Prologue.

27 1 1
                                    

"Please proceed to the covered court now." Pag-aanunsyo samin ng aming guro habang vacant namin ngayon ng classroom now.

"Ay! Ngayon nga pala tayo magpapractice ng sayaw so Prom!" Sigaw ng isa kong kaklase habang tuwang-tuwa.

"Omg! I can't wait. This is my time para masolo ang aking bebe." Landi neto.

"Excited na ako! Walang klase, magpapractice lang tayo maghapon!" Sigaw muli nung isa habang tuwang-tuwa kasi wala daw klase.

Tss. Am I the only one na hindi excited at hindi natutuwa? Feeling ko nga mas nakakatamad itong magpapractice maghapon ng sayaw kesa mag-aral maghapon.

Nang makarating na kami sa covered-court, nilapag ko na yung mga gamit ko sa mga bleachers doon at naupo na lang habang hindi pa naman nagsisimula.

"Callie, sino nga partner mo?" Biglang tanong sakin ni Alex pagkaupo agad nito sa tabi ko.

Sa ngayon, wala muna akong partner. Kasi noong nagpapartneran kami last time, tinanong ng teacher namin kung sino ang magvovolunteer na wala munang kapartner dahil mas madami sa section namin ang babae kaysa lalaki kaya magkukulang ng lalaki at masosobrahan ng dalawa ang babae. So pinagvolunteer na lang kami ni Ma'am para hindi unfair dun sa mga matitira. And I and Kass was the one who volunteered.

"Wala pa." Tipid kong sagot at nginitian siya.

"Ay oo nga pala! Haha!"

"I'm calling the attention of all the grade 10 Carnation, please line up here with your partners."

Nakapila na kami lahat with partners at ako lang ang walang kapartner. So... Feeling ko naman, masaya din mag-isa.

Nag-umpisa nang magturo yung teacher ko ng mga steps at ako ay sumusunod lang. Mas maigi nga yun, super focused ka sa ginagawa mo kasi wala kang partner at di ka maiilang. To be honest kasi, hindi ako sanay ng hinahawakan ng mga lalaki lalo na pag nasayaw, naiilang ako.

2 hours na kaming nagpapractice and we already finished 4 figures.

"Break time muna." Our teacher announced.

"Callie, tara magrerecess! Di ka na ba sasama?" Alex.

Baliw ka ba? Aakitin mo ako magrerecess, tapos tatanungin mo kung di na ako sasama? 

"Hindi ah. Sasama ako." I said as I was standing from my chair.

Nagtungo na kami sa canteen para makakain na. Two hours din kasi yung practice at nakakagutom. Lagi pa man din akong gutom.

"Guys, kilala niyo si Isaiah Monterde?" Biglang imik ni Chesca habang abalang-abala kami sa pagkain.

Hindi ko yun kilala eh, so shut-up na lang me.

"Oo Ches. Yun yung college diba? Gwapo nun e. Sayang, nakita ko yung isang linggo, di man lang ako nakapagpapicture at nakakahiya." Alex.

Pati ba naman college, pinapatulan nitong si Alex. Sabagay, kung gwapo nga naman, wala na akong magagawa, baka nga pati ako pag nakita ko yun mapogian din ako.

"Bakit ka naman mahihiya Alex, eh hindi ka nga kilala nun. Kung kasama lang kita nung nakita mo yun, uunahan kitang magpapicture dun!" Sabi ni Chesca.

Bigla naman siyang binatukan ni Alex.

"Leche ka! Eh mas nakakahiya kaya yung gusto mong gawin. Sige nga, maglakas loob kang magpapicture kay Isaiah tapos kasama yung girlfriend niya, sige nga! Tingnan natin kung hindi ka mahihiya! Tapos pag sinabunutan ka nung girlfriend, pagtatawanan pa kita." Sagot ni Alex.

"Oa mo naman! Syempre, magpapaalam ka muna na magpapapicture ka. Picture lang naman yun, di naman jojowain. Tsk."

Kahit kailan talaga, ganito lagi magtalo itong dalawang 'to. Di na lang muna ako nakikisali pag ganyan ang pinag-uusapan at baka hindi na kami dito lalo magkasundo. Pero kahit ganoon, masaya silang kasama. Bale, 4 years na kaming magkakasama nang mga yan at alam na namin ang ugali ng isa't-isa.

"Hoy time na! Tara na!" Saway ko sa dalawang di pa din tumitigil sa pagdadada.

"Hayaan mo nang malate tayo, di pa naman agad magsisimula. Tsaka, wala ka namang partner kaya okay lang yan!" Pagpipigil ni Alex.

"Bad Influence ka talaga sakin kahit kailan." Sabi ko sa kanya.

"Charot lang Callie, sige na nga!" Sabi nito at tumayo.

"Hindi ka tinatamad sumayaw kahit wala kang partner?" Biglang tanong ni Chesca habang naglalakad kami pabalik sa court.

"Hindi naman. Masaya nga eh." Sabi ko at ngumiti. Totoo naman eh. "Why? Di ka ba komportable nang may kapartner.

"Okay lang sana, kaso dun sa part na nakahawak siya sa may balikat ko, feeling ko anytime, baka accidentally na matouch yung cleavage ko. Kailang beh." Sabi nito nang may magkahalong inis at ilang.

Bigla talagang tumawa nang malakas si Alex. Kaya binatukan na naman siya ni Chesca.

Nag-umpisa na muli kaming magpractice and by this time, may partner na yung teacher namin from the dance troupe.

I can say na nakikita ko siya within our campus and magaling siya magkekembot unlike the other dance troupes. He's tall. Maganda ang pangangatawan, he has a broad back, his nose is but a pointed one, napakaamo ng mga mata niya, his lips is reddish at maninipis plus the mestiso color of his skin and his attracting jawline na icoconsider ko na bumuo sa malaperpektong hitsura niya.

Nagsimula na siyang magsayaw at turuan kami. And now, I'm back again at reality, wala na naman akong partner, and sanay na ako.

After 15 minutes, biglang tumigil ulit kami sa pagpapractice at maya-maya nagsimula na naman. Pero bago pa nagsimula ulit, umimik na naman yung teacher namin.

"Ivan!" Tawag ng teacher dun sa lalaking partner niya kanina. Yeah, I know him and he's my batchmate din. Pero hindi kami close at hanggang name lang niya at mukha ang kilala ko. Syempre gwapo e, malabong hindi agad makilala dito sa campus.

"Where is Ivan? I am calling the attention of Ivan Monterde, please come here."

Luminga din ako sa paligid ko para hanapin si Ivan and I saw him stood up from the bleachers doon sa dulo kasama yung mga barkada niya.

Tumakbo si Ivan palapit dun sa teacher namin and I swear, the way he runs, it attracted me. I don't know why. 4 years ko na siya kilala by face and name pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa kanya.

Pinagwalang-bahala ko na lang yun nang makarating na siya kay ma'am at kinakausap siya kaya ibinaling ko na lang yung tingin ko dun sa mga grupo ng babaeng nagvovolley-ball sa kabilang side ng court.

"Carnation! Let's start again. Together with Kass and Callie who doesn't have a partner, you will have your partners now." My teacher said kaya agad na akong humarap doon dahil isa pa malalaman ko na kung sino ang magiging partner ko.

At pagkaharap ko pa lang, I saw Ivan walking toward my place. Ayokong mag-assume na papartneran niya ako, kasi mamaya baka diyan lang yan dumaan para bumalik. Ayoko mag-assume even though he is looking at me. I shouldn't give this a malice, kung siya man ang partner ko, wag na akong maarte, sayaw lang naman 'to.

Nang matanaw kong malapit na malapit na siya sakin, bigla akong dinapuan ng kaba. Nakatingin lang ako sa kanya na kanina'y nakatingin din siya sakin, pero habang kabadong-kabado ako na makakapartner ko siya, lalong kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong bigla niyang inalis yung kanina'y tingin niya sakin at ibinaling naman ito kay Kass na nasa likod ko na wala ding partner. Habang sinusundan ko siya ng tingin palampas sa tabi ko, biglang may namuong ngiti sa bibig niya ng makita si Kass.

Sa halip na tumigil na yung pagkabog ng dibdib ko kasi hindi naman ako ang partner niya. Pinagpawisan ako. Pinagpawisan ako sa hiya sa sarili ko.

Nakakahiya. Yung akala mo mangyayari yung ineexpect mo, pero hindi.

When He Fall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon