Chapter 9: umagang umaga, sya nanaman iniisip ko!

65 1 0
                                    

kinabukasan...

*riiiiiiiiiiiiiiiiing* *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

ay anu ba yan! umagang umaga, sino ba 'tong nambubula---bog?

pagtingin ko sa phone, si----------------------------- Dave.

sinagot ko. "hello?"

"ano bang problema mo Ashley ha?" teka, ikaw anong problema mo?

"problema? wala? bakit?"

"umayos ka nga! nakakainis ka na! sabi mo mag uunli ka kagabi after dinner! pinupuno mo pasensya ko ha!" ay, oo nga noh? nakalimutan ko. patay. >.<

"eh sorry, nakalimutan ko. panay kasi utos ni mamy sakin eh. sorry talaga." Ashley...konting tiis na lang. mawawala na rin sa buhay mo yang napakahigpit mong bf. err.

"bahala ka nga jan." -tooooooot-

at ayun, binaba. haha! nakakatuwa! sana sya na makipagbreak. sabihin nya saking pagod na sya. para naman si Chard na atupagin ko. argh! anu ba! umagang umaga, sya nanaman iniisip ko! hmp.

teka, anung oras na ba?

[10:47 am] whaaaaaaaaaaat? antagal kong nakatulog? aww. shoot.

dali dali akong bumangon. tumungo ako sa kusina para icheck kung nagluluto na ba si mamy.

at ayun, nagluluto na nga. hayy. nasanay na ko laging hating gabi kung matulog. tapos tanghali magigising.

naghilamos ako. ay ang sarap ng feeling...

pumasok ako sa kwarto, pinunasan ko ung mukha ko. pagbalik ko sa kusina...

hmmmmmmmmmmmm. ang bango...

"mamy, ano niluluto mo?"

"sinigang anak. paborito mo."

"wow! haha. gaganahan nanaman ako kumain nyan! :)"

favorite ko kasi ung sinigang eh..

after lunch, naligo lang ako, nag FB nang hindi namamalayan ang oras... mag seseven na. dinner naman! :D

after dinner, naalala ko, ngayon nga pala yung movie marathon namin.

nagtoothbrush ako. tsaka ko tinext sila Chard.

text message:

To: Chard <3

Chard, san na kayo? Tuloy tayo ha. :)

-end-

text message:

From: Chard <3

Papunta na kami jan. Handa mo na popcorn mo! :D

-end-

Text message:

To: Chard <3

kdot. :*

-end-

Text message:

From: Chard <3

kfly. :* miss ko na ung isa jan.

-end-

isa jan? sinu yun?

maya maya dumadating na sila.

"tao po..."

nagtahulan yung mga aso. kaya dali dali akong lumabas para salubungin sila.

"halika, pasok na kayo. para di na tumahol yung mga aso..."

"umpisahan na ba natin?" tanong ni Roy.

"ah, oo, teka kunin ko lang cd's tas kunin ko na din popcorn." sinalang ko ung popcorn nung magkatext kami ni Chard.

at ayun, inumpisahan na namin. 

movie list:

~The Green Hornet

~Sucker Punch

~Rango

~The Rite

~Sanctum

~The Roommate

~Gnomeo and Juliet

haha, tignan natin ang katapangan ng mga yan sa The Rite tsaka sa The Sanctum na yan. ^_^V

andaming popcorn, 5 packs yung binili ko, ubos nila. grabe ha, di naman sila gutom? pati popcorn pinagdiskitahan, xD

antok na antok na sila, sa Rango palang ha, apat pa yung kailangang tapusin. si Rex nakatulog na tsaka c Kevin. ako, si Chard, tsaka si Roy na lang ang gising. ganito pwesto namin,

REX-ROY-ASH-CHARD-KEVIN

syempre gitna ako, ako lang babae eh. :P

nung tapos na ung Rango, The Rite na. ayan na yung pinakahihintay ko. :D

favorite ko mga horror movies, samantalang si Chard? tss. ayaw nya. baligtad kami.

ginising ni Roy si Kevin at Rex para sa susunod na movie.

nung nag uumpisa na, parang pumipikit si Rex. ginigising ulit ni Roy si Rex. nung nasa part na ung movie na may thrill, dilat na dilat si Rex! hahahaha! kulang na lang sumigaw! tawa kami ng tawa nila Roy.

hahaha! habang nanunuod kami, i saw in the corner of my eye na may nakatingin sakin... 

paglingon ko, si Chard.

"anong tinitingin tingin mo jan?"

"bakit, masama ba?"

"huu, natatakot ka lang eh." nag belat ako sakanya. :P

"hindi noh. bat naman ako matatakot?" huu. wari pa tong taong to, haha!

my bestfriend/boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon