Chapter 26: bagong school year, bagong buhay. ^_^

43 2 0
                                    

fast forward tayo sa June 11, saturday...

umaga nanaman! aluuuuh! malapit na talaga ang pasukan at feel na feel ko na. nga pala, nakapamili na sila mamy ng gamit, di na ko sumama at nakakatamad. hehe, ballpen na lang pinabili ko dahil may refill pa naman ako ng filer notebook. :)

nag open ako ng fb ko para makibalita dahil nakakatanggap ako ng mga gm na hndi pa raw sa lunes ang pasukan.

nung makita ko ang page ng school namin, may naka post dun.

Start of classes moved on June 16 because the classrooms is new paint and need replacing seats.

oh yes! haha extended ang bakasyon! xD

fast forward again dahil ang author ay tamad na tamad este si Ashley ay wala namang ginawa sa 4 na araw na extension ng bakasyon.

June 16.

habang nasa jeep ako.

iniisip ko kung ano gagawin ko. :)

naisip ko naman nung bakasyon na hndi na sumabay kay Fer kasi lahat naman tayo deserving magkaron ng new friendships di ba?

pagdating ko dun nakita ko si Pauline. dating kasabay namin ni Fer na umalis lang din sa amin. you know naman. hehe. :))

sakanya na ko sumabay at kasabay din nya si Lauren.

sama sama kami ng mga kablock ko sa tapat ng library kahit na ang unang room namin eh sa kbilang building pa.  xD nandito kasi kami sa main campus. at ang building na tinutukoy ko ay sa kabilang kalsada lang. kasama ng IT department, elementary at highschool department.

bagong school year, bagong buhay. ^_^ (kasama ang pinakamamahal kong si Chard.)

speaking of Chard!!!

hinanap ko sya.

di ko sya makita. hmp. pero sabagay, di naman dito ang rooms nya. dahil IT sya, dun sya sa IT department.

what!? ay oo nga IT nga. haha may possibility na makita ko sya dahil dun ang room namin malapit sa kanila. :">

nagpunta na kami sa room namin dahil medyo kumpleto na kami.

lingon dito lingon dyan, lingon dito, lingon dyan...

hanap dito, hanap dyan, hanap dito, hanap dyan...

abey waley pa rin! geez. mamaya na lang tetext ko sya.

first day, syempre ineexpect mo na pakilala dito at pakilala jan. maaga kami pinapalabas ng mga prof kasi mga tinatamad din. hehe'

'

lunch na.. at tinext ko na si Chard.

To: Chard <3

panget! di pa kita nakikita!

-end-

kumain na kami. pagkatapos kumain, tumambay kami sa library.

nakita namin si Melissa at Rachel. bago lang sila sa block namin last sem. ok naman sila.

ayun, chikahan.

hanggang 5 yun ha! ang schedule ko kasi ngaun, dalawang tig 4 hours at isang 1 and a half hour. yung dalawang apat na oras eh magkasunod at iisa ang prof. astig nuh? kawa pag di sya pumasok, ayos! hehe.

antagal namin nag usap noh? syempre tungkol sa lovelife ko at bakasyon namin ang napag usapan. alam na. hehe

5-6:30 na ang papasukan namin. kaya naman 30 minutes before time, nagpunta na kami sa room. ang dilim na. nakakatakot umuwi. huhu.

nagsidatingan din naman yung mga kablock ko at maya maya lang dumating na yung prof namin.

as usual pakilala lang at tamad ang prof. wala pang 6 eh nag uwian na kami. yahooo~!

nung chineck ko ung phone ko, nakita ko may text. apat.

From: Chard <3

wat time uwian mo?

-end-

ui panget, wait kita ah sabay tayo.

-end-

uwian na namin. kau ba?

-end- (that was 5 pm)

maghihintay pa rin ako. dito lang ako sa bench namin. (IT department)

-end-

gosh! naghihintay pala sya! nagpaalam na ko sa mga nakasama ko kanina sa library.

"Paula, Lauren, Melissa, Rachel, una na ko wah! inaantay na ko ni Chard eh! bbye!"

sigaw ko kasi medyo nauuna na ko sa kanila dahil nga nagmamadali ako.

nagpunta na ko sa bench kung san sya naghihintay.

hingal na hingal ako pagdating ko.

"oh bat hingal na hingal ka?" salubong sakin ni Chard.

"eh halos tumakbo na kasi ako pababa. (sa 4th floor kasi ang room namin)"

"nyek. pede namang dahan dahan lang eh. nga pala..."

bago pa nya tanungin ang bat-di-ka-nagtetext, eh nag explain agad ako kahit hingal na hingal ako.

"sorry kung (inhale-exhale) hndi agad (inhale-exhale) ako nakareply kasi (inhale-exhale) di ko (inhale-exhale) agad nabisita yung (inhale-exhale) phone ko. sorry (inhale-exhale)"

"ok lang yun nuh. tara na, uwi na tayo."

sabay hila nya sakin palabas.

"sa susunod lang icheck mo lagi yang phone mo kung may text o wala ha. para san pa yang cp mo." dagdag pa nya.

medyo huminahon naman na yung pagkahingal ko kaya diretso na yung sagot ko.

"opo boss. di na maulit."

nag trike na kami papunta sa sakayan at dumiretso na pauwi.

another day has done...

-----

a/n: tuesday na po ulit ang UD! thanks for reading! :)

pakiclick na rin po ang vote sa upper right. thank you so much! :D

my bestfriend/boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon