Capitolo Ventiquattro

2.6K 71 9
                                    

Gaya nga ng sabi niya, sinundo niya ako ulit dito sa room ko. Pumunta kami sa court para sa practice ni Drew with his team. Pinakilala naman niya ako sa mga ka-team niya at nagsimula na sila mag warm up. Pagkatapos ng mahabang warm up ay nagsimula na silang maglaro

I forgot to mention that Drew is the team captain and Takeru is also part of his team. Close na close ata sila at lagi ko silang nakikitang magkasama

"LIA!" I heard someone shouted. Andito kasi ako sa isa sa mga bench na malapit sa court. Nakita ko naman si Drew na kumakaway sakin. Kumaway naman ako and mouthed 'Why?'

"WATCH ME!" sigaw niya at kumindat bigla. I rolled my eyes kasi minsan ko lang makita ang show-off side ni Drew at natawa ako ng onti bago ako tumango

Nagsimula na ang laro nila with a light atmosphere. Mukhang nageenjoy sila sa practice nila ngayon. Pag nakukuha ni Drew ang bola at nashoshoot niya ito, tumitingin siya sa gawi ko at tinuturo ako pati yung ring. Para bang sinasabi niyang para sakin yun. Nakakatuwa siya ngayon, mukhang ang saya niya

Natapos ang laro kasi may mga klase pa yung iba. Agad namang lumapit sakin si Drew at buti na lang ay may dala akong tubig at towel para sa kanya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinunasan ko ang mukha niya

"How was it?" excited niyang tanong sa akin habang pinupunasan ko ang mukha niya

"You did great! Ang galing mo palang mag basketball" sabi ko at pinoke ko ang tagliran niya

Ngumiti naman siya ng nakakaloko pero agad naman niya iyong binawi dahil sa sinabi ko, "Pero not enough to beat my department"

"Wanna bet?" he asked

Napangiti ako, "Sure, why not?"

"If we win against your department, you'll give me one Saturday so I can take you out. If we lose, still the same" he said, grinning 

I sighed. Para namang may choice pa ako, "Alright, I don't have any choice anyways" at binigay ko sa kanya ang bottled water saka niya ininom. Pagkatapos niyang uminom ay inilahad niya sakin ang kanang kamay niya para sa handshake, "It's a deal then"

I accepted it, "Deal"

**

It's been almost three weeks after we made that deal and since then, Drew has been practicing hard and mukhang sineseryoso niya talaga iyon. One time I was about to tell him that I can always clear my schedule for him but I saw his determination which I admired so I let him do what he wants

Tomorrow is a big day because it is the start of the Fall Sports Fest. We are required to use the assigned colors per department para organized daw. Our department color is white which is fine because it goes well with anything. We did not hand picked the color but nagbunutan kami.

Andito ako ngayon sa malapit sa field at nakaupo. Pinagmamasdan ko ang mga nagp-practice sa paligid

"Ano nga ang sasalihan mo?" sabi ng taong noong isang linggo pa sakin nagtatanong kung ano daw ang mga sasalihan kong sports

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong nagmamasid. Lahat kasi ng mga estudyante ay mukhang excited na excited para bukas especially the seniors

"Lia" he said pleadingly and then poked me continuously. Hindi ko na natiis kaya hinawakan ko yung finger niya na nagp-poke sakin at hinarap siya, "Drew, abangan mo na lang" saka nginitian siya ng makahulugan

He frowned and looked defeated kaya hindi na niya ako kinulit pa. I was about to retrieve my hand from his pero pinigilan niya iyon at siya naman ang nakahawak sa kanang kamay ko. Pinaglalaruan niya iyon kaya wala na akong nagawa and hindi na ako nakatanggi pa. Inilagay ko na lang ang ulo ko sa balikat niya at naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim, probably startled sa ginawa ko

I chuckled, "Nagulat ka ba?" I asked and nakatingin pa rin sa harap

"Tsk stop it Lia. You're making me fall for you even more" sabi niya na ikinabilis ng tunog ng puso ko. He's making me kilig

"Natahimik ka?" he asked

Umalis ako sa pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya at kinurot ko ang magkabilang pisngi niya, "Kasi po ang ang sweet mo. Anong nakain mo at sobra sobra naman yata ang pagkasweet mo?" saka ko binitawan ang pagkakakurot sa pisngi niya

He looked away, "Nothing. Is it wrong to be like this?" then asked

I smiled,"Nope, it's not" at inilagay ko ulit ang ulo ko sa balikat niya

I lied, feeling ko may problema siya ngayon. Napakasweet niya, hindi ko sinasabing masama pero something's wrong. These past few days kasi ang sweet niya na talaga and napakaclingy na rin and sometimes I can see him na natutulala na lang bigla. May nagbobother sa isip niya and parang ayaw ko iyon isipin kasi parang pinipiga ang puso ko dahil rito. I do not like what I'm feeling right now, it seems like may masamang mangyayari

****
I have decided to have at least 30 chapters for this story since some of you requested. Grazie for all of the support!

I am secretly a Princess (Royal Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon