Chapter 4: sino yun?

83 0 0
                                    

*flashback na mejo pakwento.*

nagtext sya last summer sa kin. dun kami nag kaclose. barkada ko kasi ex nya nun. birthday ng ex nya kaya kasama sya. wala na sila nun pero friends pa. dun kami nagkausap, dun din nagkaharutan, ayun. malapit na ko mafall sakanya kaso may girlfriend ako. ang bilis noh?

kasi kasi. late na sya dumating sa buhay ko kung kelan meron na kong girlfriend. kaasar yun.

tapos nung July niligawan na sya nung Dave na yun. nung summer lang din sila nagka close. pero mag bestfriend na kami nun. May kami naging mag bestfriend so nauna pa rin akong nakilala.

at ayun. may girlfriend nga ako.. mahal ko yun pero mas mahal ko si Kate.

sinagot naman ni Kate yung Dave na yun nung August. ang bilis. nainlove kaagad dun. asus.

tas nung September, few weeks before ng birthday nya, binreak ako ng gf ko, di ko alam kung bakit, tanungin ko daw sarili ko.

hayy. buhay nga naman. nasaktan ako. na may halong saya, kasi malaya ko nang mamahalin si Kate. Kaso, may bf sya. tsk. aray.

Nagpaswimming xa, after 4 days ng mismong birthday nya. Emo pa din ako kasi kakabreak nga lang namin.

alam na nyang break kami kaso di ako makalapit sa kanya nun. inis nga eh, natatakot akong umiyak sa harap nya kahit sinabi pa nyang iyakan ko sya o sabihan ng problema. tsaka, kalalake kong tao noh.

nakikita kong nag aalala sya sakin nung time na yun kaya ilang beses nya kong tinry na puntahan kaso yung barkada namin tinatawag sya. yeah right, barkada na rin namin sya since then.

Hanggang sa nag uwian na nga, di ko na sya nakausap, balak ko sanang magtapat sa kanya nun...

Nung pauwi kami, ang dilim sa daan kaya isang grupo kaming sabay-sabay na naglakad pauwi. Malapit lang kasi yung resort kaya nilakad namin kahit na ilang metro din.

May nakikita kaming dalawang lasing na hahapay hapay, dahil nga madilim, kinikilala pa namin kung sino.

Ayun, sabi ng isang barkada namin, si Alex, yung ex nga nya tsaka pinsan nya, magkaakbay, susunod pala dapat sa resort, kaso nakasalubong na namin.

Naiinis ako sa kanilang dalawa, inaya na nga sila ni Kate na sumama sa swimming hindi pa pumunta, imbes uminom na lang sila. Tas ang kapal pang sumunod samin na lasing naman.

Naramdaman kong tumabi sakin si Kate, siguro natatakot sya sa dalawa.

"sino yun?" nanginginig na tinanung sakin ni Kate.

"takot ka naman jan, si ex mo tsaka pinsan mo." sabi ko ng mahina.

"aishst! sila lang pala, kala ko kung sino. pinakaba ko sa takot. ang kapal huh! susunod pa!"

napalakas yung boses nya kaya lingunan yung iba.

"wag ka magulo." inakbayan ko sya, mejo nakainom din kasi ako nun.

"ayy, ang bigat mong panget ka ha." naku nabigatan pala.

tinanggal ko nalang braso ko sa balikat nya.

nauna yung dalawang humahapay kaya tumambay pa sila.

huminto yung mga barkada namin tas yung kapatid nya c Kevin na barkada din namin, nauna kasi naiinis din, nauna din sya pati ate nya (katulong) at yung isa pa nyang kapatid na bunso.

Humintoako sandali kasi baka sandali lang din naman sila Roy.

Lumingon sya, nakita ko, huminto pa. Siguro akala nya kakausapin ko pa ex nya at pinsan nya. Kaya nagpatuloy na ko sa paglalakad, nagpaalam naman ako sa mga kasama ko. Hinintay nya ko at sabay uli kami naglakad.

"Ano ginawa mo dun?" tanung nya.

"Ala, hintayin ko sana sila Roy eh. nainis ako kinausap pa nila kaya umalis na din ako. tara hatid na kita." malapit na din kasi bahay nila, ilang hakbang lang din.

Pagdating namin sa kanto nila, nakita ko agad mommy nya. Kaya pinapasok ko na sya at di na nagsalita. c Kevin hinihintay ako kaya nag usap pa kami sandali. Di rin ako nagtagal umuwi na rin ako.

*end of flashback*

my bestfriend/boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon