 'to, "Why don't we try again?" ani pa nito nakita kong nangingilid ang mga luha niya at agad naman niya iyon napigilan.

"but I don't want to," pag sagot ko sakanya. "Sorry Mariane, pero kung eto lang paguusapan natin mauuna na ako." sambit ko sakanya, hinawakan niya naman ang kamay para pigilan ako. Pumiglas ako dahil ayoko nang pagusapan pa 'to dahil wala na naman talaga akong nararamdaman para sakanya. Isang taon din ang pinagsamahan namin pero ayoko na mag try pa  kung sakanya lang ulit.

"You cheated on me, remember?" pagpaalala ko sakanya. "Nagkamali ako noon, Max." napailing nalang ako sa sagot niya. Wala kanang maloloko dito, oy!

"si Chieana ba?" pagtanong niya sakin kaya naman binalingan ko siya ng tingin. "Wala kana dun," seryosong sambit ko sakanya nakita ko ang pagbago ng mood niya at agad pinunasan ang pisngi.

"What about the training grounds?" pagtatanong ko sakanya dahil bat 'yon ang naisipan niyang palusot sakin, nautu naman tuloy ako. Simula kasi noong naging kami ay ipinasok ko si Mariane sa training grounds ng Campbell Assault Center, gusto niya rin naman 'yon at 'di ko siya pinilit mag ensayo don no.

"Pwede bang mag training ulit ako don?" sambit ni Mariane. Agad naman kumunot ang noo ko, para saan pa para mag ensayo siya eh normal na naman ang pamumuhay niya dahil wala na siyang kasintahan na isang tulad ko na Assault. Pinayagan ko lang siya non na magtraining don para magkasama kami palagi.

Don't tell me na kaya magbabalik loob siya doon dahil gusto niya ako makasama? Juskopo Lord, wag
po, tama na po yung may apat na bugok akong kasama. Agad akong napasapo sa mga pinagiisip ko.

"Okay lang naman kung hindi na pwede," pag yuko pa nito. "Itatanong ko kung pwede pa," sambit ko sakanya bago niya ako iwanan dito sa Mega. May bilang lang kasi kung ilan ang pwede mag training
doon sa Camp. Agad ko namang tinawagan ang kuya ko, "Kya Tobz!" bungad ko sa phone call.

"Busy ka?"

"Nandito ako sa bahay tanga,"

"Ge otw."

Agad kong pinatay ang call na malaman na nasa bahay lang pala siya, di man lang sumabay samin kumain sa Greenwhich. Sabagay busy na rin siya dahil graduating. Kasalukuyan siyang nasa fifth year niya, ewan ko ba dito edi sana may trabaho na siya ngayon at nakakaburaot na ako sakanya ng pera kung four years course lang ang kinuha niya.

Habang nasa byahe ay parang nage-echo ang boses sakin ni Mariane, bangungot amp! Pilit kong inaalis yon kaya iniisip ko nalang ang mukha ni Chieana.

"Haaaaay," pag singhal ko ng tuonan ko ang busina ng sasakyan ko, ang tagal ba naman pagbuksan ni Brother Tobby. Binaba ko ang bintana ng katukin niya iyon, "Don na Don ka ah may taga bukas pa," tawa niya pa kaya diniretso ko na sa garage ang kotse ko. Pagkababa ko ng kotse ay nakita kong nakatuon si Kuya sa kotse ko.

"Alisin mo nga yang kamay mo dyan, madudumihan kotse ko!" pagbibiro ko kaya tumakbo na agad ako papasok. Hinagis ko ang jacket ko at bag ko sa lapag at humilata sa couch.

"Problema mo?" tanong agad ni Kuya Tobz na ngayon may dala na agad beer. Umay!

"Mariane," simple kong sagot. "Awit ka, bro!"

"Akala ko ba si Chieana na?" pagupo niya pa sa tabi ko. "Boss Chi lang malakas!"

"Ayun ampotek nakikipagbalikan na naman! Dalawang taon na nakalipas di pa rin makaget over," pagkukwento ko pa kay brother Tobz, "Siya 'tong nagloko tapos ngayon hahabol habol!"

Midnight ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon