after 30 mins.
"anak, dun muna daw tayo. ipasok muna natin mga gamit dun. may tao pa daw dun sa mismong cottage natin eh." well, sabi na eh. naririnig ko kanina sa usapan nila.
"okay."
ayun, naghakot na kami.
pagkatapos maghakot, nahiga na ko, maliit lang ung room. di naman kasi dito ung cottage talaga namin eh. binuksan ko ung aircon.
pabalik balik ung mga bata sa room. dala ng asawa ng pinsan ko ung laptop nila kaya un ang pinaglalaruan ng pamangkin ko.
hayy, wala akong magawa.
may naisip ako bigla.
si Dave.
kung mahal nya ako, hahayaan naman nya ko kung saan ako masaya db? ayoko nang pahirapan sya. ayoko syang pagmukaing tanga. kaya naman tinext ko sya.
To: Dave
gusto ko na tapusin to. ayoko na.
-end-
From: Dave
anong ayaw mo na? nakikipagbreak ka? bakit? dahil ba sa bestfriend mo?
-end-
To: Dave
wag mo syang idamay dito. ayoko na. sawang sawa na ko sa araw araw nating pag aaway!
-end-
From: Dave
wala na ba talagang pag asa? wala na ba talaga?
-end-
To: Dave
wala na. pasensya na. pagod na ko. sawa na ko.
-end-
From: Dave
ok. dyan ka masaya. malaya ka na. wala na kong magagawa.
-end-
at di ko na sya nireplyan.
dapat ba ko maging masaya o makonsensya?
eh eka, bat nga ba ko makokonsensya?
agad agad kong tinext si Chard.
To: Chard <3
bogz! mag unli ka dali! may sasabihin ako sa'yo! :)
-end-
after 10 mins.
From: Chard <3
eto na po, unli na, anu yun?
-end-
To: Chard <3
break na din kami! sa wakas! <3 :> :D :)
-end-
From: Chard <3
talaga? so... ano na? :)
-end-
From: 8888
Your Globe Unlitxt has already expired. To register again, text UNLITXT80 for 5 days or UNLITXT20 for 1 day............ (blah blah blah)
-end-
aww. cut na unli ko. btw, marami naman ako freetexts eh. tinext ko si Chard.
To: Chard <3
bogz, cut na unli ko. mag unli call ako maya. tawag na lang ako ok.? wait mo ha. :*
-end-
From: Chard <3
nyek, pinag unli ako tapos biglang nacut unli nya. cge na nga. hmf. ingat kau jan, love you bogz, :*
-end-
aoh. how sweet. ganun sana. ^_^
mga ilang oras nakalipas, tinawag na kami para ilipat na ung m ga gamit sa mismong cottage namin.
tumungo agad ako sa kwarto namin para maayos na ung gamit ko at mahiga. again, binuksan ko ung aircon. hehe, bat ba, init na init ako sa buhay ko eh. :)
tatlo ung rooms. ok naman sya. ung isa walang aircon, fan lang.
lahat sila mga nagtampisaw sa beach. mga desididong magpaitim! xD
ung isang pamangkin ko naiwan, kaya naman i waste my time para magkaron naman kami ng bonding moment.
"baby Nate, picture tayo dali!" Nathan Andrei full name nya, baby Nate ang nickname nya.. bunso kasi sya eh. ewan ko lang kung masusundan pa.
"Titaaaaaa!"
"Yes baby Nate?" inupo ko sya sa upuan tsaka ko tinabihan. nagpicture picture kami so ayun, dami naming picture.
napaisip ako bigla. sana may anak akong ganitong ka cute! maputi, matangos, mabait, matalino!
ay erase erase! bata bata ko pa eh.. hihi. :)
nung bandang hapon, inaya ko si ate, kasi gusto ko magpa henna.
tinanong ko c Chard nun kung ano gusto nya ilagay ko sa henna ko. sabi nya RICHLEY daw. (rits-li) as in combination ng RICHard and ashLEY. galing nya noh?
so ayun, nagpahenna ako, 100! omg. yun lang un ha. dito ko pinalagay sa may right hand ko. sa gilid. nagegets nyo ba? ay basta yun na un.
nung natapos, 50-50 ung pagka satisfied ko. 50 satisfied, 50 not satisfied. ok lang.
nung gabi na, nagswimming kami ni ate. eh kailangan pang patuyuin ung henna, so nakataas kamay ko. parang tanga lang. pero ok lang. at least nakababad sa beach. ^_^

BINABASA MO ANG
my bestfriend/boyfriend
Teen Fictionpano kung mainlove ka sa bestfriend mo? masasabi mo ba sa kanya nararamdaman mo? o hahayaan mo na lang na mapunta sya sa iba?