"You." wala sa wisyong sagot ko kay Chieana,
"What about me?" pagkunot noo ni Chieana halatang nagtataka sa sinabi ko. "I mean ano.." pagkamot ko sa ulo ko at nagiisip kung ano ba talaga,
"Ibig kong sabihin, iniisip ko kung paano masisiguro ang kaligtasan mo," dugtong ko pa. "Sa palagay ko tama ka na sinusundan ka talaga nila, dahil bukod sa Top 1 ang grupo natin sa pinaka nakakatakot na mga grupo.. eh isa ka pang magaling na Assault.. lalo na babae ka at di pangkaraniwan 'yon," pag iwas ko ng tingin kay Chieana.
Pinaglalaruan na naman ako ng isip ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Chieana lalo na pag mag isa lang siya. Agad naman nawala ang pag ooverthink ko ng nginitian ako ni Chieana at tinapik ang balikat ko.
"Don't worry about me," simpleng sagot niya sa'kin. "I'm just worried about my friends, ayokong madamay sila."
"Huwag ka magalala, sisiguraduhin natin niisa sa'tin wala silang mahahawakan," lokong kindat ko pa sakanya at tinawanan niya lang 'yon. Bihira lang 'to tumawa si Chieana, hindi ko alam pero minsan ang gulo ng mood swings niya, minsan di ko alam kung crush niya din ba ako? Crush amputek, elementary lang!
"How are you, Architect?" tanong sakin ni Chieana. Totoo ba to?! Tinatanong ako ng isang Chieana Marie V. Monteverde kung kamusta daw ako? Napakurap ako lalo at kinusot kusot ang mga mata ko. "Tama ba ang naririnig ko?" pagbibiro ko sakanya.
"Bawal ka na ba kamustahin ngayon?" pagtataray niya so ayun nga po ano ang bilis mag bago ng mood. "Kung papalarin maging Architect," pagtawa ko sakanya.
"Ikaw kamusta, Engineer?" pagtatanong ko rin kay Chieana. "Kung papalarin maging Engineer," natawa ako sa pag gaya sa'kin ni Chieana. "Labas na tayo dito, baka kung ano pa isipin ng mga tao sa labas," pag prisinta ko. "Max," agad akong napalingon ng tawagin niya ako, nilingon ko lang siya bago pihitin ang door knob at iniintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.
"Thank you," Chieana let out a cute little smile, "Wala yon, Boss Chi," nginitian ko siya saka binuksan ang pintuan para lumabas na kami. As usual pag bukas ko ng pinto agad sunod sunod na
bumagsak ang mga chismoso. "HEHEHE HI BOSS MAX!" pagbati pa ni Bing, napailing iling na lang sakanila si Chieana."Yow yow yooow, the best Tito!" pag fist bump ko pa kay Tito Ruel ang father ni Kyle at Andrea. "Wala 'kong pera ngayon, Max!" pagbibiro nito sa'kin. "Hindi naman pera kailangan ko, Tito!"
pagkindat ko pa sakanya at alam niya na agad yun."Alak ba? sige ako na bahala ipukpok ang mga bote sa ulo niyo! Mag aral kayo!" natawa ako sa mga pinagsasabi ni Tito Ruel. May distillery
kasi ang mga Reyes, sa susunod si Kyle na ang magpapalakad ng Distillery at Resort nila since siya ang unang anak at lalaki."Ganda naman talaga ng baby Chi namin!" paghawak ni Tito Ruel sa balikat ni Chi nang mapansin na nasa likuran ko lamang ito. "Ano kayo na ba ni Max?" tanong pa ni Tito na agad kong kinagulat pati na rin ni Chieana. Hindi sumagot si Chieana at pinandilatan ko lamang si Tito, nag peace lang siya sakin at bumulong, "Hina mo naman, bata!"
"Alam mo ba nung baby pa kayong dalawa Chi.." pagiistory telling pa ni Tito Brandon na kakasulpot lang, father siya ni Bing. "Lagi kayong magkasama ni Max! Nihindi nga kayo mapaghiwalay dahil
para kayong choir member kung sabay kayong umiyak!" pagpapatuloy pa ni Tito Brandon, agad kong tinakpan ang tenga ko dahil kinikilig ako amputa. Tinawanan lang 'yon ni Chieana, wala lang naman sakanya yun, sanay na sa kantyawan pag nandito sa center."Drinks, madam?" pag alok ko kay Chieana, baka matuyuan na siya ng laway dahil di siya gano nagsasalita. Hehe
"No thanks," maiksing sambit nito sakin, engggk na naman ako kaya ako na lang uminom nitong juice. Nasamid naman ako ng biglang nawala si Chieana bilis naman non nagtatime walk amp, agad ko siyang hinanap at nakita ko may kausap siya kaya naglakad naman ako palapit don makikiusisa ako.

BINABASA MO ANG
Midnight Reaction
Mystery / ThrillerChieana Monteverde and Max Sebastian from the University of Passion have been inseparable since they were young, not until one of them was forced to the most difficult decision in life.